Tuesday, December 8, 2020

Sa Loob ng Apoy

(Our Daily Bread - Jennifer Benson Schuldt)


Isang sunog sa Andilla, Spain, ang sumunog ng halos 50,000 ektarya ng kakahuyan. Gayunpaman, sa gitna ng pagkawasak, isang grupo ng halos 1,000 bright green cypress trees ang nanatiling nakatayo. Ang kakayahan ng mga puno na panatilihin ang tubig kung bakit natiis nila ang init ng apoy at nakaligtas dito.
Sa panahon ng paghahari ni King Nebuchadnezzar SA Babylon, isang maliit na grupo ng mga magkakaibigan ang nakaligtas sa apoy ng galit ng hari. Tumanggi sina Shadrach, Meshach, at Abednego na sumamba sa estatwa na nilikha ni Nebuchadnezzar , at sinabi nila sa kanya, "Kung ihagis kami sa nag-aapoy na hurno, ang Diyos na aming pinaglilingkuran ay magliligtas sa amin mula rito" (Daniel 3:17). Nagalit ang hari at pinainit ng mahigit 7 beses kesa orihinal ang hurno.
Ang mga sundalo na nagsagawa ng utos ng hari at itinapon ang mga magkaibigan sa apoy ay nasunog, subalit pinanood ng mga manonood sina Shadrach, Meshach, at Abednego na lumalakad sa loob ng apoy na "na hindi nasaktan at walang pinsala." Nakakita ang mga manonood ng ika-4 na tao sa hurno na pinapanood ang tatlong magkaibigan, ang taong ito ay mukhang anak ng Diyos. Maraming mga iskolar ang naniniwala na ito ay isang preincarnate na hitsura ni Jesus.
Si Jesus ay kasama natin kapag nahaharap tayo sa pananakot at mga pagsubok. Sa mga sandaling hinihimok tayo na sumuko sa pressure, hindi tayo dapat matakot. Maaaring hindi natin laging alam kung paano o kailan tayo tutulungan ng Diyos, ngunit alam nating kasama Niya tayo. Bibigyan Niya tayo ng lakas na manatiling tapat sa Kanya sa pamamagitan ng bawat "apoy" na tinitiis natin.
Mahal na Diyos, punan mo ako ng Iyong Espirito upang makapagtiyaga ako kapag naramdaman kong pinipilit akong sumuko. Nais kong magbigay pugay sa Inyo sa pamamagitan ng pagiging matatag.

No comments:

Post a Comment