Friday, December 28, 2018
Wednesday, December 26, 2018
Thursday, December 20, 2018
11 Tao Patay Matapos Kumain ng Kanin
11 Tao Patay Matapos Kumain ng Kanin
Labing-isa ang patay pagkatapos kumain ng bigas na malamang na nahawahan sa isang nakakalason na sangkap sa isang seremonya na nangyari sa templo ng Hindu, sinabi ng opisyal ng kalusugan noong Sabado.
Nasa 29 katao pa ang kritikal na may sakit at sumasailalim sa emergency treatment sa iba't ibang mga ospital sa Mysore, isang lungsod sa estado ng Karnataka.
"11 katao ang namatay at 93 iba pa ang naospital. Mula sa kanila, 29 ang naka-ventilator support," sabi ni K. H. Prasad, ang opisyal ng kalusugan para sa distrito ng Chamraj Nagar kung saan matatagpuan ang templo.
"Marahil ay may nakakalason na substansiya ang nakahalo sa kanin. Ang mga sampol ay naipadala para sa forensic testing," sinabi ni Prasad sa AFP.
Ang mga pasyente ay ginagamot para sa pagsusuka, pagtatae at hirap sa paghinga, idinagdag ni Prasad.
Ayon sa pulis, maraming bilang ng deboto ang nagtipon sa templo ng Kicchukatti Maramma para sa seremonya ng pagtatalaga noong Biyernes, at pagkatapos ay ipinagkaloob ang kanin bilang isang banal na alay.
Si Murugappa, isang deboto na naroroon sa templo, ay nagsabing inalok sila ng bigas ng kamatis at flavoured water.
May masamang amoy na nanggaling sa pagkain, ngunit kinain pa rin ito ng mga napagbugyan na.
"Pagkaraan ng ilang sandali nagsimula silang magsuka at bumula ang kanilang bibig."
Ang State Chief Minister H.D. na si Kumaraswamy ay nagpahayag ng kalungkutan sa insidente at inihayag ang isang kabayaran na 500,000 rupees (sa $ 7,000) bawat isa sa mga pamilya ng mga biktima.
Ang mga relihiyosong pagdiriwang sa India ay kadalasang hindi nababantayan ng mahusay ng mga awtoridad dahil sa sobrang dami ng tao.
Wednesday, December 19, 2018
Panoorin: Iza Calzado at Ben Wintle Palawan Beach Wedding
Panoorin: Iza Calzado at Ben Wintle Palawan Beach Wedding
Ganap na ngang Mrs. Wintle ang kapamilya aktress na si Iza Calzado. Pinakasalan ni Iza ang kanyang British fiance na si Ben Wintle sa Coron, Palawan.
Si Gideon Hermosa ang kanilang napiling event stylist na ginanap sa Club Paradise.
Suot ni Iza ang lace dress na gawa ni Rajo Laurel.
Dala-dala ni Iza ang bouquet na may locket na kung saan nakalagay ang larawan ng kanyang yumaongama at ina na sina TV director and choreographer Lito Calzado and Marian Antonia Ussher.
Kabilang sa mga dumalo ang mga matatalik na kaibigan ni Iza sa showbiz, ang mga Encantadia Sangre's na sina Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri.
Isang mensahe ang inihanda ni Sunshine para sa new bride na si Iza.
Sunday, December 16, 2018
Gwapo Na, Mayaman Pa ang Bagong Boyfriend ni Sofia Andres
Gwapo Na, Mayaman Pa ang Bagong Boyfriend ni Sofia Andres
Di lang gwapong-gwapo kundi yayamanin ang bagong boyfriend ngayon ng kapamilya aktress na si Sofia Andres. Si daniel miranda, isang race car driver ay apo ng may-ari ng Cebuana Lhuillier. Tubong Cebu si Daniel na lumipat sa Manila upang ipagpatuloy doon ang karera. Naging champion sa 2017 Vios Cup ito at lumalaban din internationally kabilang na dito sa Singapore, Macau at iba pang Asian Countries.
