Risa Hontiveros Sinita ang Tweet Tungkol sa Pagsaway sa Kanyang Damit sa SONA 2019
Hindi mapigilan ni Senador Risa Hontiveros na tumugon sa ginawa ng netizen na pagsaway sa kanyang damit na isinuot sa katatapos lang na State of the nation Address.
Nai-quote pa ng senadora ang Bawal Bastos na isang batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte kamakailan lamang na naglalayong parusahan ang catcalling at iba pang panliligalig batay sa kasarian sa mga public places at online. "Kinikilala rin ng estado na ang parehong kalalakihan at kababaihan ay dapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay, seguridad, at kaligtasan hindi lamang sa pribado, kundi pati na rin sa mga kalye, public place, online, mga lugar ng trabaho, at mga institusyong pang-edukasyon at pagsasanay," ayon sa batas.
Ayon kay Risa ang suot niya ay kontemporaryong piña barong na may mga sleeves na naka-pattern pagkatapos sa baro't saya. Idinisenyo ni Joel Acebuche, gamit ang tela na hinabi sa Kalibo at burdado sa Lumban.
Kung sa unang tingin lalo na pag di mo talaga nakita ang buong style ng damit niya, para talaga itong dress na sobrang haba ng slit na akala mo ay balakang na niya ang nakikita pero kung titingnan maigi ay makikita mong damit na saya at hindi balat ito. Baka hindi lang tiningnan masyado ng nag-tweet ang picture o baka siya ay may malabong paningin.
Mamatay Kayong Lahat' ang sabi ni Philip Salvador sa mga Kritiko ni Pres. Duterte
Kahapon sa SONA ay nagpaunlak ng interview ang mga aktor na sina Phillip Salvador at Robin Padilla. At ayon kay Philip Salvador na tagasuporta ng Pangulo ay ginagawa naman daw ng Pangulo ang lahat para sa mga Pilipno at "mamatay na lahat" ang mga bumabatikos sa Presidente.
Train to Busan Star Bibida sa Isang Marvel Movie Kasama ni Angelina Jolie
Ang Korean actor na si Ma Dong Seok ay napabilang sa American Film na isang Marvel Movie. Noong July 20 sa San Diego Comic Con, ipinakilala ng President ng Marvel Studios na si Kevin Feige ang cast ng "The Eternals." Si Ma Dong Seok, sa ilalim ng kanyang Ingles na pangalan na si Don Lee, ay pinangalanan bilang isa sa mga bituin na kasama ni Angelina Jolie, Salma Hayek, Richard Madden, at Kumail Nanjiani.
Just announced in Hall H at #SDCC, Marvel Studios’ THE ETERNALS with Angelina Jolie, Richard Madden, Kumail Nanjiani, Lauren Ridloff, Brian Tyree Henry, Salma Hayek, Lia McHugh and Don Lee. Directed by Chloé Zhao. In theaters November 6, 2020. pic.twitter.com/k6ZgfX38VW
Ang "Eternals" ay isang comic book series na nilikha noong 1976 ni Jack Kirby. Ang kwento nito ay tungkol sa lahi ng superhuman na mga tao na tinatawag na Eternals na binuo milyun-milyong taon na ang nakalilipas dahil sa mga eksperimento sa genetiko sa Earth ng Celestials. Si Ma Dong Seok ay gaganapan ang papel ni Gilgamesh, isang hero na may super strength na kaparehas kina Thor at Hercules. Ang "Eternals" ay nakatakdang mag-premiere sa November 6, 2020 sa North America.
Mga Unique na Higaan Upag Ikaw ay Makatulog ng Mahimbing
Matulog sa temperatura na gusto mo at hindi mo na rin kinakailangang ayusin ang iyong kama sa Smartduvet na may dual-zone climate-controlled self-making bed.
Ang maliblib na palibot ng Pod, mood lighting, nakakapagpakalmang tunog ay makakapagpaparamdam sa iyo ng katahimikan at pagkakomportable.
Ang HiCan Smart Bed ay ang iyong personal na cocoon para sa tamang kapahingahan.
Ngayon ay maaari ka ring matulog sa Totoro.
Ang kama na Zerobody ay nakakapagpadama sa iyo na ang iyong katawan ay lumulutang sa tubig.
Ang Giant Birdsnest ay isang mahusay na kama para sa mahimbing na pagtulog at isang magandang furniture para sa impormal na mga pulong.
