Friday, February 8, 2019

PASAHERO INUTUSAN ANG FLIGHT STEWARDESS NA SIYA AY HUBARAN UPANG TUMAE

Pasahero inutusan ang flight stewardess na siya ay hubaran






Isang Taiwanese flight attendant ang planong magdemanda ng sexual harassment sa isang pasahero, matapos siyang pilitin na hubaran ito.


"Nasaktan siya at gustong makipaglaban para sa katarungan," sinabi ni Chou Sheng-kai, vice secretary ng Taoyuan Flight Attendant's Union, sa Inkstone.


Isaang naka-wheelchair na may timbang 200kg na pasahero ang nagpumilit sa flight attendant - na may apelyidong Guo - upang alisin ang kanyang damit na panloob at punasan ang kanyang puwet pagkatapos nitong magbanyo. Sinabi niya na hindi niya ito magawa dahil bago lamang daw naoperahan ang kanyang braso.


Sinabi ni Guo sa press conference na bagama't nagdalawang-isip siya ay ginawa niya pa rin ito, at nang sinubukan niyang takpan ng kumot ang maselang parte ng katawan ng pasahero ay tinabig nito ang kanyang kamay.

Tila umuungol pa daw sa saya ang pasahero matapos punasan ng kanilang supervisor ang puwet nito, dahil hindi na napapayag si Guo na gawin pa ito.

Maraming beses ng naging pasahero ng EVA Air ang nasabing pasahero at hindi ito ang unang pagkakataon na masangkot sa isang pakikipagtalo sa mga cabin crew ang hindi pinangalanan na pasahero.

Sinabi ng carrier sa isang press release na sa isang flight noong nakaraang taon ay humingi rin ang nasabing pasahero ng tulong mula sa cabin crew para gamitin ang banyo sa kadahilanang may problema ito sa katawan. Nang tumanggi ang staff na gawin ito ay doon tumae ang pasahero sa kanyang upuan.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit pinapayagan pa rin itong sumakay ng eroplano kung hindi naman nito kayang alagaan ang kanyang sarili.

Ang mga flight attendant ng EVA Air ay puro mga babae.

Sa isang pahayag, sinabi ng airline na nakabase sa Taipei na hindi nito sisihin ang mga flight attendant na tumanggi sa mga hindi makatwirang kahilingan ng mga pasahero, at idinagdag na "kinikilala at taos-pusong pinasasalamatan" ang pagpayag ng mga kawani na tumulong sa pasahero.

Dagdag nito, sila ay gagawa ng hakbang para sa nasabing pasahero na ito ay mablack-list o hindi payagan na sumakay na walng kasama at magdala ng fit-to-fly certificate.

No comments:

Post a Comment