Monday, August 31, 2020

Mga Younger Version na Ginampanan ni Kim Yoo-jung Kahawig nga ba Niya?

Mga Ginampanan ni Kim Yoo-jung noon sino nga ba ang Mas Hawig sa Kanya?

Bilang child actress si Kim Yoo-jung ay marami nang ginampanan na younger version sa pelikula at sa drama. Ngayong malaki na si Kim Yoo-jung at leading lady na rin, may kamukha ba siya sa mga ginampanan niya dati noon as younger version?

Im Soo-jung - Lump of Sugar (2006)
Ito ang itsura dati ni Soo-jung noong ginampanan ni Kim Yoo-jung ang younger version niya sa pelikula. Ang movie na ito ay tungkol sa pagiging jockey at horse racing. Pareho silang baby face pero I think di sila magkamukha.





Song Hye-Kyo - Hwang Jin-yi (2007)
Medyo hawig naman mas angat nga lang ang ganda ni Song Hye Kyo. Ang movie na ito ay base sa novel na Hwangjini na tungkol sa isang gisaeng. Ang gisaeng ay mga entertainer ng mga lalake noon sa Korea.




Han Hyo-joo - Iljimae (2008)
Dong Yi (2010)

Hindi sila magkahawig at mas maganda na si Kim Yoo-jung ngayon. Pero mas sexy at mas matangkad si Han Hyo Joo. Parehong maganda at parehong magaling na aktress. 2 beses pang kinuha si Yoo-jung bilang younger version ni Han Hyo-joo sa drama. Ang Iljimae ay parang korean version ng Robinhood. Ang Dong-yi naman ay tungkol sa real-life historical figure na si Choi Suk-bin.



Moon Geun-young - Painter of the Wind (2008)
Malayo ang itsura nila. Cute naman to dati si Moon Geun-young pero ngayon medyo naiba na. Ang dramang ito ay tungkol sa isang painter na nag-disguise bilang lalaki upang hanapin ang pumatay sa kanyang ama. Maraming awards ang napanalunan ng dramang ito.



Chae Jung-an - Cain and Abel (2009)
Hindi sila magkamukha. Si Chae Jun-an yung other girl sa Coffee Prince. Maganda din naman si Jung-an pero mature siyang tingnan. Ang Cain and Abel ay base sa 2 magkapatid na parang sa bible na yung isa ay may matinding selos at inggit sa kanyang kapatid.



Park Ye-jin - Queen Seondeok (2009)
Malayong malayo ang itsura. Ang dramang ito ay tungkol sa unang female ruler ng Silla kingdom.




Lee So-yeon - Temptation of an Angel (2000)
Di rin magkamukha. Napanood ko ang dramang ito at maganda din naman si Lee So-yeon, hindi nga lang sila magkamukha. Ang dramang ito ay parang male version ng Temptation of a Wife. Maganda ang dramang ito at maiinis at maaawa at magkakaroon ka ng understanding sa bida/kontrabidang si Joo Ah-ran dito.




Kim Ha-neul - Road No. 1 (2010)
Hindi sila hawig. Ang dramang ito ay tungkol sa 2 sundalo na parehong nagmahal sa iisang babae at panahon pa ng Korean war. Parang Pearl Harbor lang ang dating.





Shin Eun-kyung - Flames of Desire (2010)
Seo Woo - Flames of Desire

Ginampanan ni Kim Yoo-jung ang younger version ng 2 mag-ina sa drama. At parehong hindi niya kahawig ang mga ito. Nagparetoke ata to si Shin Eun-kyung kaya lumiit ang mukha at nag-iba ang itsura. Siya yung nanay ni Chef sa Oh My Ghost. Ang dramang ito ay tungkol sa labanan ng mga successor ng isang conglomerate family. Anak ni Eun-kyung itong si Seo Woo sa drama na si Kim Yoo-jung pa rin ang gumanap na younger version.



Lee Chung-ah - Pure Pumpkin Flower
Hindi sila hawig. Ang dramang ito ay tungkol sa isang babae na iniwan ng kanyang ina upang magkaroon ng mas magandang buhay sa bago nitong pamilya. Nagkita ulit ang mag-ina nang magustuhan ng stepson niya ang kanyang sariling anak.



Han Ga-in - Moon Embracing the Sun (2012) 
Medyo hawig sila ni Han Ga-in dito. Mas marami ang napabilib at humanga kay Kim Yoo-jung nang gampanan niya ang younger version ni Yeon-woo. Ang dramang ito ay tungkol sa love story ng king at ng shaman. Sa dramang ito pinapakita talaga na magkamukha daw talaga ang pumanaw na si Yeon-woo sa shaman na si Wol.



Han Ji-hye - May Queen (2012) 
Di sila magkamukha. Ang dramang ito ay tungkol sa tatlong tao na nakakaranas ng ambisyon, paghihiganti, pagtataksil at pag-ibig, at ang setting ay ang industriya ng paggawa ng mga barko sa Ulsan noong panahon ng modernisasyon sa Korea.



Uee - Golden Rainbow (2013)
Di sila magkamukha. Una kong napanood si Uee bilang kontrabida sa You're Beautiful. Ang storya ng dramang ito ay tungkol sa 7 na mga ampon.



Yoon So-hee - Secret Door (2014)
Di sila hawig. Pinalitan lang yata si Yoo-jung dito kasi masyado siyang bata tingnan para sa role. Ang dramang ito ay tungkol sa tragic relationship ng isang king sa kanyang anak.