Wednesday, July 15, 2020

Mga Arts at Decors na Gawa sa Beads, Butones at Pins

Mga Arts at Decors na Gawa sa Beads








Ang Korean artist na si Ran Hwang ay lumilikha ng mga arts at decors gamit ang mga beads, butones at pins. Kamangha-mangha ang mga likha niya kung masisilayan mo mapalapitan man o sa malayuan.












































Dolce Hanoi Golden Lake Hotel Ang Pinaka-Unang Gold Plated na Hotel

Dolce Hanoi Golden Lake Hotel Ang Pinaka-Unang Gold Plated na Hotel







Ang Dolce Hanoi Golden Lake hotel ang pinakaunang gold plated na hotel ay nagbukas sa Hanoi noong July 2, 2020. Meron itong gold plated infinity pool sa rooftop. Meron itong 400 rooms at 25 storey ang taas.








Imperial classic style ang banyo at may 24k gold plated na mga appliances.









































Tuesday, July 14, 2020

Bata ibinitin sa Bangin Para Kuhanan ng Picture







Isang nakakagulat na video ang nagtrending at nagpapakita kung ano ang kayang gawin ng ibang mga magulang para lang magkaroon ng unique na picture ang kanilang mga anak.



Ang pangyayaring ito ay naganap sa Hongjing Road ng Beijing.

Makikita mo sa palibot na ang iba ay umuupo habang nakaharap ang mga paa sa bangin ngunit isang pamilya ang naglevel up at ibinitin ang bata sa bangin na hawak lamang ang mga kamay nito.

Ayon sa nagvideo kitang kita daw niya na nanginginig ang kamay ng bata.

Ikinagulat at ikinagalit ito ng mga nakakita sa video.

Maraming mga rooftoppers at daredevils ang gumagawa ng ganitong delikadong mga gawain pero ang makakita ng isang bata na ginagawa ito para lamang sa isang picture ay ibang level na ng katangahan at pagsawalang bahala sa seguridad.

Foodpanda Driver Nahuling Ininom ang Order ng Customer







Huli sa cctv ng elevator ang Foodpanda (Taiwan) driver/delivery man na ininuman ang drinks na dala nito para sa customer. Ayon sa nagpost para sa boyfriend daw niya ang inorder na inumin. Nakita daw ang surveillance ng cctv ng building administrator ngunit naubos na daw ng kanyang boyfriend ang inumin bago nila napag-alaman ang insidente.



Ayon sa nagpost, ang ganitong gawain ay hindi katanggap-tanggap lalo na at may epidemic kahit na ito ay nauuhaw pa.

Ayon na man sa mga netizens sinira daw ng lalaki ang tiwala ng mga customers at wala daw itong professional ethics.

Nawalan daw sila ng gana ng mag-order at magpadeliver pa ng drinks. Sa susunod ay kinakailangan na may seal talaga ang inumin at hindi pwede yung takip lang.

Ayon sa Foodpanda ay nakontak na daw nila ang naturang driver at tinanggal sa trabaho sa paglabag sa kanilang terms of service.

Isang netizen naman ang nagsabi na baka raw sa driver talaga ang drinks na ininuman niya pero malinaw sa cctv na ang mismong bitbit nito na ininuman niya ang mismo ring ibinigay sa kanila.

Ayon sa nagpost (biktima) ay kahit ganito ang nangyari sa kanila ay hindi naman daw tama na lahatin at pagbintangan o paghinalaan ang ibang delivery man.





Wednesday, July 8, 2020

Groom Patay sa Covid19 Matapos Ikasal

Groom Patay sa Covid19 Matapos Ikasal




Nagsagawa ang mga opisyal sa India ng imbestigasyon sa naganap na kasalan na binansagang superspreader event pagkatapos ng higit sa 100 na mga bisita sa kasal ang nagpositibo sa coronavirus.





May sakit na daw ang groom ng ikasal ito at matapos ang ilang araw ay namatay na.

Mahigit na 300 na bisita ang dumalo sa kasalan na naganap noong kalagitnaan ng June.

Ang groom na software engineer at nakatira malapit sa New Delhi ay umuwi sa kanila para maghanda sa gagawing seremonya ay nakapagsabi sa kanyang mga kaibigan na magiging memorable daw ang kanyang kasal na tatawaging corona marriage.

Ayon sa isang kamag-anak hindi pa man daw sila ikinasal ay lagi na daw nagsusuka ang groom at sinasabing masakit ang kanyang ulo.

Dinala daw ito sa ospital pero hindi daw nagpatest sa coronavirus at gusto daw kasi ng pamilya nito na matuloy na ang kasal.

Mga ilang araw lang matapos ang kasal ay lumabas ang balita na namatay na daw ang groom na posibleng may covid19 at na-cremate na.

Pinabulaanan ng ama ng groom na maysakit na ang anak bago pa man ito ikasal pero ayon sa kanya ilang miyembro ng kanyang pamilya at pati na siya ay nagpositibo sa coronavirus.

Negative naman daw ang resulta sa bride pero mga 100 sa mga bisita sa kasal ang nag-positibo.

Ayon sa iba ang kasal daw ay parang pilit na mass suicide dahil tila alam na ng groom na maysakit na siya pero hindi pa rin nito ipinaalam sa mga bisita at ipinagpatuloy ang kasal.

Malala ang covid19 sa India at mahigit half-million na ang infected dito at mahigit 20,000 na ang patay sa kasalukuyan at patuloy pa itong nadadagdagan.