Luis Manzano ituturo and sikreto para maging gwapo
Umandar na naman ang kakwelahan ni Luis Manzano at sinali pa si Piolo Pascual. Napakalakas talaga ng sense of humor nitong si Manzano. Di bale Luis gwapo ka rin naman yun nga lang ay mas gwapo pa rin si Piolo....
Pulbos na Johnson & Johnson Baby Powder Sanhi ng Ovarian Cancer
Isang hurado sa California noong Lunes ang nag-utos sa Johnson & Johnson na magbayad ng $417 million sa isang babae na sinasabing nagkaroon ng ovarian cancer matapos gumamit ng Johnson's Baby Powder na produkto.
Si Eva Echeverria ay nanalo sa kaso laban sa Johnson & Johnson dahil sa wala itong sapat na babala para sa mga mamimili sa panganib ng kanser na pwedeng idulot ng talc-based nilang produkto.
"Nagpapasalamat kami sa hatol ng hurado tungkol sa bagay na ito," sabi ni Mark Robinson, ang kanyang abugado.
Isa itong malaking pabigat sa kumpanya dahil 4,800 kaso pa na katulad nito ang hinarap ng Johnson & Johnson at damages na umabot sa $300 million ang kanilang kailangan din bayaran.
"Mag-apela kami sa hatol ngayon dahil kami ay ginagabayan ng agham, na sumusuporta sa kaligtasan ng Baby Powder ng Johnson," sabi ni J & J.
Ang 63-taong-gulang na si Echeverria ay sinasabing nagkadevelop ng terminal ovarian cancer matapos ang ilang dekadang paggamit ng J&J's products. Pinangatawanan ng kanyang abogado na ang Johnson & Johnson ay naghihimok sa mga kababaihan na gamitin ang mga produkto nito sa kabila ng kaalaman base sa pag-aaral na ang paggamit ng talc sa genital ay nagiging sanhi ng ovarian cancer.
Sinabi ng mga abogado ng J & J na ang mga pag-aaral at mga ahensya ng pederal ay hindi natagpuan na ang mga produkto ng talc ay carcinogenic.
Ito na ang panglima na parehong kaso na hinarap ng Johnson & Johnson na kung saan sila ay natalo sa 4 pa na kaso.
Ang nasabing pelikula ay hango sa patok na librong Crazy Rich Asians na isinulat ni Kevin Kwan. Umiikot ang kwento sa isang Chinese-American na dinala ng kanyang Singaporean super-rich boyfriend upang dumalo sa isang kasalan. At doon makikilala ni Rachel ang suer rich na pamilya nito.
Kabilang sa cast ng pelikula si Constance Wu na siyang gaganap na Rachel Chu, Henry Golding bilang Nick Young, Michelle Yeoh bilang Eleanor Young, Gemma Chan bilang Astrid Leong, Awkwafina bilang Goh Peik Lin, Sonoya Mizuno bilang Araminta Lee, Chris Pang bilang Colin Khoo, Remy Hii bilang Alistair Cheng.
May panibagong kaso na naman na hinaharap ang aktor ng La Luna Sangre na si Richard Gutierrez. Ayon sa BIR ay pineke diumano ni Richard ang dokumentong isinumite nito kaugnay sa kanyang kasong tax evasion case noong April.
Ayon sa BIR ay ginawa umano ito ni Richard para makalusot sa kaso at makaiwas sa pagbayad ng responsibilidad.
Ang tax na ito ay base sa P39.51 million na hindi dineklara na kinita ng R Gutz Production ni Richard na nagproproduce at nagmamarket ng mga pelikula at palabas sa tv.
Umaabot sa P38.57 million ang suma total na kailangan bayaran ni Richard sa BIR.
Ayon sa abogado ni Richard na si Marie Glen Gardoque ay hindi pa raw natatanggap ng aktor ang kopya ng reklamo. Ang alam daw ng aktor ay original ang kanyang naipasa na dokumento. Sasagot daw ito pag natanggap na ang naturang reklamo.
Kasong Rape ni Noven Belleza ginawang sexual assault
Nakauwi na ang Tawag ng Tanghalan Grand Champion Noven Belleza matapos ang 3 gabi nito sa kustodiya ng mga pulis. Mula sa kasong rape ay ibinaba ito ng Cebu City Prosecutor’s Office sa kasong sexual assault.
Sa kasong sexual assault maaring magpiyansa ang nasasakdal. Si Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang nagdesisyon na sexual assault ang nararapat na isampa kay Noven base sa mga ebidensiya na inilatag sa kanya. Nasa halagang P120000 ang piyansa.
Ayon sa abogado ni Belleza na si na si Leilani Villarino, ang rape complaint ay maaari lamang gamitin kung ipinasok ang ari ng lalaki sa babae ng sapilitan.
Sasagutin daw nila sa korte ang mga paratang sa kanyang kliyente. Ang importante raw ay makapiyansa si Belleza. Ang korte na daw ang bahalang humatol kung guilty ba ito o inosente.
Si Belleza ay isang magsasaka mula sa Negros Occidental. Naging Grand Champion ito sa Tawag ng Tanghalan na singing contest ng It's Showtime.
Noong Sabado, kasama si Belleza bilang guest performer sa concert ni Vice Ganda na "Pusuan Mo si Vice Ganda" na ginanap sa IEC Pavilion in Barangay Mabolo, Cebu City.
Bandang alas 11 ng gabi, matapos ang concert ay inaresto ang 22 anyos na singer dahil sa reklamo ng isang 19 anyos na babae na kapwa niya contestant sa Tanghalan.
