Thursday, April 7, 2022
Lalaki Arestado Matapos Makipag-away Dahil sa Lamok
Isang lalaking taga-Texas ang inaresto noong unang bahagi ng linggo dahil sa marahas na pagbugbog sa kanyang kasama sa silid sa panahon ng pagtatalo sa gabi dahil sa hitsura ng isang lamok.
Nahaharap si Victor Symone Shavers, 43, sa kasong aggravated assault at nanatili sa kulungan ng Dallas County noong Huwebes kasunod ng madugong awayan.
Si Shavers at ang kanyang roommate ay parehong nabugbog at duguan nang dumating ang Dallas Police sa kanilang bahay sa Dallas, Texas sa 1500 block ng Cape Cod Drive, malapit sa East Kiest Boulevard at South Lancaster Road noong Linggo.
Ayon sa roommate ni Shavers, na sumalubong sa mga pulis sa labas ng bahay nang dumating sila mga 2:45 a.m.,ay nagsabi na ang pagtatalo nila tungkol sa itsura ng lamok ay nauwi sa matinding pagtatalo at sakitan, iniulat ng Dallas Morning News na binanggit ang affidavit ng pag-aresto.
Ang roommate, na duguan pa rin ang mukha mula sa away, ay nagsabing kumuha si Shavers ng isang stick mula sa likod ng kanyang kama at sinimulang hampasin siya sa ulo. Sinabi niya na sinaktan siya ni Shavers ng hindi bababa sa anim na beses, ayon sa affidavit.
Ang roommate ay kinuha ang kanyang metal bat sa kanyang aparador at hinampas ng maraming beses sa ulo si Shavers.
Natagpuan ng pulisya si Shavers na nakaupo sa kanyang kama na may dugo sa kanyang ulo at kamay, ayon sa affidavit.
Parehong sugatan sa labanan si Shavers at ang kanyang roommate.
Ang roommate ay nagkaroon ng malalalim na hiwa sa kaliwang pisngi at gilid ng kanyang ulo - na nangangailangan ng maraming tahi. May hiwa si Shavers sa likod ng ulo at posibleng bali ang kamay.
Inamin ni Shavers na unang natamaan ang kanyang kasama sa bahay, nakasaad sa affidavit. Siya ay dinala sa kustodiya at sinampahan ng aggravated assault.
Si Shavers ay nanatili sa kustodiya noong Huwebes sa kulungan ng Dallas County na may $28,000 o mahigit P1.4 million na piyansa.
May kaso din siya na isang misdemeanor count ng family-violence assault na nagmula sa insidente noong Hunyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment