Tuesday, February 6, 2018

Panoorin ang pagsugod ng mga grupo ng mga Ina kay Sec.Janette Garin

Panoorin ang pagsugod ng mga grupo ng mga Ina kay Sec.Janette Garin




Kinumpronta ng mga grupo ng mga nanay si Former Health Secretary Janette Garin noong Lunes para papanagutin at humingi ng medical assistance o intervention para sa kanilang mga anak na naturukan ng Dengvaxia Vaccine

Si Sec Garin ang dating Kalihim ng mga panahon na itinurok ang Dengvaxia.

Ang mga ina ay nagreklamo na ang kanilang mga anak ay nakaranas ng sakit ng tiyan, sakit ng ulo at pagsusuka mula nang sila ay mabakunahan.


"Harapin niya yung ginawa niya sa mga anak namin! Kung talikuran niya kami, porke mahirap lang kami?"sabi ng isang ina na nanggaling pa sa Zamboanga Province.


Sinabi ni Undersecretary Rolando Enrique Domingo na ang 14 Dengvaxia recipients na namatay at nakakuha ng sakit, tatlo ang nakakuha ng dengue at namatay sa loob ng 30 araw pagkatapos ng iniksiyon.

Isang ina naman ang nagsabi na bagamat hindi namatay sa komplikasyon ng bakuna ang anak ay madalas umanong nakakaranas ng sakit.

"Buhay [siya] kaso laging nararamdaman niya sumasakit. Wala naman kaming sapat na pambili ng gamot, kahit pamasahe lang na pandala sa ospital, wala," sabi nito.

"Yan ang gusto namin mangyari, magbigay ng [medical intervention]," dagdag nito.

Anila hindi tama na ibigay ang bakuna nang hindi pa natatapos ang klinikal na pagsusuri dito.

"For God's sake, ang vaccine mismo ay under study, clinical study, natapos lang September 2017. Pinagtuturok na ni Garin as early as March 2016," sabi nito.

"Natapos ang clinical study, hindi namin alam yun. So sa madaling salita, napaka-premature ng vaccine para iturok sa mga tao. Sana doon na lang niya pinaturok sa mga kulungan, o sa mga baboy. Bakit sa mga anak namin?" dagdag nito.

Nananawagan sila sa Pangulong Duterte na sila ay tulungan sa usaping ito.

"Marami pa kami. Lalaban kami. Nananawagan kami sa suporta ng Presidente. Hindi ito biro, buhay ito ng mga anak namin. Buhay ito ng future generation ng Pilipinas!

No comments:

Post a Comment