Ang mama ko ay isa lang ang mata. Naiinis ako sa kanya at ikinahihiya ko siya. May maliit na tindahan si mama sa palengke. Nangunguha siya ng mga dahong gulay para ibenta at ikinahihiya ko ito. Naalala ko noong elementary pa ako, may field trip kami noon at pumunta si mama. Hiyang-hiya ako. Paano niya ito nagawa sa akin. Tiningnan ko siya ng masama at tumakbo ako palayo. Nang sumunod na araw sa eskwela ay tinukso ako ng mga kaklase ko dahil sa isa lang daw ang mata ni mama. Hiniling ko na mawala na si mama dito sa mundo at sinabi ko ito sa kanya.
Ma, bakit ba kasi isa lang ang mata mo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako pinagtatawanan ng iba. Bakit ba hindi ka na lang mamatay.
Hindi sumagot si mama. Pakiramdam ko ay ang sama sama ko pero masarap pa rin sa pakiramdam na nailabas ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Siguro dahil sa hindi sko pinarusahan ni mama kaya naisip ko na hindi ko nasaktan ang damdamin niya. Pero nang gabing iyon, nagising ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nandoon si mama, tahimik na umiiyak na tila parang natatakot na magising ako. Tiningnan ko siya at tumalikod ako. Dahil sa mga nasabi ko kanina ay parang kinurot ang puso ko. Pero kahit na, naiinis pa rin ako kay mama na umiiyak na isa lamang ang mata. Kaya nasabi ko sa sarili ko na paglaki ko ay magiging successful ako, dahil naiinis ako sa mama kong isa lang ang mata at sa aming kahirapan. Nag-aral akong mabuti. Iniwan ko si mama at pumunta ng Seoul at natanggap naman ako sa Seoul University. Nag-asawa ako at nagkaroon ng sariling bahay. Nagkaroon din ako ng mga anak. Ngayon ay masaya na ako at successful sa buhay. Gusto ko dito dahil ito lang ang lugar kung saan walang ngpapaalala sa akin kay mama. Masaya na sana ako nang may biglang bumisita sa akin. Ano? Sino ka? Si mams at pareho pa rin ng dati, isa pa rin ang mata niya. Para akong pinagbagsakan ng langit. Tumakbo at takot na takot ang anak kong babae dahil sa mata ni mama.
Sabi ko...
Sino ka ba? Hindi kita kilala.
Pagkukunwari ko. Sinigawan ko siya.
Ang kapal mo at pumunta ka pa dito sa bahay ko para takutin ang anak ko. Umalis ka dito, ngayon na.
Sumagot si mama nang mahina.
Sorry. Mali yata ang address na napuntahan ko.
Umalis na si mama. Sinabi ko sa satili ko na wala akong pakialam at hindi ko na iisipin ito habang buhay. Isang araw ay may sulat na dumating. May school reunion daw kami. Nagsinungaling ako sa asawa ko sinabing business trip ang pupuntahan ko. Matapos ang reunion ay pumunta ako sa luman kubo na dati kong tirahan. At nakita ko si mama walang malay na nakahiga sa malamig na sahig. Pero hindi ako makaluha. May hawak siyang papel, isang sulat para sa akin.
Anak,
Sa tingin ko ay sapat na ang haba ng aking buhay. Hindi na ako bibisita Seoul kailanman. Pero masama ba na hilingin ko na bisitahin mo naman ako paminsam-minsan. Tuwang tuwa ako nang mabalitaan kong darating ka sa reunion. Pero napagdesisyunan kong wag na pumunta sa eskwelahan para sayo. Sorry kung isa lang ang mata ko at naging kahihiyan ako para sayo. Alam mo nung maliit ka pa lang ay naaksidente ka at nawalan ng isang mata. Bilang isang ina ay hindi ko makakayang lumaki ka na isa lang ang mata kaya ibinigay ko sayo ang isa kong mata. Ipinagmsmalaki kong nakakakita na ang anak ko ng normal kapalit ng sa akin. Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa lahat ng ginawa mo. Iniisip ko na lang na dahil mahal mo ako. Nami-miss ko ang mga panahong maliit ka pa lang at lagi kong kasama. Miss na miss na kita at mahal kita. Ikaw ang buhay ko.
Gumuho ang mundo ko. Naiinis ako sa taong nabubuhay lang para sa akin. Iniyakan ko si mama. Hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi sa mga kawalanghiyaang nagawa ko.
