Tuesday, June 30, 2020

Vic Sotto at mga Host ng Eat Bulaga boto kay Donya Tesoro para kay Mayor Vico

Vic Sotto at mga Host ng Eat Bulaga nirereto si Mayor Vico kay Mayor Donya Tesoro











Si Donya Tesoro 29yrs old (Doña Cresencia R. Tesoro) ay mayor ng San Manuel Tarlac. 21yrs old pa lang siya ng maging politician matapos mag-graduate ng Bachelor of Arts in Communication sa Miriam College. Matapos maging pulitiko ay kumuha siya ng Master's Degree in Public Management at the Ateneo De Manila University.



Siya ang pumalit sa kanyang ama na dating mayor ng San Manuel.

Last June 27 ay nagguest si Mayor Donya sa Eat Bulaga at nagkabiruan ang mga hosts kasama na si Vic Sotto matapos malaman na single si Donya.

Sabi ni Vic kina Jose at Paolo, "Diretsuhin mo na kaya! Andami mong paliku-liko.

"Nakikinig ako rito, e. Parang may pinupuntahan kayo."

Sabay tanong ni Vic kay Donya, "Mayor, may nanliligaw ba sa inyo?"

Sagot ni Donya, "Hi, Bossing! Parang wala. Parang ayaw nila sa akin."




Sa puntong iyon ay pabirong dumukot kunwari ng cell phone si Vic at saka tinawagan ang anak na si Vico.

"Hello, Vico?! Hello? Diniretso ko na!" natatawang saad ni Vic.

Sa huli, sinabi ni Jose na padadalhan niya ng "biko" si Donya.

Ani Jose, "Dalhan kita ng biko may latik. Masarap yung biko may latik."

Sunday, June 28, 2020

Ang Real-life Rapunzel na May mahigit 5ft ang Haba ng Buhok









Si Malgorzata Kulczyk 34, taga-London ay 5 taon nang hindi ginupitan ang buhok na ngayon ay umabot na sa 5ft 2 inches ang haba. Ang mga friends daw niya ang nag-encourage sa kanya na huwag putulan ang buhok dahil maayos naman daw ito.

Marami daw ang nagkakagusto sa kanyang mga lalaki dahil daw dito na ayon sa kanila ay beautiful, impressive at feminine daw siya.

Hindi na man daw siya nahirapan sa pagmaintain ng kanyang buhok at 3 times a week lang daw niya ito binabasa.

Para daw maging maganda ang condition ng buhok kailangan mong alagaan ang iyong katawan at kumain ng masustansiya.

Mag-exersise, iwasan ang stress at dapat hydrated parati.
Ang nettle tea daw ay maganda para sa pagpapahaba ng buhok.

Ano na ang Itsura ng mga Asian Leading Ladies Noong 2000s Ngayon


Zhang Ziyi
Born: February 9 1979
Napanood ko si Zhang Ziyi sa pelikulang Crouching Tiger, Hidden Dragon, Hero, House of Flying Daggers, Memoirs of a Geisha, at The Banquet.



















Isa sa pinakamaganda sa Asia at pinakapopular na Asian actress si Zhang Ziyi worldwide. Kabilang rin si Ziyi sa American Film na Rush Hour2. Gandang ganda talaga ako sa kanya dati pa at hindi gaanong nagbago ang itsura niya hanggang ngayon. Ikinasal si Ziyi noong 2015 sa isang Chinese rock singer na si Wang Feng.





Shu Qi
Born: April 16, 1976
Isang Taiwanese-Hong Kong actress model si Shu Qi. Nagsimula si Shu Qi sa mga nude pictorials at Soft-Core Films bago naabot ang mainstream success. Sa ngayon ay isa siya sa mga highest paid actress sa Taiwan. So Close, Forest of Death, Journey to the West, Mojin: The Lost Legend at The Village of No Return ang ilan sa mga pelikula ni Shu Qi na napanood ko.






Hindi man niya taglay ang pinakamagandang mukha ay bawi naman sa lakas ng appeal niya dahil sa ganda ng katawan at height. Ikinasal si Shu Qi noong 2016 sa actor-director na si Stephen Fung.





