Pag-utot ng Pasahero sa Eroplano sanhi ng Emergency Landing
Isang eroplano ang napilitan na magsagawa ng emergency landing matapos magkagulo sa eroplano dahil sa isang lalaki na hindi mapigilan ang pag-utot.
Dalawang pasahero sa Transavia flight mula sa Dubai patungong Netherlands ang hiniling na huminto ang lalaki, ngunit tumanggi siya at patuloy ito sa pag-utot. Dahil dito ay isang away ang naganap na naging dahilan kung bakit napilitan na mag-emergency landing ang eroplano sa Vienna.
Pagkababa ng eroplano, pinasok ng pulisya ang sasakyang panghimpapawid at inalis ang dalawang magkakapatid na babae at dalawang lalaki matapos mag-ulat ang piloto tungkol sa "magkakagalit na mga pasahero."
Balak magdemanda ang 2 babae na pinalabas ng mga pulis at sinabing wala silang ginawang masama para sila ay alisin sa naturang flight.
Si Nora Lacchab, isang 25-taong-gulang na law-student, ay nagsabi sa De Telegraaf na ang pagtanggal sa kanila ay "nakakahiya."
"Wala kaming ideya kung sino ang mga lalaki na ito, kami ay nagkaroon ng masamang kapalaran na sa parehong hanay namin sila at hindi kami gumawa ng anumang bagay.
Ang apat na pasahero ay na-ban na sa Transavia Airlines.
No comments:
Post a Comment