Panoorin: Si John Lloyd Cruz ang umattend ng hearing sa kasong isinampa laban kay Ellen Adarna
The preliminary investigation hearing today last for less than thirty minutes and has been rescheduled again, two weeks from now June 25 as requested by respondent’s camp. pic.twitter.com/u5EVfCTGtp
LOOK: John Lloyd Cruz attends the preliminary investigation hearing of Ellen Adarna’s child abuse & cyber crime case filed here at the Pasig City Office of the Prosecutor. Ellen not here but John Lloyd is accompanied by Ellen’s legal counsel. The complaining party also here. pic.twitter.com/zT0IwPIWNE
Si Susan kasama ng kanyang anak ay kasalukuyang nagmamaneho pauwi ng bahay matapos mananghalian sa kanyang ina sa Kelowna, British Columbia, nang sila ay huminto dahil sa pulang ilaw ng traffic light. Malinaw ang mga kaulapan sa tanghaling iyon kaya pinagbuksan niya ang mga bintana ng kanyang sasakyan at ang sunroof nito nang bigla na lamang itong paulanan ng tila parang isang tumpok ng putik na bumabagsak mula sa kalangitan. Ang dalawa ay halos malula sa napakabahong amoy nito, at napagtanto nila na hindi putik ang nahulog sa kanila kundi likido na tae ng tao. Agad naisip ni Susan na ang brown na likido ay nahulog mula sa eroplano habang ito ay pababa sa malapit na airport. "Masama ang aming loob. Napaiyak ako at hindi makatulog hanggang alas-4 umaga, "sabi niya. Ang pangyayaring ito ay iniimbestigahan na ng Transport Canada at sinabing ang posibleng pagkahulog ng kung ano mula sa isang aircraft ay isang napakaseryosong bagay. Sa bandang huli ay pinalinis nila ang kanilang kotse sa tulong ng kapamilya, ngunit ang pangyayari ay nag-iwan sa kanya ng infection sa mata na sinabi ng doktor na naging resulta matapos matapunan ng maduming likido. Pahayag ng Kelowna international airport na wala silang nalalaman na insidente kung saan may flight ang isang eroplano sa eksaktong araw at oras kung saan nangyari ang insidente. Sinabi ni Susan na ito ang pinaka-karima-rimarim na sandali ng kanyang buhay. "Siguradong hindi ito isang bagay na dapat maranasan ng sinuman. Kailanman. "
Panoorin ang video kung saan nasaksak ang basketball players na sina Jeron Teng, Thomas Torres, at Norbert Torres
Kuha ito ng isang concerned citizen ng nangyaring gulo kaninang madaling araw sa Bonifacio Global City, Taguig City kung saan nasaksak ang mga basketbolistang sina Jeron Teng, Thomas Torres, at Norbert Torres. https://t.co/BLpXpnbE2Npic.twitter.com/X02imwdO5L
Kuha ito ng isang concerned citizen ng nangyaring gulo kaninang madaling araw sa Bonifacio Global City, Taguig City kung saan nasaksak ang mga basketbolistang sina Jeron Teng, Thomas Torres, at Norbert Torres.
Panoorin: Pinoy Nurse sa Saudi Nasaksak habang nasa duty
Ang 29 anyos na biktima na Rolando Mina ng Caloocan City ay kasalukuyang nasa duty nang bigla na lamang siyang nilapitan sa likod ng counter at pinagsasaksak ng 22 anyos na lalaking taga Saudi sa hawak nitong tila isang kutsilyo.
Si Mina ay nagkaroon ng maraming sugat sa kanyang mga bisig ngunit kasalukuyang nasa matatag na kondisyon.
Ayon sa DFA, ang insidente ay nangyari sa Huwebes at ang kaso ay inaatasan na ngayon ng public prosecutor.
Agad na inaresto ang lalaki at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis, ngunit hindi pa rin tukoy ng mga imbestigador ang motibo ng lalaki at ayon kay Mina ay hindi niya ito kilala.
Sinabi ng pinuno ng Madinah Health Affairs Abdulhameed Al-Subhi sa Saudi Gazette na ang lalaking nanaksak ay may deperensiya sa pag-iisip.
"Sinabi ng pamilya ng nanaksak na siya ay may sakit sa isip. Gayunpaman, hindi dapat ipagwalang bahala ang kanyang mga aksyon. Dapat siyang ipasok sa isang menstal institution at hindi dapat palayain hanggang siya ay dumaan sa komprehensibong rehabilitasyon, "sabi ni Al-Subhi.
Binigyan ng security guard si Mina ng tagapamahala ng ospital at patuloy itong tatanggap ng sahod habang nagpapagaling.
Ang mga kinatawan mula sa Ministry of Health ng Saudi ay bumisita din kay Mina sa ospital isang araw pagkatapos ng pangyayari.