Zhao Wei
Born: March 12, 1976
Si Zhao Wei o Vicky Zhao/Vicki Zhao ay isang Chinese-Billionaire actress, businesswoman, film director, producer and pop singer. Isa sa pinakapopular at highest paid si Zhao Wei. So Close, Painted Skin, Shaolin Soccer ang ilan sa mga proyekto ni Zhao Wei na napanood ko. Siya ang pinakaunang Mainland China actress na nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Shanghai.






Hindi masyadong nagbago ang magandang si Zhao Wei kahit nasa 40's na. Ikinasal si Zhao Wei noong 2008 kay You Long Huang. Si Zhao ay aktibo sa charity at disaster relief work.





Fan Bingbing
Born: September 16, 1981
Si Bingbing ay isang Chinese actress, model, television producer and singer. Siya ay isa sa mga highest paid-actresses worldwide at tinaguriang global fashion icon. Wala akong napanood n Chinese projects ni Bingbing pero nakita ko siya sa pelikulang Iron Man3 at X-Men.







Sophisticated ang dating ni Fan Bingbing pero hindi ako masyadong nagagandahan sa kanya pero ang tindig, katawan at kutis niya ay mala-diyosa talaga. Pansamantalang nawala si Bingbing dahil sa tax case. Si Bingbing ay itinuturing na China’s sweetheart sa loob ng 2 dekada.





Barbie Hsu
Born: October 6, 1976
Si Barbie ay isang Taiwanese actress, singer, at television host. Sumikat si Barbie sa Asia dahil sa seryeng Meteor Garden kasama ang F4. Meteor Garden 1 at 2, Eternity: A Chinese Ghost Story, at Summer's Desire ang mga proyektong ni Barbie na napanood ko at masasabi ko na magaganda ang mga ito. Actually recommended series ko ang mga ito. Nagsimula si Barbie bilang isa sa pop duo ASOS, kung saan kasama niya ang kanyang kapatid.






Mala-Barbie rin ang mukha at ganda ni Barbie. Kahit malakas ang chemistry ng tambalan nila ni Jerry Yan ay hindi na ito naulit pa. Ikinasal si Barbie noong 2010 kay Xiaofei Wang. Semi-retired na si Barbie sa acting at aktibo na lang sa modelling campaigns at variety shows.





Ariel Lin
Born October 29, 1982
Sumikat si Ariel Lin sa seryeng It Started With a Kiss. Napanood ko ang serye niyang In Time With You kasama si Chen Bolin at ito ang isa sa mga pinakapaborito kung serye at dahil sa ganda ng serye ay nagkaroon ito ng Korean version na pinagbidahan ni Ha Ji Won. Nakilala si Ariel sa variety show na Guess Guess Guess at naging Champion sa Beauty Contest nito.






Napanood ko rin ang movie ni Ariel na Go Lala 2 kung saan nagtambal uli sila ni Chen Bolin at Sweet Alibis. Ikinasal si Ariel noong 2014 sa businessman na si Charles Lin.





Rainie Yang
Born June 4, 1984
Si Rainie ay isang Taiwanese singer, actress, at television host. Dating member ni girl band na 4 in Love. Una ko siyang napanood sa Meteor Garden bilang supporting cast. Mas nakilala si Rainie ng bumida siya sa very cute na seryeng Devil Beside You kasama ni Mike He. Napanood ko rin ang balik tambalan nila ni Mike na Why Why Love at isa pang serye na Miss no Good pero di ko kilala ang katambal niya dito at di ko rin gaano nagustuhan ang istorya ng serye.



Hindi matatawag na maganda si Rainie pero cute naman ito at baby face pa rin ang mukha hanggang ngayon.



Noong 2019 ikinasal si Rainie sa Chinese singer-songwriter na si Li Ronghao.





Choi Ji Woo
Born June 11, 1975
Si Choi Ji Woo ay isang South Korean actress. Sumikat si Ji Woo sa seryeng Winter Sonata. The Truth, Winter Sonata, Everybody Has Secrets, Now and Forever at Likes for Likes ang ilan sa mga proyekto ni Ji Woo ang napanood ko. Nagcameo rin siya sa Crash Landing On You. Una siyang nadiskubre sa isang talent audition.



Isa si Cho Ji Woo sa sinasabing Most Beautiful Actress sa Korea pero hindi rin ako fan ng beauty niya pero ang gandang ganda naman ako sa skin niya.



Ikinasal nang palihim si Choi Ji Woo noong 2018 sa isang non-showbiz guy na mas bata sa kanya ng 9 years. Akala ko hindi na siya mag-aasawa at halata na sa itsura niya na nasa 40s na siya pero masaya ako para sa kanya nang mabalita na nagpakasal siya at nagkaanak pa. Isinilang ni Ji Woo ang kanyang 1st baby sa edad na 45.





Kim Ha-neul
Born February 21, 1978
Si Kim Ha-neul ay isang South Korean Actress. Noong kasikatan ay binansagan si Ha-neul bilang "romantic queen of comedies". Isa sa pinakapaborito kung Korean Movie ang My Tutor Friend na painagbidahan ni Haneul at ni Kwon Sang-woo. Napanood ko rin ang Too Beatiful to Lie, Dead Friend, Almost Love, My Girlfriend is an Agent at Blind na mga proyekto ni Ha-neul.



Hindi ako nagagandahan dati kay Ha-neul at di ko gusto yung mga hairstyle niya kasi parang hairstyle ng old hollywood ito sa tingin ko. Pero nung nagkaedad na si Haneul ay gumanda na siya sa paningin ko. Lalo na sa pelikulang My Girlfriend is an Agent. Siya yung kung titingan mo ng maigi ay gumaganda lalo sa paningin mo.



Hindi na masyadong popular ngayn si Ha-neul marahil ay natabunan na ang kinang niya ng mga baguhan pero isa talaga siyang magaling na actress.





Ha Ji Won
Born June 28, 1978
Si Ha Ji Won ay isang South Korean actress. Isa siya sa mga sought after at critically acclaimed actress sa Korea dahil sa kanyang versatility sa kahit anong genre mapa-action man, comedy, horror, drama, sports at medical. Nightmare, Phone, Sex is Zero, 100 Days with Mr Arrogant, Love so Divine, Life Risking Romance, at What Happened in Bali ang mga proyekto ni Ji Won na napanood ko.



Ordinaryo lang ang beauty ni Ha Ji Won para sa akin pero madami na siyang mga proyekto na napanood ko at magaling naman talaga siya.



Parang wala rin masyado nagbago sa itsura niya at parang di siya tumanda.





Jun Ji Hyun
Born October 30, 1981
Si Jun Ji Hyun ay isang South Korean actress at model. Sumikat sa buong mund dahil sa My Sassy Girl si Jun Ji Hyun. My Sassy Girl, Windstruck, White Valentine, The Uninvited, Daisy, Blood: The Last Vampire, The Thieves, My Love from the Star at Legend of the Blue Sea ang mga proyekto ni Ji Hyun na napanood ko.



Si Jun Ji Hyun ang no.1 na favorite Asian at Korean actress ko. Kahit na may mas maganda o mas magaling pa sa kanya ay wala akong pakialam at siya talaga bias ko sa lahat. Isa rin sa pinakamagandang Korean movie niyang My Sassy Girl at ang My Love from the Star ang pinaka all time favorite ko na korean movie at korean drama. Di lang maganda kundi matangkad at sexy at magaling pang magdala ng damit si Ji Hyun. Siya ang itinuturing na biggest Hallyu star sa Chinese market noon at binansagan pang Nation's First Love. Siya rin ang pinaka-unang korean actress na nai-feature sa international Vogue magazine. Naparangalan na rin si Ji Hyun ng Daesang ang highest award sa Korean television.



Kahit na may 2 anak na si Ji Hyun ay hindi pa rin nagbago ang ganda ng katawan nito. Ikinasal si Ji Hyun noong 2012 sa isang banker na si Choi Joon-hyuk.





