Sunday, April 1, 2018

Ang Pag-ibig ng Isang Bulag

Ang Pag-ibig ng Isang Bulag





Isang lalaki ang nagpakasal sa isang magandang babae. Mahal na mahal niya ito.

Isang araw, ang babae ay nagkaroon ng ng sakit sa balat. At dahil dito unti-unting nawala ang kanyang kagandahan. Nagkataon na man na umalis ang lalaki para sa isang tour. Pauwi na ang lalaki nang bigla itong naaksidente na naging dahilan ng pagkabulag nito. Gayunpaman, nanatili pa rin sa dati ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay tuluyang ng nawala ang kagandahan ng babae. Hindi alam ng bulag na lalaki ang nangyayari kaya wala pa rin nagbagao sa pagtingin at pagmamahal niya sa kanyang asawa. Sila ay patuloy na nagmahalan sa isat-isa.

Isang araw, namatay ang babae. Ang kanyang kamatayan ay nagdala sa kanya ng isang malaking kalungkutan. Natapos niya ang lahat ng kanyang huling tungkulin para sa libing at nais na umalis sa bayang iyon.

Tinawag siya ng isang lalaki at tinanong, "Paano ka ba nakapaglalakad nang mag-isa? Dati rati ay asawa mo ang tumutulong at gumagabay sa iyo sa lahat ng bagay.

Sumagot siya, "Hindi ako bulag. Nagkukunwari lang akong bulag dahil kapag alam niya na nakikita ko ang nangyayari sa balat niya dahil sa sakit ay mas lalo siyang masasaktan. Hindi ko siya minahal dahil lamang sa kanyang ganda, kundi minahal ko siya dahil sa kanyang mapagkalinga mapagmahal na pagkatao. Kaya nagpanggap ako na bulag. Nais ko lang na panatilihin siyang masaya.

Kapag totoong nagmamahal ka sa isang tao, magkakaroon ka ng kahit anong paraan upang mapanatiling maligaya ang iyong minamahal at kung minsan ay mas mabuting isantabi at huwag pansinin ang maiikling pagkakamali ng isa't isa upang maging masaya.

Ang Kagandahan ay mawawala sa paglipas ng panahon, ngunit ang puso at kaluluwa ay nananatili. Mahalin ang tao para sa kung ano siya mula sa loob, hindi mula sa labas.


No comments:

Post a Comment