Monday, April 13, 2026

Veil of Shadows Episode 9 Tagalog

 Wasak si Lu Wuyi nang makita niyang naging puppet si Ji Ling, kaya inatake niya si Chi Wen, pero madali siyang napigilan. Iginiit ni Chi Wen na hindi naman talaga buhay si Ji Ling. Tinawag niya itong corrupted at inakusahan na minamanipula ang kapatid niya. Kahit bantaang patayin, hindi siya umatras at sinabing kaya nilang mabuhay muli.

Gamit ang Word Magic, kinontrol siya ni Chi Wen at pinigilan sa sect. Samantala, naghinala si Wu Wangyan at nagsimulang kumilos sa sarili niyang plano.

Pagkagising ni Lu Wuyi, sinubukan niyang tumakas pero napunta lang siya sa garden ni Ji Ling, kung saan bumalik ang mga alaala niya. Kahit galit siya, tahimik siyang inaalagaan ni Chi Wen.

Dahil sa frustration, nagwala siya sa sect at ginulo ang lahat, pero hinayaan lang siya ni Chi Wen. Samantala, gumagalaw na rin ang iba para makuha ang kapangyarihan ng Dragon Deity.

Sa huli, matapos ang laban nila ni Li Jie, dumating si Chi Wen, pinahinto ang gulo, at pinilit si Lu Wuyi na manatili sa tabi niya.

Veil of Shadows Episode 8 Tagalog

 Pagkatapos ng nangyari sa Wei mansion, nahuli sina Wu Shiguang at You Chi sa templo, pero palihim silang pinatakas ni Li Jie para masundan kung nasaan ang prayer beads.

Samantala, naguguluhan si Lu Wuyi sa misyon niyang patayin ang Dragon Deity, lalo na’t kamukha ito ni Ji Ling. Ipinahiwatig ng Fox Queen na may tinatagong plano si Wu Wangyan, kaya pinabantayan niya ito kay Lu Wuyi.

Nabunyag na si Wu Wangyan ay lihim na nakikipagtulungan kay Chi Wen—tinutulungan niyang mabawi ang kapangyarihan nito kapalit ng kalayaan ng kanilang lahi. Sinubukan niyang manipulahin si Wu Shiguang, pero napansin ni Lu Wuyi ang katotohanan.

Sa templo, lumabas ang tunay na sikreto—si Ji Ling ay isa lang palang puppet na ginawa ni Chi Wen, at peke ang kanyang mga alaala. Tuluyan siyang sinira ni Chi Wen sa pamamagitan ng pagkuha ng “heart” niya, kaya naging walang buhay na kahoy na manika.

Dumating si Lu Wuyi sa eksaktong sandali para makita ito, at labis siyang nasaktan habang nawawala ang taong pinahahalagahan niya.

Veil of Shadows Episode 7 Tagalog

Sa simula ng lahat, ang Dragon Deity mula sa espiritu ni Pan Gu at ang kanyang siyam na anak ay lumaban sa demonyong si Jiu Ying. Walong anak ang nagsakripisyo para selyuhan ang demonyo, at naiwan si Chi Wen bilang tagapagbantay ng mundo. 

 Paglipas ng panahon, si Li Jie—isang lalaking walang alaala—ay inalagaan ni Ji Ling at naging tapat na tagapagtanggol ng Dragon Deity. Sa kasalukuyan, nabunyag na iisa lang pala si Chi Wen at Ji Ling, at si Ji Ling ay isang puppet lamang na ginawa ni Chi Wen.

 Naghinala si Lu Wuyi at unti-unting napalapit kay Ji Ling, kahit pinapaalalahanan siyang huwag ma-attach. Samantala, nakuha ni Wu Shiguang ang kapangyarihan ng Dragon Deity, kaya nagkaroon ng tensyon laban sa Shilin Sect. 

 Habang lumalala ang sitwasyon, lumabas na maaaring corrupted na si Chi Wen at nagiging banta na. Dahil dito, binigyan ng lihim na utos ng Fox King sina Lu Wuyi at Wu Wangyan—kailangan nilang patayin si Chi Wen para maibalik ang balanse.

