Wednesday, January 16, 2019

Tony Labrusca Palalayasin sa Pilipinas

Tony Labrusca Palalayasin sa Pilipinas





Isang deportation case ang isinusulong Bureau of Immigration (BI) laban sa aktor at dating Pinoy Boyband finalist na si Tony Labrusca.

Ang pagtratrabaho ng walang permit ang sinasabing dahilan ng rekomendasyon ng kanilang legal division.

Ang rekomendasyon na ito ay kasalukuyang nirereview pa Legal Division ng BI at sa ngayon ay wala pang nakahain na deportasyon sa aktor.

Ayon sa impormasyon si Tony ay naghain na ng petisyon para kilalanin bilang isang legal na Pilipino, sapagkat ang kanyang mga magulang ay kapwa din Pilipino.

Sa sandaling ipagkaloob ang petisyon ni Labrusca, ang kaso ng deportasyon ay hindi na mangyayari.

Hindi na siya pwede pang ideport dahil siya ay ganap ng isang Pilipino.

Kahit na ginawa ni Labrusca ang isang pagkakasala, tulad ng pagtatrabaho nang walang permit bago ang pag-apruba ng kanyang petisyon, magiging "isang administratibong kaso na lamang ito.

Si Labrusca ay anak ng aktor na si Boom Labrusca at modelo na si Angel Jones.

Siya, na ipinanganak at pinalaki ng mga magulang sa Estados Unidos.

Ang aktor ay nabatikos dahil sa di-umano'y paninigaw nito sa isang opisyal ng imigrasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos siyang mabigyan ng 30 araw na pamamalagi sa bansa.

Nagpublic apology na si Tony sa nangyaring insedente.

No comments:

Post a Comment