Isiniwalat ni Coleen Garcia ang asawa ni Billy Crawford na ninakawan si Billy ng cellpphone. Ginamit ni Billy ang phone bilang flashlight habang nag-aayos ng kanilang nasirang gulong ng bigla itong ninakaw.
Halatang pinakain na ng alikabok ng #Jowable ni Kim Molina ang Kiko En Lala ni Super Tekla. Kahit noong opening day ay P6 million ang kinita nito laban sa P750,000 lamang na kita ng Kiko En Lala. Nagsalita pa naman dati si Super Tekla na sa tingin niya ay mas tatangkilikin ang pelikula niya kesa sa jowable dahil daw sa pambata ito. Parang di naman din gugustuhin ng mga bata mapanood ang Kiko en Lala kasi hindi naman pambata ang itsura ni Super Tekla. Samantalang ang #Jowable ay pasok sa mga adults lalo na yung mga single na nakakarelate dito.
Isang nurse sa isang Gynecology Clinic sa Seoul ang nagkamali at nagbigay ng anesthesia sa isang buntis na pasyente na ang pakay ay ang magpa-nutritional supplements IV. Nagkamali daw sila sa pagkakilanlan sa kanilang mga pasyente at mali ang gamot na naibigay dito. Ang biktima, isang babaeng Vietnamese na buntis na may 6 na linggong fetus, ay natutulog na hindi alam na ang isang doktor ay nagsasagawa ng isang abortion. Sinabi ng doktor sa mga pulis, na hindi nila nasuri at nakompirma ang pagkakakilanlan ng pasyente. Professional negligence ang inihain na kaso sa doktor at nurse na nagkamali sa ginawang abortion sa isang pasyente. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung paanong nagkamali sa pagkilanlan sa mga pasyente ang clinic at ihahain ito sa prosecutor's office. Ang biktima ay nagpacheck-up noong nakaraang buwan sa clinic at niresetahan ng IV solution para sa nutritional supplements. Bumalik siya sa ospital kinabukasan pagkatapos ng pagdurugo at sinabihan ng ibang doktor na siya ay nagkaroon ng abortion.
Ipinakita ni Angelica sa kanyang IG story ang tila mga rash na tumubo sa kanyang balat. Hindi niya daw alam kung allergy ba o insect bites ang mga ito. kumalat na daw ito sa kanyang legs, braso at likod. May gamot na man daw na ibinigay sa kanya at unti-unti na daw itong gumagaling.
Eto na ang bagong gupit ni Dingdong Dantes bilang paghahanda sa Philippines Remake ng Descendants of the Sun na mapapanood sa Kapuso Network. Gagampanan niya ang role ni Song Joong-ki bilang Captain Yoo Si-jin (a.k.a. Big Boss) ang Captain ng isang elite special force team.
Mga Artistang Paborito ng mga Pinoy na Bumida sa Pelikula
Base sa kinita ng pelikula eto ang mga Pinoy Celebrities na malaki ang hatak sa box office. Vice Ganda Matapos mabigyan ng It's Showtime ng break si Vice Ganda ay tuloy-tuloy na ang pag-ariba ng kanyang career. Si Vice Ganda ang paborito ng Viva at Star Cinema na gawan ng pelikula tuwing Disyembre at kadalasan ay nagiging pambato ito sa MMFF. Feel good naman kasi bilang komedyante ang mga pelikula niya kaya marami ang nanood nito sa buwan ng Pasko lalo pa at bakasyon at may mga bonus na natatanggap ang mga Pilipno. Maingat at mapili rin si Vice sa mga co-stars kung saan may kakayahan rin ang mga ito na humatak ng mga tao para panoorin ang kanilang pelikula. Kathryn Bernardo Ang Hello Love Goodbye ngayon ang All-time Highest Grossing Local Film sa Pilipinas. Pinalitan nito ang The Hows of Us na si Kathryn Bernardo pa rin ang bida. Dahil dito ay si Kathryn ang itinuturing ngayon na Superstar of this Generation. Daniel Padilla Lahat ng mga blockbuster na pelikula ni Daniel ay kasama nito ang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn. Ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad lamang kung saan si Vice ang co-star niya ang tanging pelikula ni Daniel na wala si Kathryn. John Lloyd Cruz Paboritong bida ng Rom-Com si John Lloyd at lahat din ng mga naging co-star niya ay mga bigatin. Si Bea Alonzo at Sarah Geronimo ang paborito ng mga pinoy na leading lady ni John Lloyd. Vic Sotto Pampamilya ang mga pelikula ni Vic Sotto na itinataon din sa Disyembre. Ang pelikula niya at ni Vice ang laging nag-aagawan sa pwesto ng pinakamalaking kita pag-Disyembre. Coco Martin Parehong nakasama ni Coco si Vice at Vic sa pelikula. Ang mga pelikulang pinagsamhan nila ang siya ring may pinakamalaking kita na pelikula ni Coco. Bea Alonzo Minahal ng mga tao ang tandem na John Lloyd-Bea at bukod pa dito ay magaganda rin ang mga projects na ibinibigay sa actress. Nakasanayan na ng mga pinoy na pag pelikula ni Bea, maganda ang istorya. Ai Ai delas Alas Bagamat hindi na masyadong kumikita ng malaki ang mga pelikula ni Ai-ai ngayon, nakatatak pa rin sa mga pilipino ang saya ng mga Star Cinema movies niya na Tanging Ina. Dingdong Dantes Mabuting desisyon ang ginawa ni Dingdong ng pumayag siyang gumawa ng mga pelikula sa Star Cinema. Angelica Panganiban Pwede sa comedy at pwede rin sa drama ang dating child star na si Angelica Panganiban. Kris Aquino Suki ng horror movies sa Star Cinema dati si Kris Aquino at napanood ko ito lahat. Sarah Geronimo Bukod sa malakas ang fan-base ay nagustuhan rin ng mga tao ang tandem ni Sarah at John Lloyd. Eugene Domingo Bagamat parating sidekick ay tumatak naman ang mga role ni Eugene sa kanyang mga pelikula. Tinangkilik din naman ng mga tao ang unang pinagbidahan niya na Kimmy Dora na sobrang nakakatawa. Alden Richards Sa sobrang laki ng kinita ni Alden sa Hello Love Goodbye ay mapapabilang talaga siya sa listahan ng mga blockbuster stars. Enrique Gil Ang Seven Sundays lang ang pelikula ni Enrique Gil na wala si Liza Soberano ang naging blockbuster hit. Toni Gonzaga Paboritong leading-lady rin dati si Toni Gonzaga nung siya ay dalaga pa. Angel Locsin Madaming fans si Angel bukod sa magaganda rin ang mga projects na tinatanggap niya. Anne Curtis Si Anne ang tipo na hindi takot subukan ang ibat-ibang roles sa mga pelikula. Mapatweetums, kabit o action scenes ginagalingan niya. Piolo Pascual Dating ka loveteam ni Judy Ann Santos. Si Piolo ang isa sa mga pinakagwapp at pinakamagaling na aktor sa Pilipinas. Richard Gutierrez Ang Fantastica talaga ang nagsama kay Richard sa listahan na ito. Bela Padilla Gaya ni Richard, Fantastica din ang pelikula ni Bela na may pinakamalaking kita. Kim Chiu Marami akong napanood na pelikula ni Kim Chiu at magaganda namin kahit yung iba ay hindi nakaabot ng 100million mark. Ang The Healing kung saan kasama si Vilma Santos ang pelikula ni Kim na walang ka-loveteam pero nagblockbuster hit. Maine Mendoza Sinuwerte rin si Maine at napasama siya sa mga hit na movies ni Vic Sotto. Liza Soberano Hindi pa nasusubukan ni Liza ang gumawa ng hit na pelikula na wala si Enrique. Judy Ann Santos Gaya ni Kathryn Bernardo si Judy Ann Santos ang tinaguriang Superstar ng kanyang henerasyon. Derek Ramsay Mga magaganda at sexy ang karaniwang leading-lady ni Derek sa pelikula at paborito siyang leading man ng mga sexy love stories. Luis Manzano Ang mga pelikula ni Vice Ganda at Ai-ai delas Alas na kasama si Luis ang dahilan at napasali siya sa listahan. Xian Lim Pumatok ang loveteam na Kimxi sa mga pinoy. Gerald Anderson Binubuild-up talaga ng Star Magic na maging leading man si Gerald at marami na siyang nakapareha sa pelikula. Iza Calzado Magagaling at bigatin ang palaging co-stars ni Iza sa mga pelikula. Claudine Barretto Si Claudine ang isa sa mga pinakasikat at tinangkilik na actress noon. Cristine Reyes Magaling umarte si Cristine at magaling din ang mga nakakasama niya sa pelikula. Pia Wurtzbach Maswerte si Pia at napasali siya sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad. Aga Muhlach Ang leading man ng dekada. Marami sa mga listahang ito ang napabilang dahil sa mga pelikula ni Vice Ganda at Vic Sotto.
