Bata hindi makalabas sa elevator matapos niyang ihian ang pindutan ng elevator
Isang batang Chinese ang sumubok at inihian ang elevator at dahil dito nalaman niya ang resulta ng kanyang ginawang kalokohan.
Sinamantala ng isang hindi kilalang batang lalaki ang walang laman na elevator sa isa sa mga gusaling apartment sa Chongqing, China, upang makalusot sa kanyang masamang kalokohan. Kitang-kita sa footage ng Surveillance ang batang lalaki na malayang nagpalabas ng ihi sa pindutan ng elevator.
Matapos ang ginawang kalokohan, ay naghanda na ang bata na lumabas sa elevator. Sa kasamaang-palad ay may pumutok sa elektronika ng elevator dahil sa ito ay nabasa. Ang pinto ay nagbukas ng bahagya bago nagsarang muli, naiwan ang bata sa loob.
Pagkatapos ay nagkislapan ang mga pindutan ng elevator bago ito bumigay. Sinubukan niya ang pagpindot sa mga pindutan at paglukso upang subukan buksan ang pinto ngunit hindi ito bumukas. Nailigtas naman at napalaya ang bata mula sa elevator ng mga may awtoridad.
Wednesday, February 28, 2018
Monday, February 26, 2018
Panoorin Robin Padilla itinulak ang isang foreigner dahil sa kababayan
Panoorin Robin Padilla itinulak ang isang banyaga dahil sa kababayan
Ang Pinakamahal na cake sa buong mundo
Ang Pinakamahal na cake sa buong mundo
A post shared by Debbie wingham (@debbie_wingham) on
Ang mga taong masuwerteng bumisita sa isang eksibisyon sa kasal sa Dubai ay nagkaroon ng pagkakataon na tikman ang isang "bride Cake" na nagkakahalaga ng $ 1 milyon. Si Debbie Wingham, tagalikha ng cake na ito, ay kilala bilang pinakamahal na designer sa mundo.
Ito ang hitsura ng $ 1 milyon na "bride cake". Ang taas niya ay 182 sentimetro (72 in) at may timbang siya na 120 kg (164 lbs).
1,000 itlog at 20 kg (44 lbs) ng tsokolate ang ginamit para sa cake na ito.
Ang buong design ng cake ay nakakain lahat, at ang sakop nito ay may 50 kg (110 lbs) ng lacy confectionery.
5,000 bulaklak ang ginamit sa kabuuan, at umabot ng 10 araw ang ginawang padecorate.
Friday, February 23, 2018
Pag-utot ng Pasahero sa Eroplano sanhi ng Emergency Landing
Pag-utot ng Pasahero sa Eroplano sanhi ng Emergency Landing
Isang eroplano ang napilitan na magsagawa ng emergency landing matapos magkagulo sa eroplano dahil sa isang lalaki na hindi mapigilan ang pag-utot.
Dalawang pasahero sa Transavia flight mula sa Dubai patungong Netherlands ang hiniling na huminto ang lalaki, ngunit tumanggi siya at patuloy ito sa pag-utot. Dahil dito ay isang away ang naganap na naging dahilan kung bakit napilitan na mag-emergency landing ang eroplano sa Vienna.
Pagkababa ng eroplano, pinasok ng pulisya ang sasakyang panghimpapawid at inalis ang dalawang magkakapatid na babae at dalawang lalaki matapos mag-ulat ang piloto tungkol sa "magkakagalit na mga pasahero."
Balak magdemanda ang 2 babae na pinalabas ng mga pulis at sinabing wala silang ginawang masama para sila ay alisin sa naturang flight.
Si Nora Lacchab, isang 25-taong-gulang na law-student, ay nagsabi sa De Telegraaf na ang pagtanggal sa kanila ay "nakakahiya."
"Wala kaming ideya kung sino ang mga lalaki na ito, kami ay nagkaroon ng masamang kapalaran na sa parehong hanay namin sila at hindi kami gumawa ng anumang bagay.
Ang apat na pasahero ay na-ban na sa Transavia Airlines.
Thursday, February 22, 2018
Panoorin ang pagkanta at pagtugtog ni Bela Padilla gamit ang Ukulele
Panoorin ang pagkanta at pagtugtog ni Bela Padilla gamit ang Ukulele
Nagpasalamat si Bela Padilla sa mga nanood ng Meet Me in St. Gallen. At dahil dito ay naisipan niyang tugtugan at kantahan ang kanyang mga followers bilang pasasalamat. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit P60 million ang kita ng pelikula.
A post shared by VIVA ARTISTS (@vivaartistsagency) on
Ang Meet Me in St. Gallen ay pinagbibidahan ni Bela Padilla at Carlo Aquino.