Minolestiya diumano ni Belleza ang babae bandang 2:00 pm noong sabado July 15 sa isang condominium sa Barangay Lahug kung saan naka-book ang singer.
Sinabi ng babae na ipinasok ni Belleza ang daliri nito sa kanyang ari.
Matapos ang 14 hours mula sa pagkakaaresto ay nagreklamo si Belleza ng pananakit ng dibdib kaya siya dinala sa isang hospital sa Banilad Cebu City sa ilalim ng superbisyon ng mga otoridad.
Base sa imbestigasyon, magkakilala si Belleza at ang biktima at sila ay magtext-mates pa.
Nakita ng isang mangingisda ang bangkay ng babae na palutang-lutang sa tubig, sa Barangay Maravilla, Tabuelan Cebu, bandang 1:30 Sabado ng hapon July 1.
Dinala kaagad ng mangingisda ang bangkay sa Escalante City Negros Occidental kinahapunan.
Ayon sa imbestigasyon, ang naagnas na hubad na katawan ng bangkay ay nakabalot sa isang fishing net.
Inaalam pa ng mga kapulisan sa Central Visayas kung ang bangkay ay si Bien Unido Mayor Gisela Boniel, na pinaniniwalaang kinidnap at pinatay ng sarili nitong asawa na si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel.
Inamin ng pinsang-buo ni Niño Rey na si Etad Boniel noong June 8, na binaril at napatay ang mayor ng kanyang asawa.
Sinabi ni Etad na binalot ng fishing net ang katawan ni Gisela at nilagyan ng 2 bato na may bigat na 30 kilos bago itinapon sa dagat ng Caubian Island Lapu-Lapu City.
Narinig ni Tess (8 na taon) ang pag-uusap ng kanyang ama at ina tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Andrew. Alam niyang may malubha itong sakit at wala na silang pera para panggastos sa medikasyon nito. Sa katunayan ay mapipilitan na silang lumipat sa isang maliit na apartment dahil hindi na nila kaya ang bayarin sa bahay at sa mga gamot. Isang napakamahal na operasyon lamang ang makakapagligtas sa kanyang kapatid at wala na silang makuhaan ng pera para dito. Narinig niya ang sabi ng lumuluhang ina niya sa kanyang ama na isang milagro na lang ang makakapaligtas kay Andrew. Pumasok si Tess sa kanyang kuwarto at kinuha ang isang garapon na nakatago sa kanyang cabinet. Ibinuhos niya ang lahat ng laman nito at masinsinang binilang ng tatlong beses pa. Hindi siya dapat magkamali. Pagkatapos ay maayos niyang ibinalik ang pera sa garapon at lumabas ng bahay. Ika-6 na bloke mula sa kanilang bahay ay may isang pharmacy at doon ang lugar na tinungo ni Tess. Hinintay niyang maigi na pansinin siya ng pharmacist ngunit abala ito. Pinagalaw niya ang paa para makalikha ng ingay pero wala pa rin.Lumunok siya na may kasamang tunog pero wala pa rin. Sa wakas, kumuha na siya ng barya mula sa kanyang garapon at pinukpok ang salamin sa counter ng pharmacy. Pharmacist: at ano ang kailangan mo? kinakausap ko ang kapatid ko na matagal ko ng hindi nakikita Tess: gusto rin kitang makausap tungkol sa kapatid ko malubha siya, napakalubha niya at gusto kong bumili ng milagro Pharmacist: pakiulit nga ang sinabi mo Tess: ang pangalan niya ay Andrew at may masamang tumubo sa ulo niya at ang sabi ni Papa ay milagro na lang ang makakapagligtas sa kanya. So magkano ba ang halaga ng milagro? Pharmacist: Hindi kami nagbebenta ng milagro dito bata. Sorry pero hindi kita matutulungan. Makinig ka, may pera ako para bayaran ang pagpapagamot niya. Kung kulang pa sabihin mo lang kung magkano ang gagastusin ninyo. Lumapit ang kapatid ng pharmacist kay Tess. Kapatid: ano bang klaseng milagro ang kailangan ng kapatid mo? Tess: hindi ko alam ang alam ko ay may sakit siya at kailangan niyang maoperahan pero hindi kaya ni Papa ang gastos sa operasyon kaya gagamitin ko sana itong pera ko Kapatid: magkano ang dala mo Tess: 50 pesos ito lang talaga ang pera ko pero pwede ko pa itong dagdagan Kapatid: ang pagkakataon nga naman 50 pesos ang tamang halaga para sa milagrong kinakailangan ng iyong kapatid Kinuha niya ang pera ni Tess. Kapatid: dalahin mo ako kung saan ka nakatira gusto kong makita ang kapatid mo at makausap ang mga magulang mo tingnan natin kung kaya ko bang ibigay ang milagrong kinakailangan mo Ang kapatid ng pharmacist ay isang surgeon mula sa Chicago, ito ay isa neurosurgery specialist. Naisagawa ang operasyon ng libre at di kalaunan ay naging maayos na ang lagay ni Andrew at nakauwi na ito sa bahay. Masayang-masaya ang Mama at Papa ni Tess sa mga pangyayari at pinag-usapan nila ang swerteng naganap. Mama ni Tess: isang milagro ang nangyaring operasyon na ito magkano kaya ang totoong halaga ng operasyon Ngumiti lamang si Tess. Alam niya ang halaga ng milagro. 50 pesos at ang pananampalataya ng isang bata.