Hindi ka magkakaroon ng mga problema sa paglilinis sa ilalim ng iyong kama, kung ito ay lumulutang.
Ang smart bed ng Ford ay para sa mga taong mahilig umangkin ng espasyo sa kama.
Maging komportable sa pagtulog gamit ang lovesac
Lumikha ng privacy tuwing kailangan mo ito at dalhin mo ito saan ka man pumunta gamit ang Tent Privacy Pop Bed.
Ang Mode Smart Bed ay nakokontrol gamit ang smart phone at kaya nitong pahintuin ang malakas na paghilik ng iyong katabi.
Ang Podtime sleeping pod ay ang iyong sariling liblib na santuwaryo para sa mahusay na pahinga.
Ang Adora Ultimate Smart Bed ay built-in na massage chair, isang stereo, kaha, adjustable headset, isang workplace, isang bookshelf, isang lampara, Bluetooth, isang USB port, isang SD card slot, at isang power socket.
Hindi alintana kung ikaw ay isang lalaki o isang babae, matutulog ka tulad ng isang prinsesa sa Enignum Wooden Canopy Bed.
Ito ang instagram post ni Bea Alonzo matapos kumalat sa social media ang larawan nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Nakunan ang dalawa na magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz. May mga captions pa ang nagpost nito na sinasabing nagloko na naman si Gerald Anderson at ang malala pa ay nilike ito lahat ni Bea.
Maging ang instagram stories ni Bea ay may post din nang tungkol sa pangloloko.
Si Julia Barretto at Gerald Anderson ay nagkatambal sa pelikulang Between Maybes. Matagal nang issue ang pagiging babaero ni Gerald Anderson kahit noong siya ay baguhan pa lamang. Naging tsismis na dati na niloko at kaya sila naghiwalay ni Kim Chiu ay dahil kay Bea Alonzo. Matapos noon ay nag-away ang dating magbff na si Kim at Maja Salvador dahil na rin kay Gerald. Naging tsismis din dati na niloko ni Gerald at Pia Wurtzbach si Bea. At ngayon si Julia Barretto na naman ang nilalandi daw ni Gerald. Presko pa sa isipan ng mga tao ang inihayag ng magkaloveteam at magkarelasyon na sina Julia at Joshua Garcia na break na sila at nananatili na lang magkatrabaho at magbestfriend. Si Gerald nga ba ang dahilan?
Yeng Constantino binatikos ng mga netizens dahil sa pamamahiya sa isang doktor gamit ang Vlog niya sa Youtube
Kamakailan lamang ay naaksidente ang asawa ni Yeng sa Siargao at sila ay nagkaroon ng di magandang karanasan dahil sa kakulangan ng medical facilities sa lugar. Ibinahagi ni Yeng sa social media at sa kanyang Youtube account ang kanyang karanasan. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa ni Yeng na ayon sa mga netizens ay doctor shaming daw at tinawag si Yeng ni another celebrity bully.
Naka Vlog pa bisan traumatic experience for her? Haha! what if e question sad namo imong ka wife ky wa kayka ma taranta ani, naka vlog pa ka? Malipay ka? 🙄 #NoToDoctorShaming Blame the lack of Facilities not the health professionals.I like your songs yeng, but you’re cancelledt
If only celebrities in the Ph aren't so entitled enough. Feeling kasi pag artista, mataas na sila. Stop using your popularity. When doing such activites make sure you know the consequences, wag masyadong pabibo. #NoToDoctorShaming
Yeng Constantino's experience in Siargao only showed how poor healthcare is in our country. Don't blame or shame a particular person, it's the system that has a problem. We can all learn from this.#RIPPHHealthcare#NoToDoctorShaming#NoToCyberBullying
Jane de Leon Nagparetoke Nga Ba kaya Gumanda at Nagmukhang Tisay?
May mga kumakalat ngayon sa social media na larawan na nagsasabing ang Jane de Leon na napilimg bagong darna ay siya ring Jane na nasa litrato. Kung ikukumpara ay malayong malayo ang itsura ng dalawa at nangangahulugan na ang itsura ni Jane ngayon ay bunga lamang daw ng pagpaparetoke. Kung totoo man ito ay bongga at talagang gumanda si Jane. Hindi naman masama kung nais mong gumanda karapatan iyon ng bawat babae at ng sino man.