Matatandaang sinabi ng ka-loveteam ni Sofia na si Diego Loyzaga na wala silang relasyon ni Sofia at sa katunayan ay may boyfriend ang dalaga.
Marami ang kinikilig sa binata at sinasabing hawig ito kay James Reid at Charlie Puth. Bago pa man ito nagchampion sa larangan ng karera ay marami na talaga itong fans dahil sa kanyang itsura.
Thursday, December 13, 2018
Panoorin: Miss Australia, USA at Colombia nilibak ang mga kapwa Miss Universe Contestants
Panoorin: Miss Australia, USA at Colombia nilibak ang mga kapwa Miss Universe Contestants
Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagpuna ng mga tatlong kandidata sa kapwa nila contestants sa Miss Universe dahil hindi ito marunong mag-englis.
Sina Miss Colombia Valeria Morales, Miss USA Sarah Rose Summer at Miss Australia Frances Hung ay tinampulan ng pansin ang pagiging trying hard umano ni Miss Vietnam H'Hen Nie sa pagsasalita ng english. Kabilang na sa kanilang pinuna si Miss Cambodia at Miss Brazil.
Matapos nito ay isang litrato ang pinakita kung saan magkaayos at nagyakapan naman ang mga contestants na nabanggit. Ito ay para magsilbing panawagan sa mga netizens na tigilan na ang mga contestants.
Tuesday, December 11, 2018
Panoorin: Tony Labrusca nasuntok ng Guard matapos pagkaguluhan sa mall
Panoorin: Tony Labrusca nasuntok ng Guard matapos pagkaguluhan sa mall
Monday, December 10, 2018
Thursday, December 6, 2018
Hidden Beach ng Palawan kasama sa Top 10 Best Beach of 2018
Hidden Beach ng Palawan kasama sa Top 10 Best Beach of 2018
Nangunguna sa listahan ng Beach Beach of 2018 ang iconic Beach sa Greece kung saan ngshoot ang isa sa pinakapopular na k-dramang Descendants of the Sun.
Top 10 Best Beach of 2018
1. Shipwreck Beach, Zakynthos, Greece
2. Whitehaven Beach, Australia
3. Hidden Beach, Philippines
4. Praia do Sancho, Brazil
5. Tulum, Mexico
6. Grace Bay, Turks and Caicos
7. Seven Mile Beach, Cayman Islands
8. Anse Source d’Argent, Seychelles
9. Maya Bay, Thailand
10. Varadero Beach, Cuba
Tuesday, December 4, 2018
Bata Kinutya ng Empleyado ng Airline dahil sa Pangalan na Abcde
Bata Kinutya ng Empleyado ng Airline dahil sa Pangalan na Abcde
Isang ginang mula sa Texas ang nagrereklamo matapos kutyain ng isang empleyado ng Southwest Airlines ang kanyang 5-taong gulang na anak na babae dahil sa pangalan nito na Abcde.
Ayon kay Traci Redford siya at ang batang si Abcde (pagbigkas "Ab-city") ay lilipad pauwi sa kanilang tahanan sa El Paso, Texas galing Santa Ana, California ilang linggo na ang nakalilipas nang ang isang tagapangasiwa sa gate ay biglang kinutya ang pangalan ng bata.
Ang empleyado ay tumatawa na nagtuturo sa kanya at sa bata habang kinakausap ang isa pang kasama nito. Kinausap ito ni Traci na huminto na sa pagkutya dahil naririnig niya ito at ng kanyang anak.
Tinanong daw ng bata ang kanyang ina kung bakit siya pinagtatawanan ng nasabing empleyado.
"Sinabi niya, 'Nanay, bakit siya tumatawa sa pangalan ko?' At sinabi ko hindi lahat ay mabuti at hindi lahat ay magiging mabait at ito ay nakakalungkot, "sabi niya.
Kinuhanan diumano ng litrato ang boarding pass ng bata at ipinost sa social media, na ayon kay Traci ay nalaman na lamang niya mula sa isang kakilala na nakakita nito online.
