Bata Kinutya ng Empleyado ng Airline dahil sa Pangalan na Abcde
Isang ginang mula sa Texas ang nagrereklamo matapos kutyain ng isang empleyado ng Southwest Airlines ang kanyang 5-taong gulang na anak na babae dahil sa pangalan nito na Abcde.
Ayon kay Traci Redford siya at ang batang si Abcde (pagbigkas "Ab-city") ay lilipad pauwi sa kanilang tahanan sa El Paso, Texas galing Santa Ana, California ilang linggo na ang nakalilipas nang ang isang tagapangasiwa sa gate ay biglang kinutya ang pangalan ng bata.
Ang empleyado ay tumatawa na nagtuturo sa kanya at sa bata habang kinakausap ang isa pang kasama nito. Kinausap ito ni Traci na huminto na sa pagkutya dahil naririnig niya ito at ng kanyang anak.
Tinanong daw ng bata ang kanyang ina kung bakit siya pinagtatawanan ng nasabing empleyado.
"Sinabi niya, 'Nanay, bakit siya tumatawa sa pangalan ko?' At sinabi ko hindi lahat ay mabuti at hindi lahat ay magiging mabait at ito ay nakakalungkot, "sabi niya.
Kinuhanan diumano ng litrato ang boarding pass ng bata at ipinost sa social media, na ayon kay Traci ay nalaman na lamang niya mula sa isang kakilala na nakakita nito online.
Name shaming? This Texas woman claims a @SouthwestAir agent made fun of her 5-year-old daughter's name as they were preparing to board their flight at @JohnWayneAir in Orange County.— Veronica Miracle (@ABC7Veronica) November 28, 2018
Her daughter's name is Abcde (pronounced Ab-city). @ABC7 pic.twitter.com/iHpBPoakYI
Sa isang pahayag sa BuzzFeed News, sinabi ng tagapagsalita ng Southwest Airlines na si Chris Mainz ang "taos-pusong paghingi ng tawad ng kumpanya sa pamilya" at sinabi na ang social media post ng empleyado "ay hindi nagpapahiwatig ng pangangalaga, paggalang, at pagkamagalang" na inaasahan mula sa mga empleyado.
Binabantayan na daw nila ngayon ang naturang empleyado, bagamat hindi nila isinapubliko ang pagkakilanlan nito, ito ay isang pagkakataon upang mapalakas ang aming mga patakaran at bigyang diin ang aming mga inaasahan para sa lahat ng mga empleyado," sabi ni Mainz.
"Pinagmamalaki namin ang pagpapalawak ng aming Southwest Hospitality sa lahat ng aming mga Customer, sa pamamagitan ng Golden Rule kabilang na ang pagtrato sa bawat indibidwal na may paggalang, sa personal man o sa online," dagdag niya.
Naulat ng Vocativ na may 328 katao ang nagngangalang Abcde sa Estados Unidos, halos lahat ay mga bata.
Naging urban legend na ito sa isang online forum ng mga buntis kung saan sianbi ng mga ina na may nakilala silang Abcde ang pangalan. Binansagan itong isa sa mga "worst names ever."
No comments:
Post a Comment