Wednesday, June 6, 2018

Sasakyan nahulugan ng tae mula sa eroplano

Sasakyan nahulugan ng tae mula sa eroplano




Si Susan  kasama ng kanyang anak ay kasalukuyang nagmamaneho pauwi ng bahay matapos mananghalian sa kanyang ina sa Kelowna, British Columbia, nang sila ay huminto dahil sa pulang ilaw ng traffic light.

Malinaw ang mga kaulapan sa tanghaling iyon kaya pinagbuksan niya ang mga bintana ng kanyang sasakyan at ang sunroof nito nang bigla na lamang itong paulanan ng tila parang isang tumpok ng putik na bumabagsak mula sa kalangitan.

Ang dalawa ay halos malula sa napakabahong amoy nito, at napagtanto nila na hindi putik ang nahulog sa kanila kundi likido na tae ng tao.

Agad naisip ni Susan na ang brown na likido ay nahulog mula sa eroplano habang ito ay pababa sa malapit na airport. "Masama ang aming loob. Napaiyak ako at hindi makatulog hanggang alas-4 umaga, "sabi niya.

Ang pangyayaring ito ay iniimbestigahan na ng Transport Canada at sinabing ang posibleng pagkahulog ng kung ano mula sa isang aircraft ay isang napakaseryosong bagay.

Sa bandang huli ay pinalinis nila ang kanilang kotse sa tulong ng kapamilya, ngunit ang pangyayari ay nag-iwan sa kanya ng infection sa mata na sinabi ng doktor na naging resulta matapos matapunan ng maduming likido.

Pahayag ng Kelowna international airport na wala silang nalalaman na insidente kung saan may flight ang isang eroplano sa eksaktong araw at oras kung saan nangyari ang insidente.

Sinabi ni Susan na ito ang pinaka-karima-rimarim na sandali ng kanyang buhay. "Siguradong hindi ito isang bagay na dapat maranasan ng sinuman. Kailanman. "

No comments:

Post a Comment