Wag na wag ninyong ikagalit kung may kapansanan man ang iba. Respetuhin ninyo ang inyong mga magulang at wag kalimutan at ipagwalang bahala ang kanilang mga sakrioisyo. Binigyan nila tayo ng buhay, pinalaki ng maayos at nagsusumikap sila na maibigay sa atin ang masaganang buhay na hindi nila naranasan. Hindi nila kailanman hiniling na mapasama tayo. Lagi nila tayong tinuturuan at ginagabayan para tayo ay mapunta sa tamang landas. Ang mga magulang ay laging sumusuko sa mga anak, pinapatawad nila tayo sa lahat ng ating pagkakamali. Hindi natin kailanman mababayaran ang nagawa nila para sa atin, ang magagawa lang natin ay bigyan sila ng panahon, respeto at pagmamahal.
Saturday, October 22, 2016
Ang pagmamahal ng isang bata sa kanyang pamilya
Naglalakad ako sa Big Bazar store para magshopping nang mapansin ko ang isang batang lalaki na nasa edad 5 hanggang 6 na taon na nakikipag-usap sa cashier.
Sorry pero kulang talaga ang pera mo para mabili ang manikang ito, sabi ng cashier.
Lumingon sa akin ang bata at nagtanong.
Uncle, sigurado po ba kayong kulang ang pera ko?
Binilang ko ang pera ng bata.
Alam mo, kulang talaga ang pera mo para makabili ka ng manika.
Pero hindi pa rin binitawan ng bata ang manika. Kaya nilapitan ko siya at tinanong kung para kanino ba ang msnika.
Ito kasi ang manika na gusto ng kapatid ko. Gusto kong iregalo ito sa kanya para sa birthday niya. Kailangan kong ibigay ito kay mommy para siya na ang mag-abot sa kanya kapag nagkita na sila.
Malungkot na sabi ng bata.
Sumama na kasi ang ate ko kay God. At sabi ni daddy susunod na si mommy at makikita na rin nito si God, kaya naisip ko na si mommy na lang ang magbigay ng manika sa kapatid ko.
Natigilan ako ng marinig ko ang kuwento niya. Tumingin sa akin ang bata at nagpatuloy.
Sinabi ko kay daddy na hindi muna papuntahin si mommy doon. Kailangan niya muna akong hintayin na makabalik.
Ipinakita ng bata sa akin ang picture niya na siya ay tumatawa.
Gusto kong dalahin ni mommy ang picture ko para hindi ako makalimutan ng kapatid ko. Mahal ko si mommy at hiling ko ay sana ay hindi niya ako iwan pero sabi ni daddy kailangan niya raw umalis para makasama ang kapatid ko.
Muli ay malungkot at tahimik na tiningnan ng bata ang manika.
Kinuha ko ang wallet ko.
Icheck natin ulit kung kulang ba talaga ang pera mo, ang sabi ko.
Ok sana tama ang pera ko.
Palihim kong dinagdagan ang pera niya at binilang itong muli. Meron na siyang pambili ng doll at may ekstra pang natirang pera.
Thank you God at binigyan mo ako ng sapat na pera. Humiling ako kay God kagabi bago ako matulog na sana ay maging sapat ang pera ko para makabili ng manika. Dininig niya ang dasal ko. Gusto ko rin sana na bumili ngwhite rose para kay mommy, pero hindi ko na hiniling pa kay God kasi baka sumusobra na ako. Pero binigyan niya rin ako ng pambili ng white rose. Gusto kasi ng mommy ko ang white roses.
Natapos ang pagsashopping ko sa ibang paraan. Hindi nawala sa isip ko ang bata. At naalala ko ang nabasa kong balita 2 araw ang nakaraan, bumangga ang isang truck ng isang lasing na lalaki sa kotse na may sakay na isang ginang at isang batang babae. Agad namatay ang batang babae at nasa critical na kondisyon ang ginang. Iniisip ng pamilya kung puputulin na ba ang life machine nito dahil hindi na daw makakarecover pa sa pagkacoma ang ginang. Ito kaya ang pamilya ng batang lalaki? Makalipas ang 2 araw nabasa ko ulit sa balita na pumanaw na ang ginang. Hindi ko na napigilan ang sarili. Bumili ako ng mga white roses at pumunta sa burol. At doon nakita ko ang ginang sa loob ng kabaong na may hawak na white rose. Nakapatong sa dibdib nito ang larawan ng batang lalaki at ang manika. Umalis ako doon na nangingilid ang luha, pakiramdam ko ay nabago ang aking buhay. Nakatatak sa aking imahinasyon kung gaano kamahal ng bata ang kanyang ina at kapatid, na sa isang segundo lang ay nawalang bigla sa kanya dahil lamang sa isang lasing na driver.
