Sunday, September 20, 2020

Tingnan: Miraval Wellness Resort at Spa




Ang paglalakad sa labyrinth ay makakatulong para makapagsarili at makapag-reflect at pakinggan ang iyong sariling saloobin.

Mag-explore sa world class body treatments gaya ng body renewal ritual na pwede sa mga buntis.

Maari kang mag-yoga habang nakikinig ka sa mga tunog na healing sounds mula sa mga crystal bowls.

Ang liblib na lugar at ang nakamamanghang tanawin na parang naka-connect ka sa kalikasan ay magbibigay sa iyo ng kalmado at focus sa iyong mga wellness goals.


Outdoor Adventure Challenge Goals - palawakin ang iyong kamalayan at lumikha ng pamayanan sa pamamagitan ng mga nakabahaging hamon na pisikal at mental

May mga water activities sa magandang Laurel lake gaya ng paddle boarding, canoeing at kayaking.



Hidden Creek Deck









Pwede ka rin palang mangabayo dito























Thursday, September 17, 2020

Mga Celebrity Couple na May Naiibang Kasal

Mga Celebrity Couple na May Naiibang Kasal

Kristin Bell at Dax Shepard
Pinili ng couple na ito na maging lowkey ang kasal na nai-held sa isang maliit na courthouse ng Beverly Hills. Si Shepard ay nagsuot ng isang itim na tux para sa seremonya, at si Bell isang simpleng itim na damit. Ayon kay Shepard, ang buong seremonya ay nagkakahalaga ng $142 sa kabuuan.





Nicole Richie at Joel Madden
Matapos ang 3 taong relasyon nina Richie at Madden, sila ay naenggage noong 2010. Sa taon ding iyon, ang kanilang wedding ceremony, na ginanap sa bahay ng ama ni Richie na si Lionel Richie, ay nagtatampok ng isang French garden theme na may isang live na elepante-para sa suwerte, kasama na ang kabayo at karwahe.





Dianna Agron at Winston Marshall
Si Agron at Marshall ay nag-pakasal noong 2016 pagkatapos ng pakikipag-date sa loob ng isang taon. Sila ay ikinasal sa Morocco kung saan sumakay sila ng camel patungo sa ceremony. Sa halip na white dress ay pnili ni Agron na isuot ang nude embroidered Valentino gown. Matapos ang 4 na tao sila ay naghiwalay.



Sarah Jessica Parker and Matthew Broderick
Ginulat nina Parker at Broderick ang kanilang mga kaibigan sa hindi inaasahang wedding ceremony. Ininvite ng couple ang mga 100 bisita para sa isang cocktail party,pero nang dumating ang mga ito sa Lower East Side synagogue ng New York City ay isang wedding ceremony ang nadatnan nila. Hindi sumunod si Parker sa tradisyon at sa halip ay black wedding dress ang isinuot nito.



Mary-Kate Olsen at Olivier Sarkozy
Ikinasal si Olsen sa banker na si Sarkozy noong 2015 sa isang pribadong bahay sa Manhattan. Ang intimate wedding ay dinaluhan ng mga 50 katao at ang wedding reception ay nilagyan ng ilang bowl na puno ng sigarilyo para sa mga bisita. Ngayong taon lang ito nag-file si Olsen ng divorce kay Sarkozy.



Britney Spears at Jason Allen Alexander
Noong 2004, ginulat ang lahat ng magpakasal si Britney sa kanyang childhood friend na si Alexander sa Little White Wedding Chapel. Nagbayad sila ng $ 70 para sa pitong minutong seremonya, at ikinasal sa loob ng 55 oras bago nila ito tuluyang ipa-annul.




Olivia Wilde at Tao Ruspoli
Si Wilde, na 19 taong gulang noon, ay nagpakasal sa Italian filmmaker na si Ruspoli noong 2003. Na-enggaged ang dalawa sa Burning Man music festival, at ang seremonya ay isinagawa sa isang inabandunang bus ng paaralan sa Virginia. Naghiwalay sila noong 2011.




Solange Knowles at Alan Ferguson
Nagpakasal si Knowles sa wedding video director na si Ferguson noong 2014. Ang bride ay nagsuot ng puting pantalon mula sa Humberto Leon for Kenzo Portrait at kalaunan ay nagbihis sa isang puting jumpsuit mula sa Stephane Rolland. Dumating siya sa ceremony gamit ang puting bisikleta na may cream rose na mga desinyo. Makalipas ang 5 taon sila ay naghiwalay.




Elizabeth Taylor at Larry Fortensky
Ang namayapang actress ay nagpakasal sa construction worker na si Fortensky (ika-8 asawa) noong 1991 na ginanap sa Neverland Ranch ni Michael Jackson. Suot ni Taylor ay pale yellow Valentino gown at si Jackson ay nagsilbi bilang kanyang best man. ng mga panauhin ay sumakay sa mga carnival rides matapos ang ceremony. Noong 1996 sia ay naghiwalay.



Dita Von Teese and Marilyn Manson
Isang gothic style wedding naman ni Dita at Manson ang naganap noong 2005. Si Von Teese ay nagsuot ng isang purple na Vivienne Westwood gown. Ang kanyang matalik na kaibigan, si Christian Louboutin, ang nagdisenyo ng kanyang matching puple shoes. Matapos ang isang taon sila ay naghiwalay.



Tingnan: Salbabida ni Hailey Bieber na P5000



Sa linggong ito, ang modelo ay nag-upload ng larawan sa Instagram ng kanyang sarili na nakasakay sa salbabida suot ang isang kulay pink na 2-piece bikini na Frankies Bikinis.
Si Hailey ay nakalutang sa isang print pool float na hugis puso. Tinawag na Leopard Heart Float ito ay nagkakahalaha ng $105 o mahigit P5000 mula sa Saint Laurent.