Wednesday, January 16, 2019

52 Anyos na Lalaki Viral Dahil sa Bata nitong Itsura

52 Anyos na Lalaki Viral Dahil sa Bata nitong Itsura




Nakakuha ng atensiyon ang isang lalaki mula sa mga netizens matapos malaman ang edad nito.

Sa edad na 52 ay mapagkakamalang nasa twenties pa ang lalaki dahil sa bata nitong itsura.

Dahil dito ay naging overnight celebrity si Tan at nai-feature din siya sa New York Post.

Healthy lifestyle at disiplina sa sarili ang sinasabing dahilan kung bakit ang dating singer na ngayon ay isa ng photographer na si Chuando Tan mula sa Singapore ay masasabing isa pa ring hunk sa tikas ng pangangatawan nito.

Para sa almusal, kumakain siya ng anim na nilagang itlog na may dalawang yolks. Ito ay upang maiwasan ang mataas na antas ng cholesterol ng mga yolks.

Kumakain din siya ng maraming manok, kasama ang gatas. Para sa mga bitamina na para sa balat, ang mga avocado ay bahagi rin ng kanyang diyeta.

Siyempre, ang pag-inom ng maraming tubig ay kabilang din sa kanyang sekreto.

Tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo kung mag-exercise at araw-araw nagswi-swimming.

Hindi rin siya naninigarilyo at ginagawa niya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya sa paniniwala na ang pananatiling masaya ang sikreto para maging maaliwalas ang iyong hitsura.

Si Chuando Tan ay isinilang noong Marso 3, 1966 sa Singapore.

Siya ay nangangasiwa sa pagpapatakbo ng kanyang sariling Modeling Agency. Si Tan ay isa ring ambassador para sa isang Chinese cahrity, ang Spread the Hope, kasama ang iba pang mga celebrity, tulad ng Naomi Campbell, Gigi Leung, at JJ Lin.

Si Tan ay nananatiling isang binata at ginugugol ang oras sa kanyang mga kaibigan at sa gym. Dahil sa likas na mahiyain, ayon sa kanya, noong siya ay nag-viral at nakilala ay nagkulong at hindi siya lumabas ng bahay.

No comments:

Post a Comment