Matuto sana tayong sumunod sa batas at mga regulasyon. Huwag hayaang gumawa ng pagkakamali na hahantong sa pagbabayad ng iba. Hindi mo na maibabalik pa at mapapalitan ang buhay na nawala dahil sa iyong pagkakamali. Maging matulungin at damayan ang mga taong nangangailan at nagdadalamhati.

Wednesday, October 19, 2016
Master's Sun Episode 6
Umaandar na naman ang imahinasyon ni Gongshil sa kung anong mga senaryo ang mangyayari pag-ipinagtapat niya kay Kangwoo ang tungkol sa kanyang third eye. At kung maniniwala ba si Kangwoo sa kanya.
Naalala niya tuloy noon na may nakilala siyang baliw sa asylum na nagsasabing nakidnap ito ng alien at nakapag-asawa rin ng alien. Naging open minded naman si Gongshil sa sinabi ng lalaki at sinamahan pa niya itong mag-alien hunting. Pero nang sabihin niya na may kakayahan siyang makakita ng multo ay tinawag siyang baliw ng lalaki.
Pinayuhan siya ni Joongwon na tanungin muna si Kangwoo kung naniniwala ba siya sa mga multo bago sabihin ang totoo.
Natuwa si Gongshil hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa kanya.
Umalis ka na nga at puntahan mo na si Candy Kang, sabi ni Jongwoon.
Agad na umalis si Gogshil.
Dati 3 beses ko pa kailangan ulit ulitin bago siya umalis pero ngayon...
Hindi pa man makatapos si Jongwoon sa iniisip ay biglang bumalik si Gongshil para mangulit muli. Kaya nainis tuloy si Jongwoon at napagtaasan na naman siya ng boses habang pinapaalis.
Mas mabuti nang dumikit si Gongshil kay Kang at wag na siyang guluhin.
Kinagabihan kasama ni Kangwoo si tsismosong guard at ang assistant ng VP sa apartment at sabay sabay silang naghapunan kasama si Gongshil at ang ate nito.
Masiya silang nag-uusap nang mabaling ang usapan nila tungkol sa mga multo. Naghalinhinan silang nagkuwento tungkol sa alam nilang mga true ghost stories.
Napansin ni Gongshil na tila walang imik si Kangwoo kaya tinanong niya ito kung ayaw ba nito ng mga ghost stories.
Hindi ko gusto ang mga ghost stories, at sa tingin ko ay mga tanga lang ang naniniwala sa ganyang walang kwentang bagay.
Nalungkot si Gongshil sa narinig. Nagmamadaling pumunta ng cr si Kangwoo at doon ay pinakawalan niya ang takot na kanina niya pa nararamdaman dahil sa mga ghost stories. Takot pala sa mga multo si Kangwoo.
Samantala ay nagdinner naman si Jongwoon at Yiryung sa kagustuhan ni Aunt Joo. Walng gana si Joongwon noong una pero nang marinig niya ang tungkol sa mamanahin ni Yiryung ay nagkainteres na siya.
Pero puro tungkol kay Gongshil ang topic ni Yiryung at kung gaano kabaliw ito. Ginawa ito ni Yiryung para mawalan ng interes si Jongwoon kay Gongshil. Pinutol ni Jongwoon ang topic tungkol kay Gongshil at mas mabuti na pag-usapan nila ang tungkol sa resort na pinaplano ng pamilya ni Yiryung.
Sa Kingdom office, may narinig si Uncle VP na parang kaluskos sa opisina ni Gongshil. Pinasok niya ito, sa likod ng mga box ay may nakita siya at nang lapitan niya ito ay naging isa itong asa at kinagat siya. Nagmamadaling tumakbo si Uncle VP.
Pinatawag ni Uncle VP ang mga security ng opisina kasama na rin si Joongwon at Yiryung. Naudlot ang masayang kwentuhan ng lahat at bumalik na rin si Gongshil sa opisina.
Sinabi ni Yiryung kay Kangwoo na mukhang hindi naman interesado si Joongwon kay Gongshil.
Baka may ibang dahilan kung bakit malapit sila sa isat-isa, sabi ni Kangwoo.
Naisip ni Yiryung na gusto talaga ni Kangwoo si Gongshil at nagseselos lang ito kay Jongwoon.
Agad na pinasok ni Gongshil ang opisina para hanapin ang candy na bigay ni Kangwoo nang makita niya ito ay bali na. Natatawa naman si Jongwoon sa nakitang bali na ang candy. May nakita siyang dog collar na may nameplate sa sahig. Pilsung pala ang pangalan ng aso. Kapag hindi nila nakita ang aso ay hindi sila makapagbubukas ng mall bukas dahil delikado ito para sa mga kustomer. Nag-offer si Gongshil na tulungan sila sa paghahanap. Naglakad lakad sila sa mall dala dala ni Gongshil ang stick na may hotdog para ipain sa aso. Tinatanong rin ni Gogshil ang mga kaluluwang nadaanan niya kung nakita ba nila ang aso. Pero wala silang masabi. Naikwento ni Gongshil kay Joongwon na hindi niya nagawang kausapin si Kangwoo tungkol sa kanyang abilidad. Tinawanan lang siya ng binata ng malaman ito.