Name shaming? This Texas woman claims a @SouthwestAir agent made fun of her 5-year-old daughter's name as they were preparing to board their flight at @JohnWayneAir in Orange County.— Veronica Miracle (@ABC7Veronica) November 28, 2018
Her daughter's name is Abcde (pronounced Ab-city). @ABC7 pic.twitter.com/iHpBPoakYI
Sa isang pahayag sa BuzzFeed News, sinabi ng tagapagsalita ng Southwest Airlines na si Chris Mainz ang "taos-pusong paghingi ng tawad ng kumpanya sa pamilya" at sinabi na ang social media post ng empleyado "ay hindi nagpapahiwatig ng pangangalaga, paggalang, at pagkamagalang" na inaasahan mula sa mga empleyado.
Binabantayan na daw nila ngayon ang naturang empleyado, bagamat hindi nila isinapubliko ang pagkakilanlan nito, ito ay isang pagkakataon upang mapalakas ang aming mga patakaran at bigyang diin ang aming mga inaasahan para sa lahat ng mga empleyado," sabi ni Mainz.
"Pinagmamalaki namin ang pagpapalawak ng aming Southwest Hospitality sa lahat ng aming mga Customer, sa pamamagitan ng Golden Rule kabilang na ang pagtrato sa bawat indibidwal na may paggalang, sa personal man o sa online," dagdag niya.
Naulat ng Vocativ na may 328 katao ang nagngangalang Abcde sa Estados Unidos, halos lahat ay mga bata.
Naging urban legend na ito sa isang online forum ng mga buntis kung saan sianbi ng mga ina na may nakilala silang Abcde ang pangalan. Binansagan itong isa sa mga "worst names ever."
Monday, December 3, 2018
Kilalanin si Angela Ponce ang Pinakaunang Transgender Contestant ng Miss Universe
Kilalanin si Angela Ponce ang Pinakaunang Transgender Contestant ng Miss Universe
Si Angela Ponce, 27 taong gulang ang pinakaunang transgender na sasabak sa Miss Universe Pageant ngayong Disyembre na gaganapin sa Thailand. Siya ay nanalo at kinoronahan sa Spain nitong Hunyo, mapatapos matalo ang 22 contestants para magrepresenta ng kanilang bansa.
Noong 2012, ang Miss Universe Pageant na noon ay pag-aari pa ni Donald Trump ay binago ang regulasyon upang mabigyang daan ang pagsali ng mga transgender sa competition. Ginawa nila ito bilang tugon sa naging reklamo ni Jenna Talackova, isang transgender na pinagbawalang sumali sa Miss Universe Pageant sa Canada.
Naalala dati ni Ponce noong siya pa ay Miss World Contestant ng Spain, sa araw na mismo ng kompetisyon na may patakaran pala ito na hindi hinahayang manalo ang mga trangender women.
Nasaktan ako, ngunit kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang kompetisyon. Ngunit nang makarating ako sa final Miss Universe, binago rin ng Miss World ang kanilang mga panuntunan. Binago ko ang mga panuntunan. "
Si Ponce ay naging model sa edad na 18. Naikwento niya na makailang beses na siyang nakapasa at napasama sa casting ngunit pagkatapos ay nakakatanggap siya ng tawag na nagbago na daw ang kanilang isip nang malaman na siya ay isang trans woman. Wala daw siyang magawa kundi ang umiyak.
Ipinakikita ko na ang mga babaeng trans ay maaaring maging anuman na gustohin nila: isang guro, isang ina, isang doktor, isang politiko at kahit Miss Universe. "
Saturday, December 1, 2018
Lalaki na-Ban sa isang Eat all you Can Restaurant sa Sobrang lakas kumain
Lalaki na-Ban sa isang Eat all you Can Restaurant sa Sobrang lakas kumain
Si Jaroslav Bobrowski isang Ironman triathlete mula sa Germany ay na-ban o ipinagbawal kamakailan lamang sa isang Eat All You Can sushi restaurant dahil sa pagkain nito ng aabot sa 100 plato ng pagkain, na ayon sa may-ari ay hindi normal at hindi mabuti sa kanyang negosyo.
