Ang Matanda at ang kanyang anak
Isang matandang lalaki ang nanirahan nang nag-iisa sa Minnesota. Nais niyang hukayin ang kanyang patatas na hardin, ngunit mahirap na para sa kanyang edad na gawin ito. Ang kanyang bugtong na anak na lalaki, na tumutulong sa kanya, ay nasa bilangguan at hindi niya kayang magbayad ng isang abogado upang makalabas ito. Kaya naisipan na matanda na sumulat ng isang liham sa kanyang anak at binanggit ang kanyang sitwasyon:
Mahal na Anak,
Medyo masama ang aking loob dahil mukhang hindi ko magagawang itanim ang aking hardin na patatas sa taong ito. Ayaw kong itigil ang paggawa ng hardin dahil gustong-gusto ng iyong ina ang oras ng pagtatanim. Masyado na kasi akong matanda para maghukay ng hardin. Kung narito ka, ay wala sanang problema. Alam kong ikaw ang gagawa para sa akin, kung wala ka sa bilangguan.
Nagmamahal,
Tatay
Di-nagtagal, natanggap ng matandang lalaki ang telegrama na ito:
'Para mo ng awa, Tatay, huwag mong hukayin ang hardin !! Diyan ko inilibing ang mga baril !! '
Alas 4:00 ng umaga, isang dosenang mga ahente ng FBI at mga lokal na opisyal ng pulisya ang nagpakita at hinuhukay ang buong hardin ngunit kahit isang baril ay wala silang nakita.
Bagamat nalilito, ang matanda ay sumulat ng isa pang tala sa kanyang anak na nagsasabi sa kanya kung ano ang nangyari at nagtanong sa kanya kung ano ang susunod na gagawin.
Ang sagot ng kanyang anak ay:
'Sige at itanim mo na ang iyong mga patatas, Tatay. Ito ang tanging magagawa ko para sa iyo, mula rito. '
No comments:
Post a Comment