Sinabi ni Joongwon na ayaw naman talaga ng mga tao ang mga multo at kaya lang siya sumasabay kay Gongshil ay dahil napapakinabangan niya ito.
Samantala isang nagmamadaling lalaki ang bumangga kay Yiryung kaya ito natumba. Nagmamadaling umalis ang lalaki na tinangkang habulin ni Kangwoo.
Hinahanap ng lalaki ang exit sa mall at may sumusunod sa kanyang aso.
Dahil sa tahol na narinig ni Gongshil ay natunton nila ang lalaki na nagmamadaling umalis. Sabi ng isang emplayado na nakakakilala sa lalaki ay dati din daw iton empleyado ng Kingdom na pumasok sa militar.
Nakita ni Kangwoo si Yiryung na umiiyak sa sakit. Binuhat niya ito at narealize na Yiryung na nagkakagusto na siya kay Kangwoo.
Sinabi ni Gongshil na natagpuan na niya ang aso.
Multo pala ang aso at mukhang may gusto itong iparating sa kanya kaya nais ni Gongshil na sundan ang may-ari nito. Pinagbawalan siya ni Joongwon. Delikado daw ito dahil magnanakaw daw ang taong iyon.
Hinawakan niya si Gongshil para mawala na ang aso.
Napanngiti si Gongshil sa realisasyong concern pala si Joongwon sa kanya. Para itago ang ipinakitang kabutihan ay pinagbintangan ni Joongwon si Gongshil na humahawak na naman sa kanya na walang pahintulot.
Nalaman nila na nag AWOL pala sa military service ang lalaki. Nakita ni Joongwon na may isinilid Gongshil sa bulsa niya. Ito pala yung cracked lollipop na bigay ni Kangwoo.
Nang makauwi na ay nagusap si Kangwoo at Gongshil sa rooftop. Inamin ni Kangwoo na takot talaga siya sa multo. Marami na kasi siyang nakitang patayan nung nasa army pa siya kaya mas lalong nakakatakot kung iisipin mong magmumulto ang mag iyon. Sinabi rin niya na hindi na dapat malungkot si Gongshil sa lollipop. Kaya pinaghatian nila itong kainin.
Kinaumagahan ay napanaginipan ni Joongwon ang asong si Pilsung. At may nagsidatingan na mga babae na kumakanta at sumasayaw ng Nobody ng Wonder Girls.
Kaya sinabihan niya si Gongshil na hanapin nila ang amo ng aso para hindi na siya guluhin pa ng aso.
Samantala binigyan ni Yiryung ng 2 musical tickets si Kangwoo bilang pasasalamat sa pagtulong sa kanya kagabi. Umaakto pa si Yiryung na parang siya ang kasama ni Kangwoo na kesyo dapat maging flattered si Kangwoo dahil kahit busy si Yiryung sa commitments ay pauunlakan niya ito. Pero binara siya ni Kangwoo at sinabi na may isasama na itong iba sa event. Supalpal si Yiryung.
Ibingay ni Kangwoo ang ticket kay Gongshil. Kinikilig na man si Gongshil na matanggap niya ito. Sinabi niyang hindi siya kumportable sa dilim at baka tumakbo lang siya. Pero sinabi ni Kangwoo na hindi naman horror ang panonoorin nila at pwede naman siya humawak sa kanya pag natatakot siya. At nagkasundo ang dalawa na magkikita kinagabihan.
Kaya agad na nagmadali si Gongshil para matapos na ang paghahanap sa amo ng aso at may lakad siya. Nang malaman naman ito ni Joongwon ay sinadya talaga niyang magbagal at inanyayahan pa si Gongshil na magpahinga at kumuha ng inumin. Nang makapasok sa coffee shop ay oorder sana si Gongshil ng iba pero gusto ni Joongwon na kung ano ang order niya ay yun din ang orderin ni Gongshil. Tinanong siya ni Gongshil kung nakikita ba niya si Heejo sa panaginip niya kasi hindi na makita ni Gongshil ito.
Bakit hindi ka magkwento ng tungkol sa kanya baka sakaling muli siyang sumulpot, sabi ni Gongshil.
Ayoko, sagot ni Joongwon. Dahil ayokong magkwento tungkol sa sarili ko, ayaw kung mawalan ng depensa hindi ko gustong makita ng iba ang mga kahinaan ko.
