Thursday, October 1, 2020

Mga Artista sa Korea na may Paulit-ulit na Similarity sa Role


Yoo In-na
Marami na akong napanood na drama ni In-na at nagtataka talaga ako kung bakit laging artista o celebrity ang role niya. Iba-iba naman ang ugali ng character, siguro artistahin lang talaga ang dating ni In-na kaya siya ang kinukuha kapag may ganitong role sa drama.



The Greatest Love
Bilang si Kang Se-ri na ex-idol at popular tv show host


Queen In-hyun's Man
Bilang Choi Hee-jin isang struggling actress na naghihintay ng big break


My Love From the Star
Bilang Yoo Se-mi ang laging supporting actress sa bestfriend at bida na si Song-yi


Touch Your Heart

Bilang Oh Jin-shim isang top star na nasangkot sa scandal





Lee Min Ho
Palagi na lang mayaman ang role ni Lee Min Ho, kailan ko kaya siya makikita bilang waiter o simpleng trabahador lang sa isang drama.

Boys Over Flowers
Bilang Gu Jun-pyo ang leader ng F4 at tagapag-mana ng Shinhwa Group, na na-inlove kay Jandi ang poor girl sa school nila 


The Heirs
Bilang Kim Tan isang rich kid na na-inlove sa anak ng katulong nila





Park Shin-hye
Laging kawawa at iyakin ang role ni Shin-hye at palagi ko talaga siyang nakikitang umiiyak ng patago sa drama yung sinasarili ang nararamdaman at umiiyak na lang ha.


You're Beautiful
Bilang Ko Mi-nyeo na nagpanggap bilang kakambal niya at sumali sa banda at dahil sa pagpapanggap nito ay palagi itong umiiyak lalo at hindi niya ma-express ang feelings sa kaband-mate niya dahil nga bawal kasi lalaki siya dapat


Flower Boy Next Door
Bilang Go Dok-mi isang modern day Rapunzel na takot lumabas at makipagkilala sa mga tao

The Heirs
Bilang Cha Eun-sang anak ng katulong na pinag-aral ng amo sa prestigious school na pag-aari nito.





Hwang Jung Eum

Unang kong nakita ang Kill Me Heal Me dati at after nito ay pinanood ko ang She wa Pretty at nakita ko na pareho lang yung atake niya sa comedic scenes dito. Kilala siya sa mga roles na quirky, funny at over the top. Pero tuwang tuwa naman ako sa She was Pretty, si Park Seo Joon kasi mukhang king of chemistry kasi lahat ng drama niya na napanood ko bagay na bagay sila ng partner niya. 


Kill Me Heal Me

Bilang Oh Ri-jin, isang psychiatrist na naging private doctor ng isang dissociative identity disorder patient


She was Pretty
Bilang Kim Hye-jin, dating maganda at mayaman na nagbago ang hitsura at katayuan sa buhay.






Bae Suzy
Kung si Shin-hye ay iyakin si Suzy naman ay maldita at palaban ang kadalasan na ginagampanan.


Dream High

Bilang Go Hye-mi, ito ang first drama ni Suzy at lead role agad ang nakuha niya, super maldita niya dito.



Big
Bilang Jang Ma-ri, rich, spoilesd, fashionista na may unrequited love sa kaibigan.



While You Were Sleeping
Bilang Nam Hong-joo, isang journalist at field reporter na may abilidad na makita ang future sa pamamagitan ng kanyang panaginip. Palaban at malakas ang loob kaya laging nalalagay sa peligro ang buhay.




View this post on Instagram


A post shared by Lee Jong Suk (이종석) fan page (@lee_jongsukiee) on


Lee Jong Suk

Madami na akong napanood na drama ni Jong Suk at pansin ko rin na yung role niya laging may trahedyang nangyari sa tatay o family niya.


I Can Hear Your Voice
Bilang Park Soo-ha, naririnig niya ang iniisip ng tao at nakita niya na pinatay ang papa niya sa labas ng sasakyan nila. Nagkagusto siya dito sa witness ng trial ng papa niya.


Doctor Stranger
Bilang Park Hoon, pinilit ang papa niya na isang doktor na dalahin sa North upang operahan ang leader doon. Mula noon ay nanatili na sila doon. Napatay rin ang papa niya ng mabaril ito, nagsakripisyo ito upang makatakas siya. Marami pa siyang conspiracy na nalaman kung bakit ang papa niya ang napili na ipadala sa North.


Pinocchio
Bilang Choi Dal-po/kim Ha-myung, isang news naman ang sumira sa image ng namatay sa serbisyo na tatay niya ang nangyari sa kanya dito. Dahil din dito kaya nasira ang pamilya niya at nagkahiwalay sila ng kanyang kapatid.


While You Were Sleeping
Bilang Jung Jae-chan, isang pulis naman ang tatay niya dito na napatay ng isang AWOL na sundalo.


