Saturday, December 1, 2018

Lalaki na-Ban sa isang Eat all you Can Restaurant sa Sobrang lakas kumain

Lalaki na-Ban sa isang Eat all you Can Restaurant sa Sobrang lakas kumain




Si Jaroslav Bobrowski isang Ironman triathlete mula sa Germany ay na-ban o ipinagbawal kamakailan lamang sa isang Eat All You Can sushi restaurant dahil sa pagkain nito ng aabot sa 100 plato ng pagkain, na ayon sa may-ari ay hindi normal at hindi mabuti sa kanyang negosyo.



Ang 30 year old na si Bobrowski, isang software engineer, ay nagta-train sa Ironman Triathlons ay may special na diet kung saan siya ay hindi kumakain ng kahit ano sa loob ng 20 oras. Kaya matapos nito ay kumakain siya hanggang sa siya ay mabusog.
Kamakailan lang si Jaroslav kasama ng kanyang girlfriend ay nagtungo sa Running Sushi all you can eat restaurant sa Landshut, Bavaria kung saan binayaran niya ang fix price na €15.9. Umabot sa 1 oras at kalahati ang kanyang paglamon ng sushi na nasa mga 100 plato. Kinakaunan ay hindi na kinuha ng mga waiter ang mga plato at ng siya ay matapos na sa pagkain ay sinabihan siyang huwag ng bumalik sa naturang restaurant.

Regular na customer ng Running Sushi si Jaroslav at alam ng mga staff at may-ari kung gaano siya kalakas kumain pero matapos ang huli nitong pagbisita kung saan sobrang dami na talaga ang kinain nito ay napagdesisyonan ng may-ari na ayaw na niya itong maging customer. Ang average na tao ay nakakaubos ng 20-25 na plato ng sushi, kaya ang 100 plato na naubos ni Jaroslav ay hindi talaga mabuti sa negosyo.

Ayon sa staff ng restaurant hindi normal ang umubos ng 100 plato na sushi. Ayaw man nila itong paalisin, ngunit kinakailangan dahil mauubos at wala nang matitirang pagkain para sa ibang customer.

Nagulat sa ginawang pag-ban ang Ironman triathlete kaya nagreklamo ito gamit ang internet kung saan may mataas na review ang Running Sushi. Matapos mabasa ng may-ari ang reklamo ni Jaroslav ay sinagot niya ito.

Dear Mr Jaroslav, kami ay humihingi ng paumanhin sa pag-ban namin na ikaw ay bumalik sa restaurant, ngunit ikaw ay kumakain ng para sa 4 o 5 katao.

Si Jaroslav ay may tangkad na 172 cm at timbang na 79kg, ay  nalungkot sa pag-ban sa kanya pero ngayon ay pinagtatawanan na niya ang kanyang sarili. Naging viral ang kanyang kwento sa Germany at ang kanyang mga kapwa athlete ay binabati siya sa kanyang achievement. Dahil ang ma-ban sa isang Eat All You Can Restaurant sa sobrang dami ng pagkain ay hindi nagagawa ng karamihan sa atin.

No comments:

Post a Comment