Dahil ba sa wala kang tiwala sa akin, iniisip mo bang itatakbo ko ang pera, tanong ni Gongshil.
Oo wala akong tiwala sayo, sagot ni Joongwon.
Kung wala kang tiwala sa akin bakit ka nandito ngayon. Ang pagsunod ko sa multong aso na kasama ka, hindi ba masasabing may tiwala ka sa akin, sabi ni Gongshil.
Dinala sila ng aso sa isang furniture shop. So loob nito sa storage room nakatago ang amo ni Pilsung at nagbabalak magpakamatay.
May flashback na isa palang army dog si Pilsung kasama ng amo. Lagi silang magkasama at siya ang nagtetrain sa aso. Naging magbestfriends ang dalawa at paborito nilang patugtugin ang Nobody ng Wonder Girls. Ipinagtatanggol rin siya ng aso kapag binubully siya ng kanyang superior. Mahirap ang buhay army para sa kanya at ang aso lang ang nagpapasaya sa kanya.
Hanggang sa nagkasakit ang aso. Masyado na daw matanda ang aso para sa serbisyo at kailangan na itong papahingahin. Inutusan pa nila ang lalaki na siyang magsagawa ng euthanasia para sa aso. Nakiusap ang lalaki na siya na lang ang mag-aalaga sa aso pero sinabing wala ng pag-asa pa na gumaling ito kay mas mabuting patayin na lang ang aso kesa mahirapan pa.
Dahil sa bigat ng dinadala sa mga panahong iyon ay nanlaban ang lalaki sa kanyang superior ng ito ay pagalitan at ito ang dahilan ng AWOL niya.
Nalaman ni Gongshil na gusto ng aso na pigilan ang amo sa tangkang pagpapakamatay.
Delikado para sa atin kung may dala siyang armas. Dito na lang tayo at hintayin na dumating ang mga pulis, sabi ni Joongwon.
Nag-atubili si Gongshil ng makitang umiiyak na ang aso.
Di ba ang gusto ay hindi na pansinin ang mga bagay na nakikita mo, sabi ni Joongwon sabay abot ng mga kamay niya kay Gongshil.
Di ba may date ka mamayang alas 8? Umuwi ka na, maligo ka, magsuot ng magandang damit at magmake-up. Makipagdate ka gaya ng isang normal na babae. Di ba yan naman ang dahilan kung bakit gusto mo akong hawakan.
Pilit ni Joongwon na ipahawak ang kamay kay Gongshil pero tinanggihan ito ng babae.
Baliw na siguro talaga ako at wala nang makakatulong sa akin. Tumakbo si Gongshil sa loob ng shop para habulin ang aso.
Kakasahin na sana ng lalaki ang baril nang dumating ang aso. Biglang may nahulog sa ulohan niya at nakapagpaputok siya. Narinig ni Joongwon ang putok at nagmamadaling pinasok ang shop para hanapin si Gongshil. Nagkasalisihan sila sa dami ng taong nagpanic. Naunang nakita ni Jongwoon ang sundalo.
Inihagis niya ang dog collar sa lalaki at nagsinungaling siya na nakikita niya ang multo ng aso. Sinabi niya ang mensaheng gustong iparating ni Gongshil. Na lagi lang nasa tabi niya ang aso at nakabantay sa kanya. Ayaw ng aso na saktan niya ang sarili. Iniaabot ng aso ang isa niyang paa sa sundalo, yun kasi ang kanilang signal nila sa isat-isa. Umiiyak ang sundalo.
Napanood ni Gongshil ang mga pangyayari.
Matapos nito ay dumating na ang mga pulis at inaresto ang sundalo.
Bago nito ay sinabi ni Joongwon na handa niyang bigyan ng trabaho ang lalaki kapag nakalaya na ito.
Sinabi ni Joongwon sa manager na nghahanap sila ng sofa at kama. Nang makaalis ito ay sinabihan siya ni Gongshil na mahusay pala siya aktor para mapaniwala na nakikita niya talaga ang aso.
Sinabi ni Joongwon na siya tuloy ang muntik nang mapahamak. Kaya sa susunod ay dapat makinig at sumunod si Gongshil sa kanya.
Pinausog niya palayo si Gongshil pero lalo lamang ito lumapit sa kanya.
Ibinigay niya ang release form para sa furniture na pipirmahan niya. Pinabasa ito ni Joongwon sa kanya.
Pero binasa ko na ito kaya ikaw naman ang magbasa.
Dadalhin ko na lang ito sa sa secretary ko.
Naghinala si Gongshil na hindi pala nakakapagbasa si Joongwon.
