Saturday, March 3, 2018

Ang Baby na Allergic sa Tubig

Ang Baby na Allergic sa Tubig




Isang sanggol sa America ay nadiskubrehan na may bihirang allergy at ito ay allergy sa simpleng tubig lamang.

Si Ivy Angerman, isang 18-buwang gulang na mula sa Minnesota, ay maaaring magtagal lamang sa loob 15 segundo ang pagkabasa sa tubig dahil kung humigit pa ito ay nagkakaroon agad siya ng mga blisters sa balat at skin rashes.


Ang mga magulang na si Brittany at Dan ay nababahala kapag ang balat ng kanilang anak na babae ay naging pula habang naliligo, ngunit sa simula ay ipinapalagay na siya ay allergic sa sabon o shampoo, sinabi nila sa Metro.

Matapos magpunta sa doktor ay saka lang nila nalaman na ang sanhi pala ay tubig o plain water. Si Ivy ay na-diagnosed na may aquagenic urticarial, isang labis na bihirang porma ng pantal na may 50 naitala lamang na mga kaso ng ganitong kondisyon.


Ang mga Angermans ay kailangang linisin ang kanilang anak na babae gamit ang hand sanitiser at anti-bacterial wipes sa halip. Linilimitahan lamang nila ang pagliligo sa bata ng isang beses sa isang linggo na nagdudulot talaga ng pahirap dito.

Hindi nga makaiyak si Ivy dahil tinutubuan ng paltos ang kanyang mukha. Kapag siya ay pinagpapawisan ay na nagkakarashes agad siya at kailangan umiwas talaga pag may ulan.

Tumutulong ang mga antihistamine, ngunit ang mga Angermans ay ibinibigay lamang ito sa kanilang anak sa mga araw na kailangan talaga niyang mabasa dahil natatakot sila na baka maging immune ang katawan ng bata sa gamot.

Dahil ang aquagenic urticarial ay napakabihira lamang kaya kakaunti lang ang impormasyon tungkol dito at hindi nila alam kung ano ang mangyayari kay Ivy kapag lumaki na ito. Umaasa pa rin ang kanyang mga magulang na pwede itong makainom ng regular na tubig, dahil ang iba na may ganitong kondisyon ay umiinon na lamang ng diet coke o ibang likido para lamang hindi mag-dehydrate.


Sinabi ni Mrs Angerman na nag-aalala siya kapag nagsimula nang pumasok sa skwela si Ivy.

"Ano ang mangyayari kung isang araw ang isang bata sa paaralan ay nagpasiya na siya ay buhusan ng tubig? Nag-aalala ako na baka dahil dito ay tuksuhin at mabully siya paglaki niya" sinabi niya sa Metro.

Hindi siya makakasali sa ibang mga activities at di rin niya magagawa ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng kanyang mga kaibigan.

Sinisikap ng pamilya na makalikom ng US $ 25,000 (NZ $ 34,291) sa pamamagitan ng GoFundMe upang matulungan ang pagbabayad ng gamot ni Ivy, pati na rin ang pananaliksik na maaaring inaasahan na mapagaling ang kanyang kalagayan balang araw.


No comments:

Post a Comment