Pastor Nahatulan matapos ang Pag-spray ng Insecticide sa kanyang mga miyembro
Isang hukuman sa South Africa noong Biyernes ang naghatol sa isang pastor matapos nitong ii-spray ang insecticide sa mukha ng kanyang mga tagasunod upang malunasan umano ang kanilang mga sakit.
Si Lethebo Rabalago ay napatunayang nagkasala sa limang mga kaso ng malubhang pananakit at paglabag sa mga batas ng kemikal para sa paggamit ng "Doom", isang kilalang insecticide sa bahay, bilang isang sandata.
Ang kanyang ginawa ay mapanganib. Ang pag-spray ng Doom sa mukha ng mga taong ito ay isang napakasamang gawain, sabi ng mahistradong si Frans Mahodi, ayon sa pampublikong tagapagbalita sa radyo SABC.
Malubha ang dulot ng ginawang pag-spray sa mga biktima. Ang ilan ay inu-ubo nang higit sa pitong buwan.
Sinabi ng pastor na ilan sa mga tao na nawisikan niya ng insecticide ay gumaling sa kanilang mga iniindang karamdaman.
Sinabi ni Rabalago na kanyang "niluluwalhati ang Diyos" sa pamamagitan ng pag-spray sa kanyang kongregasyon sa simbahan sa Mount Zion General Assembly (MZGA).
"Ang lahat ng bagay dito sa Lupa ay pag-aari ng Diyos. Ang petrol ay pag-aari ng Diyos. Ang Doom ay pag-aari ng Diyos," sabi niya
Ang Brand Tigers, na gumagawa ng kilalang spray , ay nagbigay ng pahayag at panawagan kay Rabalago upang ihinto ang kanyang ritwal na pagpapagaling.
No comments:
Post a Comment