Patay na Butiki Nakita sa Loob ng Isang Popular na Sitsirya
Ang salted egg craze ay ay isa sa mga pinaka-popular na meryenda at marami ang tumatangkilik, at isa sa pinakapaborito ng mga tao ay ang fish skin variety nito. Ang snack na ito ay nakakahumaling, sa katunayan ay maraming bersyon ang naiproduce dahil dito.
Gayunpaman, sa susunod na kumain ka ng meryenda na ito ay suriin mo muna nang maayos ang laman bago mo punuin ng fish skin ang iyong bibig. Isang netizen kamakailan ang nagbahagi ng kanyang nakakatraumang karanasan sa Facebook nang ang kanyang kapatid na lalaki at ina ay muntik makakain ng butiki na nasa loob ng kanilang Irvins Salted Egg Fish Skin bag.
"Ang aking kaawa-awang kapatid na lalaki at ina ay nakakain na ng kalahati ng laman ng fish skin bago nila natagpuan ito sa loob !!! Ito ay nakakadiri. Paano ito nangyari? Ang tuko na ito ay mukhang naprito kasabay ang mga balat ng salmon."
Ang Irvins Salted Egg Fish Skin ay nabili niya sa isang supermarket sa Thailand kung saan siya naninirahan ngunit nakalagay sa label na ito ay made in Singapore. Marami ang nagsasabi na baka nahulog ang butiki sa loob ng pagkain matapos itong buksan ngunit ito ay kinontra niya sa pagsasabing mukha itong pinirito. Mukha talaga siyang malutong.
Kasunod ng insidente, sinabi niya na ang kanyang kapatid ay sumulat ng galit na email sa kumpanya na nagrereklamo tungkol sa karagdagang"sorpresa" sa kanilang Irvins Salted Egg Fish Skin. Sinabi niya sa amin na ang kumpanya ay tumugon sa kanyang kapatid at humingi ng tawad para sa insidente, nag-aalok ng refund at handa daw silang tumulong para sa medikal na bayarin.
Gayunpaman, sinabi rin niya sa amin na sinabi ng Irvins na nagawa na nila ang pag-recall ng mga produkto at lumipat din sa isang bagong pasilidad ng produksyon na mas bago at mas malinis. Kaya, kumpiyansa ang kumpanya na hindi ito mangyayari muli.
Naglabas ng pahayag ang Irvins at sinabi sa mga customer na hindi nila alam kung paano napunta ang butiki sa loob ng snack at inireport na nila ito sa Agri-Food and Veterinary Authority (AVA) at ang kumpanya ay ganap na makikipagtulungan sa mga pagsisiyasat nito. Humihingi sila ng taos-pusng paumanhin sa mga customer at sa mga naapektuhan dito. Sinabi ni Irvin Gunawan, ang tagapagtatag ng kumpanya, na ang sinomang mga customer na may salted egg snacks na mag-eexpire sa Oktubre 16 sa taong ito ay maaaring mag-e-mail sa feedback@irvinsaltedegg.com upang ibalik ang produkto at makatanggap ng refund.
Ang Irvins Salted Egg ay may outlet sa Singapore, Hongkong at Philippines.
No comments:
Post a Comment