Ang pelikula, ay nagbukas sa mga sinehan sa buong bansa noong Pebrero 7, ay mula sa parehong mga producer sa likod ng breakout movie ng nakaraang taon, na "Kita Kita."
Ito ay tungkol sa dalawang estranghero na nagkatagpo muli makalipas ang ilang taon matapos nilang magdesisyon na maghiwalay pagkatapos ng isang gabing pagsasama.
Tuesday, February 20, 2018
Panoorin ang Theme 90s na 33rd Birthday Celebration ni Anne Curtis
Theme 90's ang napili ni Anne Curtis sa kanyang 33rd birthday. Dinaluhan ito ng kanyang mga kasamahan sa showtime at matatalik na kaibigan.
Monday, February 19, 2018
Mga Kakaibang Holidays na Ginaganap sa Ibat-Ibang Panig ng Mundo
Nyepi Day (Araw ng Katahimikan)
Upang ipagdiwang ang bagong taon sa Bali Indonesia, ang buong lungsod ay nagsasara mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng hapon.
Nangangahulugan iyon na walang trabaho, walang paglalaro, walang pakikipag-usap, at walang pagkain sa loob ng 12 oras. Ang Nyepi Day ay ginaganap sa kalagitnaan ng Marso bawat taon at tinatawag na Hindu Holiday para sa pagmumuni-muni.
La Tomatina (Labanan ng mga Kamatis)
Ang La Tomatina ay isang pagdiriwang na ginaganap sa bayan ng Buenol sa Valencian, isang bayan na matatagpuan sa Silangan ng Spain, kung saan ang mga kalahok ay naglalaban sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga kamatis para magsaya.
Monkey Buffet Festival (Fiesta ng mga Unggoy)
Sa Lopburi, Thailand, ang mga tao doon ay nagpapahalaga sa populasyon ng mga unggoy. Kaya kada huling linggo ng Nobyembre ay naghahanda sila ng fiesta para sa mga unggoy sa Pa Prang Sam Yot temple. Isa rin itong paraan para lumago ang turismo sa kanilang lugar.
World Toilet Day (Araw ng Banyo)
Ang World Toilet Organization ay nagdaraos ng World Toilet Day kada taon. Ang paggunita nito ay sadyang ginawa upang taasan ang kamalayan tungkol sa pagpapabuti ng mga sanitasyon ng mga pasilidad sa buong mundo.
Tinku "Punch Your Neighbor" Festival (Ang Araw ng Pagsuntok sa Kapwa)
Ang mga mamamayan sa bayan ng Tinku ay nagtipon-tipon para magbugbugan. Ang kanilang dahilan - dahil ang dyosang si Pachamama ay humihingi ng dugong-alay kapalit ang masaganang ani
.
Hadaka Matsuri
Sa Japan ginaganap ang Hadaka Matsuri o Araw ng Paghuhubad kada taon sa buwan ng Pebrero. Ang mga lalaki ay naghuhubad
sa panahon ng taglamig upang masubukan ang kanilang pagkalalaki at katapangan. Bawat taon, mahigit 9,000 lalaki ang lumahok sa pagdiriwang na ito sa pag-asang magkaroon ng suwerte para sa buong taon.
Straw Bear Day
Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap sa Whittlesea upang markahan ang simula ng agrikultura tuwing ika-7 ng Enero. Isang lalaki ang tatabunan ng dayami at ang dadalhin sa mga bahay-bahay para sumayaw kapalit ng pagkain, alak o pera. Pagkatapos nito ay susunugin ang ang kasuotan na gawa sa dayami.
National Weatherman Day (Pambansang Araw ng mga Taga-ulat ng Panahon)
Ang araw na ito ay ginaganap tuwing ika-5 ng Pebrero. Kinikilala nito ang mga indibidwal sa mga larangan ng meteorolohiya, pagtataya ng panahon at meteorolohiya sa pag-broadcast, gayundin ang mga boluntaryo ng mga nag-aaral ng bagyo at tagamasid.
International Beer Day
Ang International Beer Day (IBD) ay isang pagdiriwang sa unang Biyernes ng bawat Agosto na itinatag noong 2007 sa Santa Cruz, California sa pamamagitan ni Jesse Avshalomov. Mula noong nagsimula ito, ang International Beer Day ay lumaganap bilang isang pandaigdigang pagdiriwang na sumasaklaw sa 207 lungsod, 50 bansa at 6 na kontinente.

