Panoorin: Pinoy Nurse sa Saudi Nasaksak habang nasa duty
Ang 29 anyos na biktima na Rolando Mina ng Caloocan City ay kasalukuyang nasa duty nang bigla na lamang siyang nilapitan sa likod ng counter at pinagsasaksak ng 22 anyos na lalaking taga Saudi sa hawak nitong tila isang kutsilyo.
Si Mina ay nagkaroon ng maraming sugat sa kanyang mga bisig ngunit kasalukuyang nasa matatag na kondisyon.
Ayon sa DFA, ang insidente ay nangyari sa Huwebes at ang kaso ay inaatasan na ngayon ng public prosecutor.
Agad na inaresto ang lalaki at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis, ngunit hindi pa rin tukoy ng mga imbestigador ang motibo ng lalaki at ayon kay Mina ay hindi niya ito kilala.
Sinabi ng pinuno ng Madinah Health Affairs Abdulhameed Al-Subhi sa Saudi Gazette na ang lalaking nanaksak ay may deperensiya sa pag-iisip.
"Sinabi ng pamilya ng nanaksak na siya ay may sakit sa isip. Gayunpaman, hindi dapat ipagwalang bahala ang kanyang mga aksyon. Dapat siyang ipasok sa isang menstal institution at hindi dapat palayain hanggang siya ay dumaan sa komprehensibong rehabilitasyon, "sabi ni Al-Subhi.
Binigyan ng security guard si Mina ng tagapamahala ng ospital at patuloy itong tatanggap ng sahod habang nagpapagaling.
Ang mga kinatawan mula sa Ministry of Health ng Saudi ay bumisita din kay Mina sa ospital isang araw pagkatapos ng pangyayari.
No comments:
Post a Comment