Oo hindi ako nakakabasa. O ano natutuwa ka siguro at nalaman mo ang kahinaan ko.
Nanantiling tahimik si Gongshil at bakas ang awa sa mukha nito para kay Joongwon.
Ikinuwento ni Joongwon ang dahilan ng hindi niya pagbabasa.
Matapos siyang makidnap ay hindi na siya nakakabasa kasi nung nakidnap siya ay pinagbasa siya doon ng libro. Mga libro may mga tema ng pagpatay ang pinabasa sa kanya. Labis siyang natakot dahil baka siya rin ay patayin ng mga kidnapper kapag natapos na niyang basahin ang libro. Hindi man siya namatay pero kapag nagbasa siya ay parang nagjujumble ang mga words at nahihilo, nasusuka siya.
Baka may magawa ako para mawala ang mga iyan, subukan mo rin akong hawakan baka pag hawak mo ako ay makakabasa ka na. Sige simula ngayon ay tutulungan na kitang magbasa. Sabay abot ni Gongshil sa form para basahin ng malakas. Siyempre panay ang reklamo ni Joongwon sa bilis bagal tono ng pagbabasa ni Gongshil.
Sa apartment ay nakita ng batang magkapatid na nandoon pa rin ang manika. Agad agad hinawakan ng nakakabatang lalaki ang manika at ngumit ito sa kanya. yay..
Sa musical concert kung saan nandoon din si Yiryung para tingnan kung sino ang kadate ni Kangwoo ay narinig niya ang binata na may kausap sa celfon nito. Tungkol ito sa pagmamanman ky Joongwon at na sana daw ay hindi na nila isali pa si Gongshil dahil wala naman itong kinalaman at nakokonsensya na rin siya sa pagsisinungaling sa dalaga.
Nang matapos ang usapan ay agad siyang nilapitan ni Yiryung at sinabing narinig nito ang mga sinabi ni Kangwoo.
Tinawagan ni Joongwon si Sec Kim para sunduin sila. Nakatulog kasi si Gongshil. Naisip niya ang mga sinabi nito tungkol sa paghawak sa kanya at baka maging effective din ito kay Joongwon. Kinuha niya ang form at tumingin sa dalaga. Palapit ng palapit din siya dito.
Friday, October 14, 2016
Si David at Goliath
Si Goliath na mula sa lahi ng mga Philistines ay humamon sa mga Israelites. Siya ay may taas na mahigit sa 9 feet at nakasuot pandigma at helmet na gawa sa tanso. Pinoprotektahan din ng tanso ang kanyang mga tuhod. Dala-dala ni Goliath ang kanyang sibat na gawa rin sa tanso. May kasamang sundalo si Goliath na tagabitbit ng kanyang espada. Sumigaw si Goliath at nagsalita...
Bakit kayo nagsihanay handa na ba kayong makibaka. Ako ay Philistine at kayo ay mga lingkod ni Saul. Pumili kayo ng isa sa inyo na makikipaglaban sa akin. Kapag nanalo siya at napatay ako ay maglilingkod kami sa inyo, pero pag ako ang nanalo at napatay siya ay kayo'y magiging alipin namin.
Nang marinig ito ni Saul at ng kanyang hukbo sila ay natakot. Si David ay isa sa 8 na anak ni Jesse mula sa Judah. Si David ang pinakabunso at tagapag-alaga ng mga tupa ng kanyang ama. Isang araw ay inutusan si David na magdala ng pagjain para sa kanyang mga kapatid na nasa kampo. Kabilang ang kanyang mga kapatid sa mga hukbo ni Saul na nandoon sa Elah Valley at nakikipaglaban sa mga Philistines. Dumating si David sa kampo at pinuntahan ang mga kapatid upang kumustahin. Doon ay nakita ni David si Goliath na hinahamon ang mga Israelites. Nagsitakbuhan ang mga Israelites ng makita si Goliath.
Nakikita niyo ba siya, narinig niyo ba ang kanyang mga hamon. Si haring Saul ay nangaangakong magbibigay ng malaking gantimpala sa sinumang makakapatay sa kanya. Ibibigay rin ng hari ang isa niyang anak upang mapangasawa nito at hindi na pagbabayarin ng buwis ang pamilya niya.
Tinanong ni David ang mga kawal tungkol sa gantimpala.
Sino ba ang hindi tuling Philistine na ito para hamunin ang mga kawal ng ating Diyos na buhay.
Sinagot si David ng mga kawal. Narinig ng nakatatandang kapatid ni David na si Eliab ang mga sinabi ni David at nagalit ito.
Ano ba ang ginagawa mo dito? Sino ang nagbabantay sa ating mga tupa. Ang hambog at kulit mo talaga. Pumunta ka pa talaga dito para makapanood ng labanan.