Naospital dahil sa komplikasyon ang 74 anyos na ginang matapos itong manganak ng kambal, samantalang ang kanyang 82 anyos na asawa ay inatake sa puso. Ang matatandang mag-asawa sa Andhra Pradesh, India, ay matagal nang nagnanais na magka-anak at naghintay sa loob ng 57 na taon. Sa wakas ay naisipan nito na sumailalim sa IVF procedure. Nabuntis naman ang ginang at naisilang ang kanyang kambal sa loob ng 3 oras na pagla-labor. Ngunit may komplikasyon na nangyari kaya agad itong ipinagamot. Sa sobrang saya ng kanyang asawa matapos makita ang kambal ay inatake ito sa puso at isinugod din sa ospital.
Isang solid 18 karat na gintong inidoro na nagkakahalaga ng mahigit $1.25 million, ang ninakaw sa Blenheim Palace UK ang tahanan ng yumaong dating Prime Minister na si Winston Churchill. Dati itong inilagay sa Guggenheim Museum sa New York at pinangalanan na "America", ito ay gawa ni talian artist Maurizio Cattelan. Inilipat ito sa bago nitong tirahan at matapos ang dalawang araw ay ninakaw ito. Iniulat ng Thames Valley Police na mayroong "malaking pinsala at pagbaha" na sanhi ng pagkuha sa inidoro ang naganap sa banyo sa bahay ng Duke of Marlborough. Linggo bago ang pag-install ang inidoro sa bahay, sinabi ng kapatid ni Duke na si Lord Edward Spencer-Churchill, sa The Sunday Times na hindi niya "pinaplano na pabantayan" ang inidoro. Hindi naman daw ito madaling nakawin dahil bukod sa nakainstall siya sa banyo, ang isang potensyal na magnanakaw ay walang ideya kung sino ang huling gumamit ng banyo o kung ano ang kinakain nila. " Pero siya ay nagkamali na akalaing ligtas at hindi nanakawin ang inidoro. Missing-in-action pa rin ang inidoro pero isang 66-anyos na lalaki ang inaresto na may kaugnayan sa pagnanakaw.
Isang babae sa Estados Unidos ang sumailalim sa isang operasyon upang alisin ang nalunok niyang singsing sa kanyang pagtulog dahil sa isang bangungot kung saan siya at ang kanyang kasintahan ay nasa isang mabilis na tren at napilitan siyang lamunin ang singsing upang maprotektahan ito mula sa "mga masamang tao".
Si Jenna Evans, 29, ay nagising sa kanyang tahanan sa California at napagtanto na ang pangyayari ay isa lamang panaginip, ngunit kanyang nadiskobrehan na amg brilyante na singsing sa kanyang daliri ay nawawala. Sinabi ng babae na ginising niya ang kanyang kasintahan upang magpaliwanag, at ang mag-asawa ay nagpunta sa isang ospital. Nangyari ang insedente noong nakaraang linggo. Ayon sa kanya ay nahirapan siyang alalahanin upang ibahagi ang nagyari dahil sa halo-halong emosyon niya na siya ay natatawa at naiiyak na.
