Friday, March 22, 2019

Panoorin: Kris Aquino sinorpresa si Vice Ganda sa kanyang Birthday

Panoorin: Kris Aquino sinorpresa si Vice Ganda sa kanyang Birthday




Nasorpresa si Vice Ganda pagpasok sa kanyang kwarto ng makita ang mga balloons na paddala ni Kris at ng mga anak nito para sa kanyang birthday. First time daw itong nangyari sa kanya at talagang natuwa ang It's Showtime host sa ginawa ni Kris. Matapos umalis ni Kris sa bakuran ng ABS-CBN ay iniintriga na ang dalawa na natapos na rin daw ang kanilang friendship lalo pa at long time friend at bff ni Vice si Karla Estrada.
Matalik din kasi na kaibigan ni Karla ang asawa ni Herbert Bautista at dati ay nakisali na rin ito sa issue ni Kris at ni Herbert. Sinasabi ng ilan na mas kinampihan daw ni Vice si Karla dahil kaibigan na niya ito kahit nung mga panahon na hindi pa sila sikat at kapos pa sa buhay.
Sinabi naman ni Kris na hindi na talaga sila masyadong nagkikita ni Vice pero okay lang daw sa kanya basta ang alam niya mahal ni Vice si Bimby.

Si Vice Ganda ay magcecelebrate ng birthday niya ngayong March 31.

No comments:

Post a Comment