Sunday, July 19, 2020

Mga Pinakamaganda at Kakaibang Swimming Pools


Marina Bay Sands, Singapore
Ang 150 metre infinity pool na ito na nasa ibabaw ng 57-storey na building, kung saan makikita mo ang skyline ng Singapore. Pero pag di ka guest sa hotel ay mukhang di ka makaka-access sa pool at magbabayad ka pa ng entrance fee. Marami sa ibang turista ay nagpapapicture na lang sa labas kung saan kuha sa likod ang Marina Bay Sands.







Hanging Gardens Infinity Pool, Bali
Naka-attach sa Resort ng Hanging Gardens sa kailaliman ng gubat, ang dalawang-tiered na infinity pool.



Aqua Dome, Austria
Video pa lang ay mapapa-haaay ka na lang sabay isip kung kailan ka makakapunta dito at masubukan ang kanilang heated pool. Sobrang ganda naman nitong lugar na to at siguradong marerelax ka.




Golden Nugget Tank Pool, Las Vegas
Isa sa mga pinakaunang casino sa Las Vegas ang Golden Nugget na gumasta $30 million sa kanilang hotel pool na may kasamang giant aquarium na puno ng higit sa 300 mga pating at isda. Ang mga matatapang ay puwedeng subukan ang kanilang water-slide kung saan makikita at madadaanan mo ang tangke ng mga pating.



Four Seasons Safari Lodge, Tanzania
Sa resort na ito ay makakapanood ka ng mga elepante, giraffes, wildebeest at zebras habang ikaw ay nagswi-swimming.



San Alfonso del Mar, Chile
Ito ang largest swimming pool sa mundo.





The Joule Pool, Dallas
Ang overhanging pool na ito sa Dallas Joule Hotel ay may transparent part kung saan makikita ng mga swimmers ang view ng Dallas streets.










No comments:

Post a Comment