Monday, February 19, 2018

Mga Kakaibang Holidays na Ginaganap sa Ibat-Ibang Panig ng Mundo

Nyepi Day (Araw ng Katahimikan)


Upang ipagdiwang ang bagong taon sa Bali Indonesia, ang buong lungsod ay nagsasara mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng hapon.
Nangangahulugan iyon na walang trabaho, walang paglalaro, walang pakikipag-usap, at walang pagkain sa loob ng 12 oras. Ang Nyepi Day ay ginaganap sa kalagitnaan ng Marso bawat taon at tinatawag na Hindu Holiday para sa pagmumuni-muni.




La Tomatina (Labanan ng mga Kamatis)

Ang La Tomatina ay isang pagdiriwang na ginaganap sa bayan ng Buenol sa Valencian, isang bayan na matatagpuan sa Silangan ng Spain, kung saan ang mga kalahok ay naglalaban sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga kamatis para magsaya.




Monkey Buffet Festival (Fiesta ng mga Unggoy)

Sa Lopburi, Thailand, ang mga tao doon ay nagpapahalaga sa populasyon ng mga unggoy. Kaya kada huling linggo ng Nobyembre ay naghahanda sila ng fiesta para sa mga unggoy sa Pa Prang Sam Yot temple. Isa rin itong paraan para lumago ang turismo sa kanilang lugar.




World Toilet Day (Araw ng Banyo)

Ang World Toilet Organization ay nagdaraos ng World Toilet Day kada taon. Ang paggunita nito ay sadyang ginawa upang taasan ang kamalayan tungkol sa pagpapabuti ng mga sanitasyon ng mga pasilidad sa buong mundo.




Tinku "Punch Your Neighbor" Festival (Ang Araw ng Pagsuntok sa Kapwa)

Ang mga mamamayan sa bayan ng Tinku ay nagtipon-tipon para magbugbugan. Ang kanilang dahilan - dahil ang dyosang si Pachamama ay humihingi ng dugong-alay kapalit ang masaganang ani
.




Hadaka Matsuri

Sa Japan ginaganap ang Hadaka Matsuri o Araw ng Paghuhubad kada taon sa buwan ng Pebrero. Ang mga lalaki ay naghuhubad
sa panahon ng taglamig upang masubukan ang kanilang pagkalalaki at katapangan. Bawat taon, mahigit 9,000 lalaki ang lumahok sa pagdiriwang na ito sa pag-asang magkaroon ng suwerte para sa buong taon.





Straw Bear Day
Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap sa Whittlesea upang markahan ang simula ng agrikultura tuwing ika-7 ng Enero. Isang lalaki ang tatabunan ng dayami at ang dadalhin sa mga bahay-bahay para sumayaw kapalit ng pagkain, alak o pera. Pagkatapos nito ay susunugin ang ang kasuotan na gawa sa dayami.





National Weatherman Day (Pambansang Araw ng mga Taga-ulat ng Panahon)
Ang araw na ito ay ginaganap tuwing ika-5 ng Pebrero. Kinikilala nito ang mga indibidwal sa mga larangan ng meteorolohiya, pagtataya ng panahon at meteorolohiya sa pag-broadcast, gayundin ang mga boluntaryo ng mga nag-aaral ng bagyo at tagamasid.




International Beer Day
Ang International Beer Day (IBD) ay isang pagdiriwang sa unang Biyernes ng bawat Agosto na itinatag noong 2007 sa Santa Cruz, California sa pamamagitan ni Jesse Avshalomov. Mula noong nagsimula ito, ang International Beer Day ay lumaganap bilang isang pandaigdigang pagdiriwang na sumasaklaw sa 207 lungsod, 50 bansa at 6 na kontinente.


























No comments:

Post a Comment