Sa Bisperas ng Bagong Taon, kapag sumabog ang mga fireworks sa mga lungsod at bayan, ay sinsadya talaga na malakas ang pagsabog nito. Ayon sa mga manufacturer, ang mga flashy fireworks ay ginawa talaga upang magmukhang nahati ang kapaligiran. Ang mga pasabog na "Repeater" ay maaaring pinakamalakas lalo na kapag sumabog malapit sa lupa.
Ang mga problema din, ay maaaring pumasok sa ating puso, isip, at tahanan. Ang "paputok" ng buhay — pakikibaka ng pamilya, mga problema sa relasyon, hamon sa trabaho, kapos sa pananalapi, maging ang paghati sa simbahan — ay maaaring makaramdam ng pagsabog, na nagpapalakas sa ating emosyonal na kapaligiran.
Gayunpaman alam natin na may Isang makapangyarihan na binubuhat tayo sa kaguluhan na ito. Si Cristo Mismo "ang ating kapayapaan," isinulat ni Paul sa Efeso 2:14. Kapag nanatili tayo sa Kanyang presensya, ang Kanyang kapayapaan ay mas malaki kaysa sa anumang pagkagambala, na nagpapatahimik ng ingay ng anumang pag-aalala, sakit, o pagkakawatak-watak.
Ito ay magiging malakas na katiyakan sa mga Judio at Gentil. Nabuhay sila minsan "nang walang pag-asa at walang Diyos sa mundo" (v. 12). Nahaharap sila ngayon sa mga banta ng pag-uusig at panloob na banta ng paghati-hati. Ngunit kay Cristo, sila ay inilapit sa Kanya, at dahil ito sa Kanyang dugo. "Sapagkat siya mismo ang ating kapayapaan, na ginawang isa ang dalawang pangkat at sinira ang hadlang, ang naghahati na pader ng poot" (v. 14).
Sa pagsisimula natin ng isang bagong taon, na may mga banta ng kaguluhan at paghihiwalay na laging gumagalaw sa abot-tanaw, tumalikod tayo mula sa maingay na mga pagsubok sa buhay upang hanapin ang ating laging natirang Kapayapaan. Pinapawi niya ang mga pag-iingay, pinagagagaling tayo.
Panginoon, kapag ang mga fireworks sa buhay ko ay nagpapagulo sa akin, akayin Mo po ako at dahil sa kapayapaan.