Nakita sa pamamagitan ng x-ray ang 2.4-carat na singsing sa loob ng kanyang tiyan at napagkasunduan ng mga doktor na mas mainam na ito ay tanggalin sa pamamagitan ng operasyon kesa hintayin na lang sa natural na paraan gaya ng pagtae. Bago operahan ay pinapirma muna si Evans ng mga release papers kung saka-sakali na siya ay mamatay. Napaiyak daw siya sa galit dahil pwede pala niya itong ikamatay. Matagal na daw niyang inasam na mabigyan siya ng engagement ring at ito pa ang mangyayari. Sobrang naiyak si Evans matapos magising at malaman na matagumpay ang operasyon.
Ang higanteng Las Vegas Ferris wheel na ito ay inagurahan noong 2014, at sa taas na 168 m (551 piye) ito ay isa sa pinakamalaking sa buong mundo. Ang bawat cabin ay maaaring tumanggap ng hanggang sa 40 mga pasahero, at ito ay isa sa mga pinakamalaking atraksyon ng turista sa Sin City.
Singapore Flyer, Singapore Ang Singapore Flyer ay 165 m (541 p) ang taas, na katumbas ng isang 42-palapag na gusali! Tinuturing itong isa sa pinakamataas na atraksyong turista sa buong Asya. Itinayo noong 2008, at ang bawat gondola ay maaaring magsakay ng hanggang 28 na mga pasahero. Nagbibigay din ang mga cabins ng mahusay na mga tanawin sa Singapore at ang mga cloud-kissing skyscraper nito at nakagaganyak na buhay sa kalye.
Tianjin Eye, China Ang Tianjin Ferris Wheel na 120 m (393 p) ang taas, kahanga-hanga dahil ito ay itinayo ito sa ibabaw ng Ilog Hai, sa itaas ng Yongle Bridge.
London Eye, England Ang London Eye ay hindi ang pinakamataas na Ferris wheel sa buong mundo (135 m, o 442 p), ngunit marahil ito ang pinaka-iconic. Kilala rin ito bilang Millennium Wheel. Inagurahan noong 1999, ito ay may hindi kapani-paniwalang panorama sa kapital ng UK. Ang 32 kapsula ay nagdadala ng daan-daang turista sa isang pagkakataon, at isang buong pag-ikot ay tumatagal ng 30 minuto.
Orlando Eye, USA Ang higanteng Ferris wheel na 122-m (400-ft) na ito ay inagurahan noong 2015. Nag-aalok ang Orlando Eye ng ilang kamangha-manghang tanawin ng kalapit na mga theme park, kabilang ang SeaWorld at Universal Orlando.
Wiener Riesenrad, Austria Ang higanteng Ferris wheel na ito ay itinayo noong 1897 sa amusement park ng Wurstelprater ng Vienna. Sa 65 m (213 p), ito ang pinakamataas na Ferris wheel sa mundo sa pagitan ng 1920 at 1985. Kahit na ang taas nito ay matagal nang nalampasan ng iba pang mga ferris wheel, ang Wiener Riesenrad ay nananatiling isang iconic na simbolo ng lungsod, at sa katunayan, sa Europa.
Centennial Wheel, USA Ang Navy Pier ng Chicago ay halos 1 km (0.6 mi) ang haba, at ipinagmamalaki ang maraming atraksyon, kabilang ang mga pagsakay, parke, tindahan, restawran, at isang kamangha-manghang Ferris wheel. Ang 22-m (72-ft) taas ng ferris wheel ay nag-aalok ng kamangha-manghang tanawin sa ibabaw ng pier, at isa sa mga pinakamalaking atraksyon sa lungsod. Suriin ito sa gabi upang makita ang higit sa 160,000 LED lamp na lumiliwanag sa kalangitan ng lungsod.
Melbourne Star, Australia Ang Ferris wheel na ito ay 120 m (393 p) ang taas. Ang pitong taludtod ng bituinn ay kumakatawan sa mga bituin sa watawat ng Australia. Ang isang sakayan sa Melbourne Star ay tumatagal ng 30 minuto, at isang kamangha-manghang paraan upang makita ang lungsod mula sa pananaw ng isang ibon.