Veil of Shadows Episode 6 Tagalog

 Noon, pinutol ni Xiaowei ang buntot niya at iniligtas siya ng Dragon Deity, kaya nagkaroon sila ng kasunduan na protektahan ito. Ngayon, nasisira na ang kasunduang iyon dahil kay Yuan Wuhuo na gumagawa ng kaguluhan para pahinain ang Dragon Deity at palayain ang isang nakatagong kasamaan.

Sa mansyon, nagkagulo at naglaban-laban habang niloloko ni Yuan Wuhuo si Xiaowei para gamitin ang kapangyarihan niya, pero palihim niya itong ninanakaw. Nawalan ng kontrol si Xiaowei, at nasugatan nang malubha si Ji Ling. Lumabas din na isa lang siyang puppet vessel, at kinuha ng tunay na Dragon Deity ang kapangyarihan niya, kaya naging walang buhay siya.

Dinala ni Wu Shiguang ang katawan ni Yu Shengwei sa templo, kung saan nagkaroon ng matinding labanan. Nagwala si Xiaowei sa kagustuhang buhayin si Yu Shengwei, habang pinipigilan siya ng iba. Nagpakita ang Dragon Deity pero mas mahina na ito kaysa dati.

Sa huli, pinakiusapan ng espiritu ni Yu Shengwei si Xiaowei na mag-let go. Pumayag si Xiaowei, pinakawalan ang kanyang kapangyarihan, nilinis ang mga sumpa, at tuluyang nawala habang tinatanggap ang kanyang trahedyang pag-ibig.

Napunta kay Wu Shiguang ang kapangyarihan ng Dragon Deity, at may mga lihim pang nabunyag. Pagkatapos, habang tahimik na ang lahat, bumalik si Lu Wuyi sa templo at muntik mamatay—pero biglang bumalik si Ji Ling (parang nabuhay ulit) at iniligtas siya.

Veil of Shadows Episode 5 Tagalog

Pinagdugtong-dugtong ni Ji Ling ang lahat gamit ang mga mahahalagang ebidensya. Ibinunyag niya na napilitan lang si Yu Shengwei na pakasalan si Wei Qing dahil sa love charm at plano talaga niyang magpanggap na patay kasama si Luo Wei. Gumamit sila ng mga trick tulad ng shadow puppets at isang saranggola para magmukhang gawa ng fox demon ang nangyari.

Pero pinagtaksilan siya ni Luo Wei—pinatay niya si Yu Shengwei para makuha ang kayamanan ng pamilya Wei at isinisi ito sa fox demon. May ebidensya na nag-uugnay sa kanya sa krimen, at lumabas din na si Xiaowei ang tunay na nag-aalaga kay Yu Shengwei, hindi si Luo Wei.

Pagkatapos mabunyag ang katotohanan, nawala ang sumpa. Inaresto si Luo Wei, habang sinubukan ni Xiaowei na buhayin si Yu Shengwei pero lalo lang nitong na-activate ang isang nakamamatay na sumpa. Lumabas din na daan-daang taon hinanap ni Xiaowei ang minamahal niya, pero hindi na siya naaalala ni Yu Shengwei.

Samantala, may mas malaking banta—ang butterfly demon na si Yuan Wuhuo, na siyang nasa likod ng lahat. At higit pa rito, humina na si Ji Ling at nasa panganib dahil may mga nilalang na gustong makuha ang natitira niyang kapangyarihan.

 

Veil of Shadows Episode 4 Tagalog

 Ipinaliwanag nina Wu Wangyan at Lu Wuyi na naloko rin sila ni Xiaowei. Ang “heart-ripping” na pagkamatay ay nangyayari kapag sinira ng taong nasa ilalim ng love spell ang sariling talisman—at ginamit ito ni Xiaowei para manipulahin si Wei Qing hanggang mamatay.

Ibinunyag din na ang Ice Curse ay isang “Never-Ending Curse” na habambuhay hinahabol ang mga nagtataksil. Si Xiaowei, na may kaugnayan sa “ice,” ay tinutugis nito kaya kailangan niyang magtago tuwing full moon. Ipinaliwanag din ang mga moon marks at kung paano minarkahan ni Xiaowei ang taong nagligtas sa kanya para mahanap ito sa bawat buhay.