Panoorin ang video kung saan tinabig diumano ni Maine Mendoza ang libro na hawak ng fan
Panoorin ang video kung saan tinabig diumano ni Maine Mendoza ang libro na hawak ng fan
Pinagisa ko na ang mga video ha. Mas worst talaga yung second video. Resibo yung ng neyshen. 😂. Ewan ko kung ano magiging feeling ko sa inyo. Maawa ba ako or ano. Ginusto ninyo kasi yan. Eto na lang. Mahalin ninyo sarili ninyo. pic.twitter.com/tvXqRCr8fD— ⏺Avie (@bluenessAvie) February 18, 2018
Friday, February 16, 2018
Panoorin ang Valentines Day 2018 Celebration ng mga Paborito ninyong Kapamilya at Kapuso Celebrities
Panoorin ang Valentines Day Celebration ng mga Paborito ninyong Kapamilya at Kapuso Celebrities
A post shared by Kimberly Sue Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on
A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on
A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on
A post shared by Loisa Andalio 🥀🦋 (@iamandalioloisa) on
A post shared by Elmo Moses Arroyo Magalona (@elmomagalona) on
Sunday, February 11, 2018
Panoorin ang naging reaksiyon ni KZ Tandingan matapos manalo sa unang round ng Singer 2018
Panoorin ang naging reaksiyon ni KZ Tandingan matapos manalo sa unang round ng Singer 2018
Noong Biyernes ay tinalo ni Kz Tandingan ang sikat na pop-star na si Jessie J sa kompetisyon na naganap sa China na binansagang Singer 2018.
Kinanta ni Kz ang Rolling in the Deep samantalang si Jessie J ay inawit ang Ain't Nobody.
Ang rankings ng kompetisyon ay base sa boto ng mga studio audience.
Siya at si Jessie J ay parehong babalik sa show sa susunod na linggo para sa isa pang round ng kompetisyon.

Saturday, February 10, 2018
Pastor Nahatulan matapos ang Pag-spray ng Insecticide sa kanyang mga miyembro
Pastor Nahatulan matapos ang Pag-spray ng Insecticide sa kanyang mga miyembro
Isang hukuman sa South Africa noong Biyernes ang naghatol sa isang pastor matapos nitong ii-spray ang insecticide sa mukha ng kanyang mga tagasunod upang malunasan umano ang kanilang mga sakit.
Si Lethebo Rabalago ay napatunayang nagkasala sa limang mga kaso ng malubhang pananakit at paglabag sa mga batas ng kemikal para sa paggamit ng "Doom", isang kilalang insecticide sa bahay, bilang isang sandata.
Ang kanyang ginawa ay mapanganib. Ang pag-spray ng Doom sa mukha ng mga taong ito ay isang napakasamang gawain, sabi ng mahistradong si Frans Mahodi, ayon sa pampublikong tagapagbalita sa radyo SABC.
Malubha ang dulot ng ginawang pag-spray sa mga biktima. Ang ilan ay inu-ubo nang higit sa pitong buwan.
Sinabi ng pastor na ilan sa mga tao na nawisikan niya ng insecticide ay gumaling sa kanilang mga iniindang karamdaman.
Sinabi ni Rabalago na kanyang "niluluwalhati ang Diyos" sa pamamagitan ng pag-spray sa kanyang kongregasyon sa simbahan sa Mount Zion General Assembly (MZGA).
"Ang lahat ng bagay dito sa Lupa ay pag-aari ng Diyos. Ang petrol ay pag-aari ng Diyos. Ang Doom ay pag-aari ng Diyos," sabi niya
Ang Brand Tigers, na gumagawa ng kilalang spray , ay nagbigay ng pahayag at panawagan kay Rabalago upang ihinto ang kanyang ritwal na pagpapagaling.
Panoorin ang joke ni Xian Lim tungkol kay Sarah Geronimo
Panoorin ang joke ni Xian Lim tungkol kay Sarah Geronimo
Kasama si Xian Lim sa cast ng Korean Movie Remake na Miss Granny na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo at James Reid sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.
Ang Miss Granny ay tungkol sa isang matandang babae na binigyan ng pagkakataon na makabalik sa kanyang 20s na edad. Bukod sa korean ay may taiwanese version din ang pelikulang ito na pinamagatang 20 Once Again. Di ko napanood ang korean version nito dahil mas bet kung panoorin ang taiwanese version nito kung saan si Lu Han na dating member ng K-Pop Boyband na EXO ang bida at kabilang rin sa cast nito si Chen Bolin.
Ipinosts ni Joyce Bernal sa kanyang instagram ang sneak peak sa pelikula.
Sa ngayon ay hindi pa inaannounce kung kailan mapapalabas ang Miss Granny Filipino Version.

Balikat balikatan sarah?? Lels! @james @justsarahgph
A post shared by Bb. Joyce Bernal (@direkbinibini) on
Sa ngayon ay hindi pa inaannounce kung kailan mapapalabas ang Miss Granny Filipino Version.
