Monday, December 3, 2018

Kilalanin si Angela Ponce ang Pinakaunang Transgender Contestant ng Miss Universe

Kilalanin si Angela Ponce ang Pinakaunang Transgender Contestant ng Miss Universe




Si Angela Ponce, 27 taong gulang ang pinakaunang transgender na sasabak sa Miss Universe Pageant ngayong Disyembre na gaganapin sa Thailand. Siya ay nanalo at kinoronahan sa Spain nitong Hunyo, mapatapos matalo ang 22 contestants para magrepresenta ng kanilang bansa.

Noong 2012, ang Miss Universe Pageant na noon ay pag-aari pa ni Donald Trump ay binago ang regulasyon upang mabigyang daan ang pagsali ng mga transgender sa competition. Ginawa nila ito bilang tugon sa naging reklamo ni Jenna Talackova, isang transgender na pinagbawalang sumali sa Miss Universe Pageant sa Canada.

Naalala dati ni Ponce noong siya pa ay Miss World Contestant ng Spain, sa araw na mismo ng kompetisyon na may patakaran pala ito na hindi hinahayang manalo ang mga trangender women.

Nasaktan ako, ngunit kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang kompetisyon. Ngunit nang makarating ako sa final Miss Universe, binago rin ng Miss World ang kanilang mga panuntunan. Binago ko ang mga panuntunan. "

Si Ponce ay naging model sa edad na 18. Naikwento niya na makailang beses na siyang nakapasa at napasama sa casting ngunit pagkatapos ay nakakatanggap siya ng tawag na nagbago na daw ang kanilang isip nang malaman na siya ay isang trans woman. Wala daw siyang magawa kundi ang umiyak.


Ipinakikita ko na ang mga babaeng trans ay maaaring maging anuman na gustohin nila: isang guro, isang ina, isang doktor, isang politiko at kahit Miss Universe. "



No comments:

Post a Comment