Babae Nakuhaan ng Uod sa Mukha
Isang 32-taong gulang na babae mula sa Russia ang nakuhaan ng buhay na uod mula sa kanyang mukha matapos pumunta sa doktor upang ipatingin ang isang palipat-lipat na bukol sa kanyang buong mukha at labi.
Noong una, ang bukol ay lumitaw sa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Pagkatapos ng limang araw, ang bukol ay lumipat sa takip-mata, sampung araw pagkatapos nito, lumipat ito sa kanyang itaas na labi at naging sanhi ng nakikita na pamamaga. Kinuhanan niya ng selfie ang palipat-lipat na bukol sa kanyang mukha.
Bukod sa pangangati at paghapdi ay wala naman siyang ibang sintomas. Pagkatapos ng 2 linggo ay nagpunta siya sa ophthalmologis upang magpasuri. Doon, siya ay tumanggap ng ilang hindi mabuting balita: Ang bukol sa kanyang mukha ay talagang gumagalaw, at kailangan itong alisin sa pamamagitan ng operasyon.
Nang dumating na ang panahon ng operasyon, hiniwa ang kanyang balat at doon nakita at hinila ang isang mahaba at puting uod.
Ang pagsusuri ay nagpahayag na ito ay Dirofilaria repens - isang parasitic infection. Sa kabutihang palad, nakuha nila ang buong uod at ang babae ay nasa mabuting kondisyon na.
Ang Dirofilaria repens ay isang parasite na karaniwang naninirahan sa katawan ng aso at pusa. Ito ay nakukuha ng tao sa pamamagitan ng kagat ng isang infected na lamok.
Kapag ang uod ay nanirahan na sa balat ng isang tao ito ay parang bukol na palipat-lipat sa ibat ibang bahagi ng katawan. Nakakapangilabot kung iisipin, pero hindi naman ito nakadudulot ng malubhang pinsala maliban na lamang sa nagiging sanhi ng lokal na pamamaga at pangangati.
Pag ang uod ay nanirahan sa tao ito ay mamatay lamang sa kalaunan ngunit maaaring tumagal ng ilang taon. Ang karaniwang paggamot dito ay ang pagkuha mismo sa uod sa pamamagitan ng operasyon ngunit maaaring gamitin din ang mga anti-parasitic na gamot, ayon sa CDC.
Ang D. repens ay ang mga parasite sa hayop na malamang na makahawa sa mga tao, at ito ay hindi kasing pambihira na nais mong isipin. Mayroong higit sa 3,500 mga kaso na iniulat sa Europa sa pagitan ng 1977 at 2016. Ang babae sa kasong ito ng pag-aaral ay kamakailang naglakbay sa isang rural na lugar sa labas ng Moscow, kung saan siya nakakuha ng maraming mga kagat ng lamok.
Maaari mong maiwasan ang impeksyon sa D. repens sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga lamok - ngunit ito ay matatagpuan lamang sa Europa, Asia, o Africa. Ang tukoy na parasito na ito ay hindi natatagpuan sa US.