Beauty Queen Nagsampa ng Kaso Laban sa Miss World
Isang beauty queen ang nagsampa ng kaso laban sa UK-based Miss World contest matapos siyang i-ban sa pagsali dahil sa siya ay may anak na.
Si Miss Ukraine 2018 Veronika Didusenko ay tinaggalan ng kanyang titulo matapos ang 4 na araw dahil napag-alaman na siya ay diborsyada at may anak na nagngangalang Alex na ngayon ay 5 taong gulang na. Na-ban rin siya sa pagsali sa Miss World finals.
Ngayon ay naglunsad siya ng legal na aksyon sa London na nagsasabing ang mga organizers ay may paglabag sa Equalities Act 2010 at hiniling na baguhin nila ang kanilang mga 'outdated' na pamantayan sa pagpasok upang maipakita ang modernisasyon sa mundo.
Nangyari ito 2 linggo bago ang Miss World finals na gaganapin sa London.
Inakusahan ni Miss Didusenko ang mga nag-organisa ng diskriminasyon at pamamahiya sa publiko.
Ang Miss World, na nilikha noong 1951 ni Eric Morley ng UK, ay ang pinakamalaking beauty pageant.
Dati na nitong ipinagbawal ang mga ina o may-asawa na kababaihan at mula sa 118 na mga bansa na nagnanais sumali sa pageant ay kinakailangang pumirma upang kumpirmahin na nasusunod nila ang mga patakaran.
Ang international model na si Miss Didusenko ay inamin na mali ang pagpapahayag na qualified siya sa mga pamantayan ngunit ang mga Miss Ukraine chiefs daw ang nagsabi na sumali siya dahil sa siya ay high-profile.
Dagdag pa niya: ‘It was really humiliating when I was disqualified. I couldn’t believe they would do such a thing in this day and age.’
Nauna nang sinabi ng punong executive ng Miss World na si Julia Morley na ang mga patakaran ay nariyan upang maprotektahan ang kapakanan ng mga bata.