Ano bang nagawa ko? Hindi na ba ako pwedeng magtanong, sagot ni David.
Dinala si David sa harapan ni Saul.
Mahal na hari hindi tayo dapat matakot sa Philistine na iyon. Ako ang haharap at makikipaglaban sa kanya.
Hindi maaari, sabi ni Saul. Masyado ka pang bata samantalang itong taong ito ay matagal nang naging kawal.
Mahal na hari, sabi ni David. Ako ang nangangalaga sa mga tupa ng aking ama. Kapag may leon o isang uso na umaaligid saaking mga tupa ay nilalabanan ko sila. At kapag ako ay kanilang inatake ay pinapangahan ko sila at binubugbog hanggang sa mamatay. Nakapatay na ako ng mga leon at uso at gagawin ko rin ito sa di tuling Philistine na humahamon sa mga kawal ng ating Diyos na buhay. Ang Panginoon ang nagligtas sa akin laban sa mga leon at uso kaya ililigtas niya rin ako laban kay Goliath.
O sige, sagot ni Saul. Pumunta ka at nawa'y patnubayan ka ng Diyos.
Pinagsuot si David ng damit pandigma at binigyan ng sandata. Sinubukan ni David ang maglakad pero hindi niya kinaya dahil hindi siya sanay. Kaya hinubad niya itong lahat. Kinuha niya ang kanyang tungkod na gamit sa pagbabantay ng tupa at pumili siya ng 5 makinis na bato at isinilid sa kanyang bag. Nang maihanda ni David ang lambanog ay agad na siyang tumungo kay Goliath. Agad na naglakad si Goliath sa kinaroroonan ni David. Nang makita niya ito ng malapitan ay lalo siyang napikon sapagkat si David ay isa lamang bata na may maaliwalas ay magandang hitsura.
Para saan ba ang tungkod na iyan, anong akala mo sa akin, aso? At nilait ni Goliath si David. Halika at ipapakain ko ang katawan mo sa mga ibon at hayop.
Sumagot si David. Ikaw ay narito para makipaglaban sa akin na kumpleto sa gamit at damit pandigma samantalang akonay naririto sa ngalan ng Poong Maykapal na siyang Diyos ng mga Israelite na hinamak mo. Ngayong araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking mga kamay. Tatalunin kita at pupugutan ng ulo. Ipapakain ko ang iyong katawan sa mga ibon at hayop. At malalaman ng buong mundo ang kapangyarihan ng Diyos ng Israel at makikita nila na hindi kailangan ng Panginoon ang kung anumang sibat at espada para iligtas ang kanyang nasasakupan. Ang Diyos ay matagumpay sa lahat ng digmaan at lahat kayo ay maisasailalim sa aming mga kamay.
Nagsimula nang maglakad si Goliath patungo kay David at tumakbo na si David para salubungin ito.
Kumuha si David ng gata sa kanyang bag at inihagis kay Goliath. Tinamaan si Goliath sa noo at nabasag ang kanyang bungo. Nabuwal at nasubsob si Goliath sa lupa. At doon kahit walang espada ay natalo ni David si Goliath gamit ang lambanog at bato.
Kinuha ni David ang espada ni Goliath at ginamit ito sa pagpugot sa kanyang ulo. Nang makita ng mga Philistines na patay na ang kanilang bayani ay nagsitakbuhan sila. Hinabol sila ng mga Israelites at Judah doon ay kanilang tinalo ang mga Philistines.
Sunday, October 9, 2016
Si Samson at ang pagtalo niya sa mga Philistines
Naging makasalanan ang mga Israelites. At dahil dito ay hinayaan ng Diyos na sakupin sila at pamunuan ng mga Philistines. Sa bayan ng Zorah ay may mag-asawa na hindi magka-anak. Isang anghel ang nagpakita at kinausap ang babae.
"Sa wakas ay pagkakalooban ka na ng Panginoon ng anak na lalaki. Kapalit nito ay siguraduhin mo na hindi ka iinom ng alak o kakain ng mga ipinagbabawal na pagkain. Kapag ikaw ay nagsilang na ay huwag na huwagninyong gugupitan ang buhok ng bata bilang kasunduan sa Panginoon. Ang batang ito ay siyang magliligtas sa Israel mula sa kamay ng mga Philistines."
Isinilang ang sanggol at pinangalanang Samson.
Taglay ni Samson ang pambihirang lakas na kaloob ng Panginoon.
Sa paglaki ni Samson, marami siyang nakasagupa at natalo na mga Philistines.
Umibig si Samson sa kay Delilah isang dalaga mula sa Sorek Valley.