Ang 30 year old na si Bobrowski, isang software engineer, ay nagta-train sa Ironman Triathlons ay may special na diet kung saan siya ay hindi kumakain ng kahit ano sa loob ng 20 oras. Kaya matapos nito ay kumakain siya hanggang sa siya ay mabusog.
Kamakailan lang si Jaroslav kasama ng kanyang girlfriend ay nagtungo sa Running Sushi all you can eat restaurant sa Landshut, Bavaria kung saan binayaran niya ang fix price na €15.9. Umabot sa 1 oras at kalahati ang kanyang paglamon ng sushi na nasa mga 100 plato. Kinakaunan ay hindi na kinuha ng mga waiter ang mga plato at ng siya ay matapos na sa pagkain ay sinabihan siyang huwag ng bumalik sa naturang restaurant.
Regular na customer ng Running Sushi si Jaroslav at alam ng mga staff at may-ari kung gaano siya kalakas kumain pero matapos ang huli nitong pagbisita kung saan sobrang dami na talaga ang kinain nito ay napagdesisyonan ng may-ari na ayaw na niya itong maging customer. Ang average na tao ay nakakaubos ng 20-25 na plato ng sushi, kaya ang 100 plato na naubos ni Jaroslav ay hindi talaga mabuti sa negosyo.
Ayon sa staff ng restaurant hindi normal ang umubos ng 100 plato na sushi. Ayaw man nila itong paalisin, ngunit kinakailangan dahil mauubos at wala nang matitirang pagkain para sa ibang customer.
Nagulat sa ginawang pag-ban ang Ironman triathlete kaya nagreklamo ito gamit ang internet kung saan may mataas na review ang Running Sushi. Matapos mabasa ng may-ari ang reklamo ni Jaroslav ay sinagot niya ito.
Dear Mr Jaroslav, kami ay humihingi ng paumanhin sa pag-ban namin na ikaw ay bumalik sa restaurant, ngunit ikaw ay kumakain ng para sa 4 o 5 katao.
Si Jaroslav ay may tangkad na 172 cm at timbang na 79kg, ay nalungkot sa pag-ban sa kanya pero ngayon ay pinagtatawanan na niya ang kanyang sarili. Naging viral ang kanyang kwento sa Germany at ang kanyang mga kapwa athlete ay binabati siya sa kanyang achievement. Dahil ang ma-ban sa isang Eat All You Can Restaurant sa sobrang dami ng pagkain ay hindi nagagawa ng karamihan sa atin.
Friday, November 23, 2018
Anaya Ellick ang batang walang kamay na nanalo sa handwriting contest
Anaya Ellick ang batang walag kamay na nanalo sa handwriting contes
Si Anaya ay mula sa Chesapeake, Virginia na nanalo ng 2 national awards para sa kanyang pambihirang kakayahan sa sulat-kamay. Pambira ang batang ito dahil sa ipinanganak siya nang walang mga kamay.
Noong Abril 26,ang 9-anyos na si Anaya Ellick ang nanalo ng 2018 Nicholas Maxim Award, bahagi ng 2018 Zaner-Bloser National Handwriting Contest. Kinikilala ng award ang mga espesyal na mga mag-aaral na naging eksperto sa pagsulat-kamay.
Si Ellick ay ipinanganak na walang mga kamay sa alinman sa kanyang mga braso at hindi gumagamit ng prosthetics, ayon sa balita mula sa paligsahan. Sa halip, natutunan niya na humawak ng isang lapis sa pagitan ng kanyang mga braso upang gumuhit at magsulat.
Ito na ang pangalawang beses na siya ay nanalo sa ganitong paligsahan.
Ang mg katulad na Anaya ay isang inspirasyon para sa ating lahat.
