Monday, March 19, 2018

Panoorin ang Babaeng Nagparetoke Para Maging Barbie Doll

Panoorin ang Babaeng Nagparetoke Para Maging Barbie Doll




Marami sa mga tao ang gustong gumanda at gagawin ang lahat para lamang dito. Pero ang 30 taong gulang na babae mula sa Los Angeles ay sumobra na.

Si Ophelia Vanity isang half-Chinese ay gumastos nang napalaki para lamang maging katulad ng isang barbie doll.

Dumaan sa eyelid-surgery at rhinoplasty si Ophelia. At nagpapabotox at filler injections ito kada-buwan, bukod pa dito ay iniba niya ang kulay ng kanyang buhok para magmukhang manika.

Nagpahayag din siya ng pag-amin tungkol sa pagkakaroon ng pakikibaka sa mga isyu tungkol sa kanyang pagpapahalaga sa sarili at pagharap sa anorexia noong siya ay high-school pa. At ngayon ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng self-confidence.

Upang mas maging katulad na siya ng kanyang paboritong barbie doll, si Ophelia ay nagbabalak na magpa-breast implants pati na sa kanyang puwit, skin-bleaching at magpatanggal ng 4 o 6 na buto-buto para lumiit ang kanyang baywang.

No comments:

Post a Comment