Minsan kinausap si Delilah ng 5 hari ng mga Philistines.
"Linlangin mo si Samson para sabihin niya ang sikreto ng kanyang pambihirang lakas. Tanungin mo siya kung paano siya maitatali at mahuhuli. Bibigyan ka namin ng gantimpala."
Kaya kinausap ni Delilah si Samson.
"Sabihin mo sa akin ang sekreto ng iyong lakas at kung paano ka matatalo at maitatali. "
sumagot si Samson.
"Kapag itinali ako gamit ng 7 sariwang yantok na hindi pa natutuyo ako ay manghihina."
Kaya ginawa nga ito ni Deliah itinali nga si Samson habang naghahanda sa labas ang mga Philistines sa pagsalakay. Matapos ay sumigaw si Deilah,
"Samson sumasalakay ang mga Philitines".
Nang marinig ito ni Samson ay walang kahirap hirap na nakawala siya sa pagkakatali. Kaya hindi pa rin nila alam ang sikreto ni Samson.
"Bakit hindi mo sinabi ang totoo, nagmumukha akong tanga. Sige na sabihin mo na sa aking kung paano ka matatalo at mahuhuli."
"Kapag itinali nila ako gamit ng isang bagong tali na hindi pa kailanman nagagamit at manghihina ako."
Ginawa ito ulit ni Delilah pero nakawala pa rin si Samson.
Kaya muli na namang nagmaktol si Delilah. Sabi ni Samson ay manghihina siya kapag hinabi ang pitong tirintas ng kanyang buhok. Ginawa ito uli ni Delilah pero hindi pa rin sila nagtagumpay.
Kaya patuloy pa rin si Delilah sa pag-usisa sa kanya.
" Paano mo nasasabing ako ay iyong iniibig kung hindi mo kayang patunayan. Tatlong beses ka ng nagsingaling sa akin."
Paulit-ulit si Delilah hanggang sa mapagod at sinabi na rin ni Samson ang totoo.
"Kahit kailan ay hindi ako ginupitan ng buhok. Isa na akong Nazirite ng Diyos simula pa lang ng ako ay nasa sinapupunan. Kapag pinutol ang aking buhoy ay tuluyan na akong manghihina."
Batid ni Delilah na nagsasabi na ng totoo si Samson sa pagkakataong ito. Kaya inimbitahan niyang muli ang mga Philistines. Dala-dala ng mga Philistines ang ipinangakong gantimpala para kay Delilah. Pinatulog ni Delilah si Samson sa kanyang hita at tumawag ng taong puputol sa pitong tirintas sa kanyang ulo.
Dahil dito ay nawalan ng lakas si Samson at tuluyang nahuli ng mga Philistines.
Dinala siya sa Gaza at dinukot ang kanyang mga mata. Doon ay kinadena at pinagtrabaho si Samson.
Pero unti-unting tumubo ang buhok niya. Isang araw ay nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Philistines upang isaulog at maghandog ng alay sa kanilang diyos na kung tawagin ay Dagon. Lahat sila ay nagkakasiyahan at naisipan nilang ipatawag si Samson para gawing katuwaan. Pinatayo si Samson sa pagitan ng mga haligi. Nang makita si Samson ay pinuri nila agad ang kanilang diyos.
"Ibinigay sa atin ng ating diyos ang panalo laban da ating kaaway, na sumira sa ating lupain at pumatay sa ating mga kalahi."
Sinabi ni Samson sa batang lalaki na umakay sa kanya na ipahawak sa kanya ang haligi na siyang sandigan ng buong gusali para siya ay makasandal. Lahat ng pinuno ng mga Philistines ay kasama sa pagtitipon at aabot sa 300,000 ang bilang ng mga taong nakisaya. At nagdasal si Samson.
"Oh Panginoong Diyos, idinadalangin ko sa Iyo na alalahanin Mo ako at sana ay ibalik Mo sa akin ang aking lakas kahit ngayon lang upang ako ay makapaghiganti sa mga Philistines sa pagkuha nila sa aking mga mata."
Kaya hinawakan ni Samson ang 2 haligi at ito ay kanyang itinulak sabay sigaw na...
"Sana ay mamatay na ako kasama ang mga Philistines."
Itinulak niya ang haligi gamit ang buong lakas niya at gumuho ang gusali.
Sa pagkamatay ni Samson ay nakapatay rin siya ng higit pa kesa noong siya ay nabubuhay. Kinuha ng kanyang ng mga kapatid ang kanyang labi at ibinurol sa lugar kung saan nakalibing din ang kanyang ama. Naging lider siya ng Israel sa loob ng 20 taon.

Tuesday, October 4, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)