Sunday, June 24, 2018

Pinakamahal na Laruan sa Mundo

Pinakamahal na Laruan sa Mundo




HOT WHEELS REAR LOADING BEACH BOMB
Ang Hot Wheels car na ito ay gawa noong 1969 na bumenta sa isang auction sa halagang $100,000.





DIAMOND SCRABBLE
Ito ay isang regular na board game version ng scrabble, maliban sa bahagi at parte nito na gawa sa diamante na nagkakahalaga ng libo-libong dolyar.





HENES BROON F-SERIES LUXURY KIDS CAR
Ngayon maari mo na itong mabili sa halagang hindi hihigit sa $1,000. Ito ay may upuan na leather at mp3 player at isang detachable Android tablet.





WHITE GOLD PACIFIER
Bagamat ang pacifier ay hindi talaga isang laruan sa tradisyonal na kahulugan, kailangan nating isama ang anumang bagay na nakatuon sa mga bata na gawa sa puting ginto na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa $20,000.





NEW ENGLAND LODGE PLAYHOUSE
Gustung-gusto ng mga bata ang paglalaro sa maliit na clubhouses, pero mas makabubuti kung ikaw na lamang ang gagawa kesa gumastos na mahigit $50,000 sa maliit na bahay na ito na maaari mong lagyan ng cable tv at air conditioning.





LAMBORGHINI AVENTADOR 1/8 SCALE MODEL CAR
Para sa rekord, sa $ 4.8 milyon, ang maliit na laruang sasakyan na ito ay mas mahal kaysa sa tunay na sasakyan, salamat sa pag-adorno nito ng mga diamante at platinum.





GRAND CRIMSON DRAGON
Gusto mong isipin na ang giant toy dragon na ito na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa $14,000 ay maaring paglaruan ng bata kesa gawing dekorasyon lamang.





CHILD’S MERCEDES 500 SL 2-SEATER
Sa halagang $9,492, maiisip mong mas mabuti pang bilihan mo ang iyong anak ng isang aktwal na ginamit na Mercedes kesa overpriced na laruan na ito.





ALICE IN WONDERLAND TOY CHEST
Kung hindi pa sobra sayo ang gumastos ng ilang libong dolyar para sa isang bagay na maaari mong talagang mapaglaruan, maaring kalabisan na ang paggastos ng halos $ 3,000 sa isang karaniwang kahon na lalagyan ng mga laruan.





L'OISELEUR DOLL
Tapos na ang paghahanap para sa ganap na pinakamahal na manika sa mundo, dahil ang L'OISELEUR DOLL ay isang lumang, katakut-takot na bagay na kayang ibenta sa auction sa mahigit anim na milyong dolyar na halaga.





ORIGINAL G.I. JOE ACTION FIGURE
Ang mapagkakatiwalaang pinakasikat na linya ng laruan para sa mga lalaki sa kasaysayan, ang GI Joe action figures ay sinimulan bilang isang Ken doll na nakasuot ng damit militar at ngayon ang original action figure ay nagkakahalaga ng higit sa $200,000.





LIONEL 3360 BURRO CRANE
Ang Lionel 3360 Burro Crane prototype ay nagkakahalaga ngayon ng higit sa $85,000.





BABE RUTH ACTION FIGURE
Ang isang ito ay sobrang mahal sapagkat ito ay walang bihira lamang makikita, dahil 5 action figures sa ganitong uri lamang ang naproduce kung saan ang Sultan ng Swat ay naksuot ng asul na sombrero, kaya kapag meron ka nito, ibig sabihin ay nabili mo ito sa halos $14,000 na presyo.





MIAMI VICE SLOT-CAR SET
Ang Miami Vice dati ang isa sa mga pinaka-cool na bagay noon, kaya kung mayroon kang isang klasikong Miami Vice slot-car set na nasa maayos na kundisyon pa ay maaari mo itong ibenta sa halagang nasa $1,500.





FIRST EDITION HE-MAN FIGURE
Ang box version ng bounty hunter na ito ay nagkakahalaga ng mga nasa $2,500.





STEFANO CANTURI BARBIE DOLL
Gaya ng GI Joe or Star Wars, hindi mawawala sa listahan ang barbie, at ang Stefano Canturi Barbie ay nagkakahalaga ng $300,000 salamat sa totoong diamante na suot niya.





STEIFF LOUIS VUITTON BEAR
Ang teddy bear ay isang bagay na niyayakap ng bata lalo na sa gabi, pero kung kami ang tatanungin, ang magbayad ng mahigit sa $2,000,000 para lamang dito ay isang kalabisan.

No comments:

Post a Comment