Ang Gintong Capsule na Magbibigay sayo ng Gintong Tae
Ang Gintong Capsule na Magbibigay sayo ng Gintong Tae
Gusto mo bang tumae ng ginto? Lamunin mo lang ang capsule na ito at ang pangarap mong makatae ng ginto ay magkakatotoo. Ang produktong ito ay totoo at hindi gawa-gawa lamang. Ang capsule na ito ay nakakahalaga ng $425 (mahigit P12000) ay puno ng 24-karat na dahon ng ginto na inilubog sa ginto.
Ito ay mula kay Tobias Wong at ng Ju$tAnother Rich Kid.Ang kanilang naging inspirasyon sa paglikha nito ay ang "mga taong nasa kanila na ang lahat".
Gusto mo bang tumae ng ginto? Lamunin mo lang ang capsule na ito at ang pangarap mong makatae ng ginto ay magkakatotoo. Ang produktong ito ay totoo at hindi gawa-gawa lamang. Ang capsule na ito ay nakakahalaga ng $425 (mahigit P12000) ay puno ng 24-karat na dahon ng ginto na inilubog sa ginto.
Ito ay mula kay Tobias Wong at ng Ju$tAnother Rich Kid.Ang kanilang naging inspirasyon sa paglikha nito ay ang "mga taong nasa kanila na ang lahat".
Wednesday, November 21, 2018
Panoorin: MayMay Entrata Rumampa sa Dubai Arab Fashion Week
Panoorin: MayMay Entrata Rumampa sa Dubai Arab Fashion Week
Malayo na nga ang narating ng PBB Winner na si MayMay Entrata matapos itong manalo sa nasabing reality show. Tinangkilik ng marami ang pagpasok nito sa showbiz kabilang na ang loveteam nitong Mayward. Ngayong linggo lang ay lumipad patungong Dubai si Maymay para sa kanyang international catwalk debut.
Siya ang napiling fashion muse ng bantog na designer na si Furne One, sa Amato Couture Fashion Show kung saan mga international models ang makikita mong nagsusuot sa kanyang mga nilikha.
Kabilang sa audience ang kaloveteam ni Maymay na si Edward Barber at ang kapatid nitong si Laura.
Ilan sa mga international superstar na sina Beyonce, Ariana Grande, Britney Spears, Jennifer Lopez, Katy Perry at Nicki Minaj ay nakapagsuot na ng likha ng Dubai based designer.
Malayo na nga ang narating ng PBB Winner na si MayMay Entrata matapos itong manalo sa nasabing reality show. Tinangkilik ng marami ang pagpasok nito sa showbiz kabilang na ang loveteam nitong Mayward. Ngayong linggo lang ay lumipad patungong Dubai si Maymay para sa kanyang international catwalk debut.
Siya ang napiling fashion muse ng bantog na designer na si Furne One, sa Amato Couture Fashion Show kung saan mga international models ang makikita mong nagsusuot sa kanyang mga nilikha.
Kabilang sa audience ang kaloveteam ni Maymay na si Edward Barber at ang kapatid nitong si Laura.
Ilan sa mga international superstar na sina Beyonce, Ariana Grande, Britney Spears, Jennifer Lopez, Katy Perry at Nicki Minaj ay nakapagsuot na ng likha ng Dubai based designer.
Thursday, November 8, 2018
Panoorin: Mga Nagagandahang Ice Hotels
Panoorin: Mga Ice Hotel
HΓ΄tel de Glace, Canada
The SnowCastle of Kemi, Finland
Hotel Kakslauttanen, Finland
Hotel of Ice, Romania
Snow Village, Finland
IceHotel, Sweden
Sorrisniva Igloo Hotel, Norway
HΓ΄tel de Glace, Canada
The SnowCastle of Kemi, Finland
Hotel Kakslauttanen, Finland
Hotel of Ice, Romania
Snow Village, Finland
IceHotel, Sweden
Sorrisniva Igloo Hotel, Norway
Wednesday, October 31, 2018
Panoorin: Sea Cucumber o ang tinatawag nilang Headless Chicken Monster
Panoorin: Sea Cucumber o ang tinatawag nilang Headless Chicken Monster
Wednesday, October 24, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)