Friday, February 9, 2018
Panoorin si Ms. Helen Gamboa na Naiyak nang Makita ang Mcdo Commercial ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion
Panoorin si Ms. Helen Gamboa na Naiyak nang Makita ang Mcdo Commercial ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion
A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on
Panoorin ang mga kaganapan sa likod ng kamera ng Sharon-Gabby McDo 2018 Commercial
Panoorin ang mga kaganapan sa likod ng kamera ng Sharon-Gabby McDo 2018 Commercial
Ito ang unang pagtatambal nang dating mag-asawa sa isang proyekto matapos ang mahigit dalawang-dekada.
Huli silang nagtambal ay taong 1992 sa Tayong Dalawa.
Una nang napabalita ang kanilang reunion project noong December 2016, pero dahil sa maraming kadahilanan ay hindi matuloy-tuloy.
Ayon kay Sharon ay handa naman daw siyang makatrabaho muli sa pelikula ang dating asawa.

Thursday, February 8, 2018
Nadine Lustre Sinagot ang Tsismis na Nag-away sila ni James Reid dahil sa isang model
Nadine Lustre Sinagot ang Tsismis na Nag-away sila ni James Reid dahil sa isang model
Sinagot ni Nadine Lustre gamit ang kanyang Ig stories ang nasusulat sa isang tabloid na nagkaroon daw sila ng matinding away ng kalove-team/boyfriend na si James Reid dahil sa isang model.
Tuesday, February 6, 2018
Panoorin ang pagsugod ng mga grupo ng mga Ina kay Sec.Janette Garin
Panoorin ang pagsugod ng mga grupo ng mga Ina kay Sec.Janette Garin
Kinumpronta ng mga grupo ng mga nanay si Former Health Secretary Janette Garin noong Lunes para papanagutin at humingi ng medical assistance o intervention para sa kanilang mga anak na naturukan ng Dengvaxia Vaccine
Si Sec Garin ang dating Kalihim ng mga panahon na itinurok ang Dengvaxia.
Ang mga ina ay nagreklamo na ang kanilang mga anak ay nakaranas ng sakit ng tiyan, sakit ng ulo at pagsusuka mula nang sila ay mabakunahan.
"Harapin niya yung ginawa niya sa mga anak namin! Kung talikuran niya kami, porke mahirap lang kami?"sabi ng isang ina na nanggaling pa sa Zamboanga Province.
Sinabi ni Undersecretary Rolando Enrique Domingo na ang 14 Dengvaxia recipients na namatay at nakakuha ng sakit, tatlo ang nakakuha ng dengue at namatay sa loob ng 30 araw pagkatapos ng iniksiyon.
Isang ina naman ang nagsabi na bagamat hindi namatay sa komplikasyon ng bakuna ang anak ay madalas umanong nakakaranas ng sakit.
"Buhay [siya] kaso laging nararamdaman niya sumasakit. Wala naman kaming sapat na pambili ng gamot, kahit pamasahe lang na pandala sa ospital, wala," sabi nito.
"Yan ang gusto namin mangyari, magbigay ng [medical intervention]," dagdag nito.
Anila hindi tama na ibigay ang bakuna nang hindi pa natatapos ang klinikal na pagsusuri dito.
"For God's sake, ang vaccine mismo ay under study, clinical study, natapos lang September 2017. Pinagtuturok na ni Garin as early as March 2016," sabi nito.
"Natapos ang clinical study, hindi namin alam yun. So sa madaling salita, napaka-premature ng vaccine para iturok sa mga tao. Sana doon na lang niya pinaturok sa mga kulungan, o sa mga baboy. Bakit sa mga anak namin?" dagdag nito.
Nananawagan sila sa Pangulong Duterte na sila ay tulungan sa usaping ito.
"Marami pa kami. Lalaban kami. Nananawagan kami sa suporta ng Presidente. Hindi ito biro, buhay ito ng mga anak namin. Buhay ito ng future generation ng Pilipinas!
Saturday, February 3, 2018
Panoorin ang Ninja Moves ng Mala-Hokage Fan ni Tony Labrusca ng La Luna Sangre
Panoorin ang Ninja Moves ng Mala-Hokage Fan ni Tony Labrusca ng La Luna Sangre
Isang mabilis na fan ni Tony Labrusca ang nakalapit at agad yumakap sa binata sa isang show. Matapos makita ng iba ang ginawa ng naturang fan ang sinubukan na rin ng iba ang umakyat sa stage para malapitan si Tony. Agad naman rumespondi ang mga security para sa seguridad ng aktor.
Subscribe to:
Posts (Atom)