Saturday, April 28, 2018

Ang Matanda at ang kanyang anak

Ang Matanda at ang kanyang anak




Isang matandang lalaki ang nanirahan nang nag-iisa sa Minnesota. Nais niyang hukayin ang kanyang patatas na hardin, ngunit mahirap na para sa kanyang edad na gawin ito. Ang kanyang bugtong na anak na lalaki, na tumutulong sa kanya, ay nasa bilangguan at hindi niya kayang magbayad ng isang abogado upang makalabas ito. Kaya naisipan na matanda na sumulat ng isang liham sa kanyang anak at binanggit ang kanyang sitwasyon:


Mahal na Anak,
Medyo masama ang aking loob dahil mukhang hindi ko magagawang itanim ang aking hardin na patatas sa taong ito. Ayaw kong itigil ang paggawa ng hardin dahil gustong-gusto ng iyong ina ang oras ng pagtatanim. Masyado na kasi akong matanda para maghukay ng hardin. Kung narito ka, ay wala sanang problema. Alam kong ikaw ang gagawa para sa akin, kung wala ka sa bilangguan.
Nagmamahal,
Tatay


Di-nagtagal, natanggap ng matandang lalaki ang telegrama na ito:
'Para mo ng awa, Tatay, huwag mong hukayin ang hardin !! Diyan ko inilibing ang mga baril !! '


Alas 4:00 ng umaga, isang dosenang mga ahente ng FBI at mga lokal na opisyal ng pulisya ang nagpakita at hinuhukay ang buong hardin ngunit kahit isang baril ay wala silang nakita.

Bagamat nalilito, ang matanda ay sumulat ng isa pang tala sa kanyang anak na nagsasabi sa kanya kung ano ang nangyari at nagtanong sa kanya kung ano ang susunod na gagawin.


Ang sagot ng kanyang anak ay:
'Sige at itanim mo na ang iyong mga patatas, Tatay. Ito ang tanging magagawa ko para sa iyo, mula rito. '


Monday, April 16, 2018

Panoorin: Nadine Lustre Itinulak ang kamay ng fangirl na nagpapicture kay James Reid

Panoorin: Nadine Lustre Itinulak ang kamay ng fangirl na nagpapicture kay James Reid


Monday, April 9, 2018

Panoorin Lalaki Nauntog sa Exit nang Mall na ikinabasag ng Salamin nito

Panoorin Lalaki Nauntog sa Exit nang Mall na ikinabasag ng Salamin nito


Tuesday, April 3, 2018

Unggoy nagnakaw ng isang Sanggol

Unggoy nagnakaw ng isang Sanggol




Isang 16-araw na sanggol na lalaki ang na-snatched ng isang unggoy mula sa kanyang bahay sa Cuttack distrito ng Odisha noong Sabado, dahil dito ay naglunsad ang mga awtoridad ng napakalaking operasyon sa paghahanap.

Ang sanggol ay natutulog sa tabi ng kanyang ina sa kanilang tahanan sa bayan ng Talabasta nang inagaw siya ng unggoy, ayon sa Kagawaran ng Kagubatan, na kasangkot sa misyon ng pagliligtas.

Nakita ng ina ang unggoy na tumakas kasama ang kanyang sanggol at agad itong iniulat ang insidente sa mga tagabaryo at sa mga awtoridad.

Dumating ang mga tauhan mula Forest department and fire services sa nayon at naglunsad ng napakalaking operasyon upang masubaybayan ang sanggol.

Ang isang opisyal ng Forest Department na nagsasagawa ng operasyon sa pagsagip ay nagsabi, "Kung ang bata ay may problema sa pag-iyak, hindi namin marinig ang kanyang tinig. Kaya naman mahirap para sa amin na sumubaybay sa kanya sa kagubatan."

Mahigit 30 katao na taga-Forest Department ang hinati sa 3 team na pinangungunahan ni Sangram Keshari Mohanty, ang tanod-gubat ng Damapada Forest Range ang sumusuyod ngayon sa kagubatan kasama ang mga taga-nayon.

Maraming tao ang nasugatan sa mga pag-atake ng mga unggoy sa lugar ilang araw na ang nakakaraan. Ang mga lokal ay nagsabi na di-umano'y walang ginagawang aksiyon ang taga-Forest Department sa kabila ng paulit-ulit na pagreport at pagreklamo.

Ang sanggol ay natagpuan sa loob ng isang balon na wala ng buhay. Pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang matagpuang pinsala o galos sa katawan ng sanggol, kaya hinala nila ay hinulog ito ng unggoy sa balon.

Sunday, April 1, 2018

Never Not Love You Movie Poster ng Jadine kinopya sa isang Broadway Play

Never Not Love You Movie Poster ng Jadine kinopya sa isang Broadway Play







Ang Pag-ibig ng Isang Bulag

Ang Pag-ibig ng Isang Bulag





Isang lalaki ang nagpakasal sa isang magandang babae. Mahal na mahal niya ito.

Isang araw, ang babae ay nagkaroon ng ng sakit sa balat. At dahil dito unti-unting nawala ang kanyang kagandahan. Nagkataon na man na umalis ang lalaki para sa isang tour. Pauwi na ang lalaki nang bigla itong naaksidente na naging dahilan ng pagkabulag nito. Gayunpaman, nanatili pa rin sa dati ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay tuluyang ng nawala ang kagandahan ng babae. Hindi alam ng bulag na lalaki ang nangyayari kaya wala pa rin nagbagao sa pagtingin at pagmamahal niya sa kanyang asawa. Sila ay patuloy na nagmahalan sa isat-isa.

Isang araw, namatay ang babae. Ang kanyang kamatayan ay nagdala sa kanya ng isang malaking kalungkutan. Natapos niya ang lahat ng kanyang huling tungkulin para sa libing at nais na umalis sa bayang iyon.

Tinawag siya ng isang lalaki at tinanong, "Paano ka ba nakapaglalakad nang mag-isa? Dati rati ay asawa mo ang tumutulong at gumagabay sa iyo sa lahat ng bagay.

Sumagot siya, "Hindi ako bulag. Nagkukunwari lang akong bulag dahil kapag alam niya na nakikita ko ang nangyayari sa balat niya dahil sa sakit ay mas lalo siyang masasaktan. Hindi ko siya minahal dahil lamang sa kanyang ganda, kundi minahal ko siya dahil sa kanyang mapagkalinga mapagmahal na pagkatao. Kaya nagpanggap ako na bulag. Nais ko lang na panatilihin siyang masaya.

Kapag totoong nagmamahal ka sa isang tao, magkakaroon ka ng kahit anong paraan upang mapanatiling maligaya ang iyong minamahal at kung minsan ay mas mabuting isantabi at huwag pansinin ang maiikling pagkakamali ng isa't isa upang maging masaya.

Ang Kagandahan ay mawawala sa paglipas ng panahon, ngunit ang puso at kaluluwa ay nananatili. Mahalin ang tao para sa kung ano siya mula sa loob, hindi mula sa labas.