Son Ye-jin
Born January 11, 1982
Si Son Ye-jin ay isang Son Ye-jin ay isang South Korean actress. The Classic, A Moment to Remember, White Night, Spellbound, Bad Guys Always Die, Personal Taste, Something in the Rain at Crash Landing on You ang mga proyekto ni Ye-jin na napanood ko. Kung pagalingan sa acting ang pag-uusapan ay isa si Son Ye-jin sa mga naiisip kung actress. Ilang beses na akong umiyak sa mga pelikula niya at recently sa Crash Landing on You na naging super hit sa Asia.



Bukod sa magaling na actress ay napakaganda pa ni Ye-jin lalo na noong kabataan niya. Medyo mas pumayat kasi yung mukha niya ngayon pero maganda pa rin naman.



Nagdonate si Ye-jin at ang kanyang co-star na si Hyun Bin kamakailang lang para sa Covid19.






A post shared by hayley0504 (@hayley05049)

Song Hye-kyo
Born November 22, 1981
Si Song Hye-kyo ay isa South Korean Actress. Gaya ni Jun Ji-hyun si Hye-kyo ay isang Top Hallyu star. Nagsimula ang kanyang career bilang model ng manalo siya sa SunKyung Smart Model Contest sa edad na 14. Hwang Jin Yi, Worlds Within, Descendants of the Sun at Encounter ang projects ni Hye-kyo na napanood ko.



Si Song Hye-kyo ang may pinakamagandang mukha na korean actress na nakita ko. Kahit hindi mag-make-up ay napakaganda pa rin nito at hindi nakakasawa ang mukha.



Nagpakasal sila ni Song Jong-ki noong 2017 ngunit naauwi rin sa divorce ang dalawa. Parang dream come true na sana yun sa mga fans nila pero naudlot pa. Sana magkatrabaho ulit sila sa isang proyekto dahil maganda naman ang chemistry nila pero mukhang hindi na mangyayari ito. Hindi tulad ng ibang kasabayan niyang aktress na mukhang nalulusyang na kahit dalaga pa si Hye-kyo ay fresh na fresh pa rin tingnan at parang di tumatanda.





Kim Tae-hee
Born March 29, 1980
Si Kim Tae-hee ay isang South Korean actress. Isa rin si Tae-hee sa mga paborito ko dati at gandang-ganda rin ako sa kanya. Bagamat wala akong masyadong napanood na projects ni Kim ay maituturing ko rin na isa sa mga all-time favorite series ko ang My Princess na pinagbidahan niya. Graduate ng Seoul National University, si Tae-hee at lagi rin siyang no.1 sa mga poll surveys dati sa Most Beautiful Korean Celebrity, marahil na rin dahil kinokonsiderang siya ng lahat na may "beauty and brain".



Siya rin dati ang isa sa pinaka most in-demand na endorser. Maganda, sexy, matalino at talented pa, halos na kay Kim Tae-hee na ang lahat.



Nagpakasal si Tae-hee kay Rain noong 2012 at ngayon ay may dalawang anak na sila. Silang mag-asawa ang isa mga richest celebrity couple sa Korea.





Yoon Eun-hye
Born October 3, 1984
Si Yoon Eun-hye ay isang South Korean actress, singer, entertainer at model. Dati siyang member ng girl group na Baby Vox. Princess Hours, Coffee Prince, My Fair Lady, at Lie to me ang mga project ni Eun-hye na napanood ko. Isa sa mga all time favorite series ko ang Princess Hours.



Simple lang ang beauty in Eun-hye pero matangkad at sexy naman ito.



Matagal nang nawala sa eksena si Eun-hye, may mga plagiarism issue at management problems kasi siya dati. Isa pa naman siya sa mga pinakasikat dati pero yung mga last projects niya ay hindi gaanong maganda ang results. Sana magtambal uli sila ni Ju Ji-hoon, ang co-star niya sa Princess Hours na nalaos din dati pero ngayon ay nakabalik na at stable na uli ang career.