Tuesday, April 28, 2020

Ashes of Love Chinese Drama Review

Ashes of Love Chinese Drama




Natapos ko na rin ang chinese drama na ito at very addicting lalo na sa mga earlier episodes. Pansin ko lang sa mga historical drama ng chinese eh sobrang haba at dami ng episodes marami kasi silang flashbacks. Nakakatawa pa minsan eto, gaya ng flashback nung kabataan ng former floral goddess, water immortal, wind immortal, heavenly emperor at empress, ang mga actors na ito ay pinagbibidahan ng mga nasa late forties o fifties na pero nung nagflashback sila nung kabataan nila ay same actors pa rin ang ginamit. Nakakatawa yung empress at yung kapatid ng emperor kasi nung nagflashback sila ay patweetums pa ang image ng empress pero same actress pa rin yung ginamit. Hindi talaga bagay tingnan kasi ang tatanda na nila ay nagpapatweetums pa, gumamit na lang sana sila ng mga bata-batang actors pang flashback.
Sa kalagitnaan ng drama ay medyo naging boring ito lalo na nung dumami ang problema nila parang kaumay na panoorin at lalo pa yung love story ni Luiying at Muci na hindi naman ako interesado kasi hindi sila bagay at hindi rin sila nakakakilig. Pansin ko pinakamaganda sa seryeng ito si Liuying kesa kina Jinmi at Suihe.




Mas maganda din si Suihe kesa kay Jinmi pero sobrang galing ni Yang Xi dito.





First time ko napanood si Yang Xi sa dramang ito kaya di ko madifferentiate yung ibang atake niya sa pag-arte depende sa role niya kaya di ko alam kung versatile ba siya pero sobrang galing niya dito at sobrang galing ng chemistry nila ni Xufeng (Deng Lun) sobrang bagay nila dito.



Mas gwapo rin si Runyu kesa kay Xufeng pero para sa akin ay wala siyang appeal unlike kay Xufeng na sobrang hot niya dito kaya naging crush at naging fan ako ni Deng Lun dahil sa dramang ito. Sobrang lakas ng sex appeal ni Xufeng dito para sa akin at ang galing niya rin sa acting.






Naiintindihan ko ang character ni Runyu dito at ang kung bakit siya naging masama. Nakakainis din si Xufeng kasi alam na niya na yung mama talaga niya ang kontrabida pero pilit niya pa rin pinagtatakpan well kasi mahal na mahal naman kasi siya ng mama niya. Kaya tama lang na namatay ang character ng mama niya dahil habang buhay ito ay hindi talaga deserved ni Xufeng si Jinmi kahit pa mahal na mahal niya ito dahil sa mga kasalanan ng mama niya. Lahat naman sila magaling dito at maganda ang drama sana nga lang walang masyadong flashbacks lalo na doon sa mga matatanda kasi nagiging boring ang show pag ganon. Happy naman ang ending ng show at okay na rin na mamuhay sila ng normal pero mas preferred ko yung glamorosong pamumuhay nila sa heavenly realm. Ang daming sawi sa pag-ibig dito ang empress na sawi sa emperor, ang emperor na sawi sa floral goddess, si Yanou na naging playboy dahil sa panloloko ni Suihe, si Lianqiao na nare-ject ni Yanyou, si Lianchao na pinagpalit ng empress sa emperor, si Luiying na namatayan ng asawa, si Runyu na na-reject ni Jinmi, si Kuanglu na may unrequited love kay Runyu at si Suihe na ikinabaliw at ikinamatay ang obsesyon kay Xufeng. Mami-miss ko ang tambalang Jinmi at Xufeng at dahil dito ay panonoorin ko na ang iba pa nilang drama at pelikula. Isa na ito sa mga unforgettable at favorite Asian dramas ko.



Diapers na Lumulusot ang Tae

Diapers na Lumulusot ang Tae




Since birth ng ikalawang anak ko ay pampers na ang ginagamit namin pero nagtataka talaga ako kung bakit tumatagos minsan ang tae niya dito. Hindi naman ganito ito dati sa first born ko pero yung gamit namin dati ay yung orange na pampers comfort. Pero hindi na kasi binebenta ang variety na to sa amin kaya di ko na siya mabili.



Kaya nagtry ako magswitch sa huggies pero ganon pa rin kumg tumatagos minsan sa pampers eh mas malala pa ang huggies dahil bawat tae niya tagos talaga. Dati gumamit din ako nito sa unang anak ko pero di naman ganito ito. So bumalik na lang ako sa pampers dry gusto ko nga magtry ng drypers kasi gamit ko din ito dati pero di ako makabili dahil laging ubos ang stock ng size na gusto ko. Isang mall lang kasi ang nakita kong nagbebenta ng drypers di ko makita ito sa ibang groceries. Hopefully makabili rin ako ng drypers para masubukan ko.



Never ko talaga naexperience dati and that was 15 years ago pa na lumusot ang tae kahit na minsan makatulogan ko at maovernight ang poo-poo ni baby ngayon kahit na ilang minutes lang ay tumatagos talaga kaya dumadami mga labahin ko. Kaya ginagawa ko pag napansin ko na tumatae siya ay change diaper agad ako.


Wednesday, April 22, 2020

Mga Mamahaling Gamit Pang-Exercise Hatid ng Louis Vuitton

Mga Mamahaling Gamit Pang-Exercise Hatid ng Louis Vuitton




A post shared by hayley0504 (@hayley05049) on

£1,730 o mahigit P100,000 ang dumbells na ito ay may bigat na 3kg










A post shared by hayley0504 (@hayley05049) on

Ang stylish na skipping rope na ito ay nagkakahalaga ng £425 o mahigit P20,000






A post shared by hayley0504 (@hayley05049) on

Ang Beach Bats na ito na nagkakahalaga ng £2,120 o mahigit P100,000 ay mainam gamitin kapag bakasyon at higit sa lahat maganda rin itong ipang-regalo sa mga taong sobrang yaman.






A post shared by hayley0504 (@hayley05049) on

Ang volleyball na ito ay nagkakahalaga ng £1,730 o mahigit P100,000. Hindi lang ito maaring gamitin sa laro kundi pwede rin isabot sa loob ng bahay kasama ang matching netted bag nito bilang pangdekorasyon.