Habang nag-iimbestiga, lumalabas ang mga koneksyon ng mga karakter, lalo na kina Ji Ling at Lu Wuyi. Sa isang ritual, may mga bagong clue na natuklasan, kabilang ang isang lihim na marka kay Wei Qing.

Habang nagiging kahina-hinala ang kilos ng mga suspect, nabunyag ang katotohanan—si Xiaowei pala ay nagtatago bilang si Liu Weixue. Nahuli siya dahil sa mga kakaibang kilos, sugat, at pagkawala ng pang-amoy.

Iginiit ni Xiaowei na hindi niya sinasadyang saktan si Yu Shengwei at sinubukan pa niya itong iligtas. Nagkamali siya ng akala kay Wei Qing, dahil si Yu Shengwei pala ang tunay na hinahanap niya. Sinubukan niyang ilipat ang epekto ng love spell, pero ayon sa kanya, si Luo Wei ang nakialam at naging dahilan ng pagkamatay ni Wei Qing.

Sa huli, dumating sina Ji Ling at Li Jie na may dalang ebidensya na maaaring magbunyag ng buong katotohanan.

Veil of Shadows Episode 3 Tagalog

Ibinunyag ni Li Jie na matagal nang nawawala si Luo Wei, kaya pinaghihinalaang si Xiaowei na fox demon ang nag-aanyong siya. Ipinaliwanag ni Wu Wangyan na nakatakas si Xiaowei sa sumpa sa pamamagitan ng pagputol ng isa niyang buntot, kaya naitago niya ang aura niya pero humina siya.

Pagkatapos gumaling, kinompronta ni Wei Qing si Luo Wei. Sinabi niyang ginawa niya iyon dahil sa selos, at dahil sa love charm, napilitan si Wei Qing na magpakita ng pagmamahal—na ikinasakit ni Yu Shengwei.

 Nang subukan ni Yu Shengwei umalis, malamig siyang tinanggihan, kaya ibinalik niya ang love token at tinapos ang relasyon.

Samantala, inamin ni Liu Weixue na makasarili at seloso siya, at napansin ni Lu Wuyi ang mga kakaibang peklat sa kanyang kamay.

Para mahuli ang demonyo, ginamit ni Ji Ling si Wei Qing bilang pain. Sa workshop, na-trigger ni Lu Wuyi ang bitag at lumabas ang tunay niyang anyo bilang nine-tailed fox. 

Nagkaroon ng labanan, at sumali si Wu Wangyan para protektahan siya. Biglang dumating ang isang malakas na hunter, pero nawala ang magkapatid dahil sa kapangyarihan ng full moon.

Lumabas na malamang bumalik sila sa isang lihim na lugar ng mga fox na konektado sa sinaunang grupo sa ilalim ng diyosang si Nuwa.

Sa fox palace, napagtanto ni Lu Wuyi na maaaring naloko siya ni Xiaowei at posibleng peke ang Yu Shengwei sa mansyon.

 Napansin din ni Wu Wangyan na magkakatunog ang mga pangalan nila (“Wei”), na parang may koneksyon.

Samantala, sa mansyon, paubos na ang oras ng mga hunters habang unti-unting nawawala ang kanilang mga pandama dahil sa sumpa. 

Pinapunta ni Wu Shiguang si You Chi sa pavilion para kunin ang mga lihim, at nalaman nilang gumamit si Wei Qing ng love charm para kontrolin si Yu Shengwei.

Naalala rin ni Lu Wuyi ang nakaraan niya at inamin na nagkakagusto na siya kay Ji Ling.

Pero lumala pa ang sitwasyon—natagpuang patay si Wei Qing matapos niyang punitin ang sarili niyang puso. 

Nakuha nila ang love talisman, at may nakatagong koneksyon ito kay Luo Wei. 

Pagkatapos nito, bumalik na sa mansyon sina Wu Wangyan at Lu Wuyi.