Thursday, August 15, 2019

Panoorin: Binata Itinapon ang BMW na Kotse sa Ilog Dahil Gusto niya ng Jaguar

Panoorin: Binata Itinapon ang BMW na Kotse sa Ilog Dahil Gusto niya ng Jaguar









Hindi masaya ang isang teenager sa India matapos makatanggap ng BMW na kotse sa kanyang birthday. Ayon dito masyado raw maliit ang BMW at mas gusto niya ang Jaguar.

Ang teenager, na si Akash, ay nakatira sa Yamunanagar, estado ng Haryana sa hilagang India. Inisip ni Akash na ang Beemer ay napakaliit para sa kanya at sa kanyang mga kaibigan upang magliwaliw, kaya't napagpasyahan niya itong pa-langoyin sa ilog.

"Magsasagawa kami ng paunang pagsisiyasat ngunit tila ito ay isang pansariling bagay. Magpapatuloy tayo ayon sa batas," sabi ng pulisya.

"Nais kong bigyan ang aking anak ng regalo sa kaarawan. BMW lamang ang kaya ng aming budget, ngunit iginiit niya na bigyan siya ng isang Jaguar. Sinabi niya na ang sasakyan ay napakaliit ngunit naisip namin na magiging okay siya."

"Hindi namin inisip na gagawa siya ng ganito." -ayon sa ama ng binata...

No comments:

Post a Comment