Groom Patay sa Covid19 Matapos Ikasal
Nagsagawa ang mga opisyal sa India ng imbestigasyon sa naganap na kasalan na binansagang superspreader event pagkatapos ng higit sa 100 na mga bisita sa kasal ang nagpositibo sa coronavirus.
May sakit na daw ang groom ng ikasal ito at matapos ang ilang araw ay namatay na.
Mahigit na 300 na bisita ang dumalo sa kasalan na naganap noong kalagitnaan ng June.
Ang groom na software engineer at nakatira malapit sa New Delhi ay umuwi sa kanila para maghanda sa gagawing seremonya ay nakapagsabi sa kanyang mga kaibigan na magiging memorable daw ang kanyang kasal na tatawaging corona marriage.
Ayon sa isang kamag-anak hindi pa man daw sila ikinasal ay lagi na daw nagsusuka ang groom at sinasabing masakit ang kanyang ulo.
Dinala daw ito sa ospital pero hindi daw nagpatest sa coronavirus at gusto daw kasi ng pamilya nito na matuloy na ang kasal.
Mga ilang araw lang matapos ang kasal ay lumabas ang balita na namatay na daw ang groom na posibleng may covid19 at na-cremate na.
Pinabulaanan ng ama ng groom na maysakit na ang anak bago pa man ito ikasal pero ayon sa kanya ilang miyembro ng kanyang pamilya at pati na siya ay nagpositibo sa coronavirus.
Negative naman daw ang resulta sa bride pero mga 100 sa mga bisita sa kasal ang nag-positibo.
Ayon sa iba ang kasal daw ay parang pilit na mass suicide dahil tila alam na ng groom na maysakit na siya pero hindi pa rin nito ipinaalam sa mga bisita at ipinagpatuloy ang kasal.
Malala ang covid19 sa India at mahigit half-million na ang infected dito at mahigit 20,000 na ang patay sa kasalukuyan at patuloy pa itong nadadagdagan.
No comments:
Post a Comment