Suzhou Ferris Wheel, China Ang marilag na 120-m (393-ft) na si Suzhou Ferris Wheel ay may 60 na mga passenger cabin, na may maximum na kapasidad na 300 mga pasahero sa kabuuan. Matatagpuan sa east bank ng Jinji Lake, ang ferris wheel ay nagbibigay ng hindi kapani-paniwala na mga tanawin ng Suzhou skyline. Ang bawat pag-ikot ay tumatagal ng 20 minuto.
Cosmo Clock 21, Japan Tulad ng iminumungkahi ng pangalan nito, ang Cosmo Clock 21 sa Yokohama ay hindi lamang isang Ferris wheel, ito rin ay isa sa mga pinakamalaking orasan sa buong mundo! Nakatayo ng 112 m (367 p), mayroon itong 60 pods, bawat isa ay may kapasidad ng walong katao.
Pixar Pal-A-Round, USA Ang nakakahawa na ngiti ni Mickey ay sumasalamin sa Paradise Pier ng Disney California Adventure.
The Giradabo big wheel, Spain Ang isa sa mga highlight ng parke ng Tibidabo amusement ng Barcelona, ang malaking ferris wheel na nagbibigay sa mga pasahero ng nakakaaya na mga tanawin sa buong lungsod at ang nakasisilaw na Mediterranean Sea.
Asiatique Sky, Thailand Asiatique: The Riverfront ay isang malawak na mall malapit sa ilog sa Bangkok. Maliban sa mga bar, restawran, tindahan, at sinehan ay ang pinakamataas na Ferris wheel sa lungsod, ang 60-m (200-ft) na Asiatique Sky.
Pacific Park Wheel, USA Ang tanging solar-powered Ferris wheel sa mundo, ang Pacific Park Wheel ay makikita sa Santa Monica Pier sa California. Ang pier mismo ay napabilang sa ilang eksena sa higit na 500 mga pelikula at palabas sa telebisyon.
Wonder Wheel, USA Ang 46-m (150-ft) Wonder Wheel ay isa sa mga mahusay na iconic na atraksyon ng Wonder Wheel Amusement Park ng Coney Island. Itinayo noong 1920, ang Ferris wheel ay isang opisyal na itinalagang landmark ng New York City.
Seattle Great Wheel, USA Ang pagsakay sa Seattle Great Wheel ay nagbibigay ng mga pasahero ng mga natatanging tanawin ng kanlurang baybayin ng US. Para sa isang tunay na treat, magbook bilang VIP sa gondola nang mas maaga, na mayroong pulang leather seats, sahig na gawa sa salamin , na kayang mag-akomoda hanggang apat na tao.
Hong Kong Observation Wheel, China Lahat ng gondolas sa Hong Kong Observation Wheel ay naka-air condition at nilagyan ng mga sistema ng komunikasyon. Ang ferris wheel ay nakalagay sa harap ng daungan ng lungsod at nakaharap sa mga skyscrapers.
Niagara Falls SkyWheel, Canada Ang mga nakamamanghang tanawin ng ilog Niagara, ang Horseshoe Falls, at American Falls ay tangkilikin mula sa 53-m (175-ft) na Ferris wheel, na matatagpuan sa gitna ng Clifton Hill, Ontario.
HEP Five, Japan Ang lagpasg mula sa bubong ng kamangha-manghang HEP Limang mall sa Osaka ay ang landmark na strawberry-red Ferris wheel ng lungsod, na ipinagmamalaki ang isang 75-m (246-p) diameter.
Eye of the Emirates, United Arab Emirates Ang pinakakilalang landmark ng Sharjah, ang iconic na Eye of the Emirates wheel ay nagbibigay sa mga pasahero na may mga tanawin makapagpapa-nganga sa ganda ng mga pangunahing atraksyon ng lungsod at sikat na merkado, mga lugar tulad ng Al Noor Mosque at Khalid Lagoon.
Big O, Japan Pwede kang mag-karaoke sa loob ng gondola ng ferris wheel na ito.