Napaso ang isang pasahero nang sumiklab ang kanyang cellphone sa isang domestic flight sa Canada noong Huwebes ng umaga, ayon sa mga opisyal.
Ang insidente ay naganap sa alas-7 ng umaga (1200 GMT) habang ang Air Canada flight 101 ay naghahanda na umalis sa Toronto airport para sa Vancouver.
"Ang apoy ay agad na naapula ng mga crew at walang pinsala sa sasakyang panghimpapawid, gayunpaman, ang may-ari ng telepono ay nagkaroon ng mga pinsala at binigyan ng pangunang-lunas sa loob ng sasakyang panghimpapawid," sinabi ng tagapagsalita ng Air Canada na si Peter Fitzpatrick.
Ayon sa kanya maayos na man daw na nakapaglakad ang babae para mabigyan ng gamot pero hindi nila talaga alam ang tunay na kondisyon nito.
Matapos ang 2 oras na delay ay nakaaalis na ang Boeing 787 jetliner na may 266 na pasahero.
Si Joe Cressy, isang konsehal ng lungsod ng Toronto na isa sa mga pasahero sa flight, ay pinuri ang Air Canada crew at Pearson fire crew para sa mabilis na pagtugon sa cellphone fire.
I happened to be on the @AirCanada flight this morning where the cell phone fire incident occurred. The Air Canada staff were quick and professional in their response and the Pearson Fire crew were excellent. Thanks all around.— Joe Cressy (@joe_cressy) March 1, 2018
Ang brand at modelo ng cellphone ay hindi na binanggit sa publiko.
No comments:
Post a Comment