W
Bilang Kang Chul, isang character sa comic at naging wanted at suspect sa pagkamatay ng kanyang family.




Tuesday, September 29, 2020

Tingnan: Bagong Bahay ni John Legend at Chrissy Teigen na Nabili sa Halagang $17.5 Million


Si John Legend at ang wife nitong si Chrissy Teigen ay bumili ng bagong mansion sa Beverly Hills sa halagang $17.5 Million.

10700 square meters ang laki nito


May isang ortal double sided fireplace malapit sa romantic formal dining room
Nagtatampok ang open-air na kusina ng isang napapanahong disenyo at isang over-sized eat in island. Ang mahogany-accented cocktail lounge na tumatanaw sa al fresco outdoor barbecue space.
Custom Built ng JC Builders, ito ay may isang makinis, napapanahon na disenyo na may marmol, mga detalye ng kahoy, at matayog na 24-talampakan na kisame.
May anim na silid-tulugan at siyam na banyo. Ang isang curved driveway ay humahantong sa isang 6,600-square-foot na naka-landscape motor court. 


Kasama sa amenities ang temperature-controlled wine cellar, at isang 500-square-talampakang theater sa bahay na may 145-inch Dragonfly projection screen at built speakers. Ang malawak na exterior terrace ay na-highlight ng isang 100-talampakan na infinity saltwater pool na may Baja shelf, verdant lawn, pool house, at sunken sunset fire pit. 



Kasama sa mga banyo ang mga LED anti-steam electric mirror, commercial-grade steam showers, at automated toilets. Tatlong powder rooms ay may integrate stone sinks at LED mirrors.

Monday, September 28, 2020

Daga Binigyan ng Animal Hero Award Bilang Taga-Singhot ng Landmine


 


Isang daga ang pinarangalan sa unang pagkakataon ng British charity’s top civilian award dahil sa katapangan ng hayop, sa paghahanap ng hindi pa sumasabog na mga landmine sa Cambodia.

Si Magawa, isang giant pouched-rat ay ginawaran ng PDSA's Gold Medal sa kanyang kagitingan at debosyon matapos matuklasan ang 39 na mga landmine at 28 mga item sa nagdaang pitong taon, ayon sa charity.


Una nang kilala bilang People's Dispensary for Sick Animals, ang PDSA ay nagsimula bilang isang libreng veterinary clinic noong 1917 at pinarangalan ang mga heroic na hayop mula pa noong 1943. 

Si Magawa ay sinanay ng isang samahang Belgian na 20 years ng nagtuturo sa mga daga upang makahanap ng mga landmine. Ang pangkat na APOPO, ay nakikipagtulungan sa mga programa sa Cambodia, Angola, Zimbabwe at Mozambique upang linisin ang milyun-milyong mga mina na naiwan mula sa mga giyera at hidwaan. 

Si Magawa ang pinaka-matagumpay na daga sa pangkat, na na-clear ang higit sa 141,000 square meters na lupa, na katumbas ng ilang 20 soccer soccer.
Inilarawan ng APOPO chief executive na si Christophe Cox ang medalya ni Magawa bilang isang malaking karangalan "para sa aming mga trainer ng hayop."
"Ngunit malaki rin ito para sa mga tao sa Cambodia, at lahat ng mga tao sa buong mundo na naghihirap mula sa mga landmine," sabi ni Cox.
"Ang gantimpala ng PDSA Gold Medal ay nagbigay daan na mapansin ng buong mundo ang problema sa landmine. 

Mahigit sa 60 milyong katao sa 59 na bansa ang patuloy na nanganganib sa mga landmine na hindi pa sumasabog, ayon sa APOPO. Noong 2018, ang mga landmine at iba pang labi ng digmaan ay pumatay o sumugat sa 6,897 katao, sinabi ng grupo. 

Maramin namang mga daga ang pwede i-tain para mag-detect, pumapayag sila kapag binibigyan ng pagkain bilang reward, ngunit mas gusto ng APOPO ang mga African pouched-rat bilang pinakaangkop sa landmine clearance dahil sa kanilang African origins at life-span na 8 years. 

Ang kanilang size ang rason kaya sila malayang nakakalakad sa mga bukid ng minahan nang hindi natri-trigger ang mga pasabog-at mas mabilis silang gumalaw kesa sa mga tao. 

Ang Medalyang Ginto ng PDSA ay iginawad mula pa noong 2002 upang makilala ang katapangan at pambihirang debosyon ng mga hayop sa civilian service.
Ito ay animal equivalents sa George Cross, isang dekorasyon para sa kabayanihan. 

Bago pa si Magawa, ang ibang nakatanggap na ng award na ito ay mga aso.
Ginawad din ng PDSA ang Dickin Medal para sa serbisyo militar sa 34 na mga aso, 32 mga kalapati, apat na mga kabayo at isang pusa mula nang nilikha ito noong 1943.