Wednesday, October 25, 2017

Panoorin Angeline Quinto naiyak sa mensahe ni Regine Velasquez

Panoorin Angeline Quinto naiyak sa mensahe ni Regine Velasquez




Hindi mapigilan ni Angeline Quinto ang tears of joy matapos na nagreply si Regine Velasquez sa kanyang post sa instagram.

"REGINE VELASQUEZ" yan po ang pangalan na malapit sa puso ko, bukod sa Pamilya ko yan ang isang taong minahal ko ng sobra. Dahil sakanya at dahil sa mga kanta niya, HINDI ko pinili na ihinto ang Pangarap ko. Dahil sakanya mas naging matibay ang loob ko kahit palagi akong natatalo sa lahat ng singing contest na sinalihan ko. Pag sinabing "REGINE" parang may echo sa tenga ko na paulit ulit kong maririnig. Hindi ko inasahan lahat ito, hindi ko inasahan na ang isang Regine Velasquez ay makikilala ko ng personal, mahahawakan, makakausap, makakabiruan, makakatext, makakasamang kumain, makakasamang kumanta. Hindi niyo po ipinag damot sa akin ang napakalaking pangarap ko Ms.Reg, ang mas makilala pa kayo. Talagang napakagaling at napakabuti ng "DIYOS" dahil may isang Regine Velasquez na nagbigay impluwensya sakin para mas mahalin ko ang pagkanta ko. Na ipagpatuloy namin ang pangarap namin. Na kahit palaging talo, Kanta lang! Kanta lang! Wag na wag titigil kumanta. Mahal na mahal ko kayo Ms.Reg. Maraming maraming salamat po. Happy 30th Anniversary sa ating Asia's Songbird. Congratulations po sa lahat ng bumuo ng R3.0 ❤️ Ctto. Ms. @cacaimitra 😇 #Queen #TheOneAndOnlySongbird #ThankyouLordforeverything💕
A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on


Thursday, October 5, 2017

Panoorin MayMay Entrata Sinabing Gusto si Robi Domingo ang gusto niyang maging Boyfriend

MayMay Entrata Sinabing Gusto si Robi Domingo ang gusto niyang maging Boyfriend



Pabirong sinabi ni Maymay na sana jowain siya ni Robi kaya si Robi naman ay pabiro rin na hahalikan niya si Maymay. Kung di kaya lumayo si Maymay, hahalikan kaya talaga siya ni Robi?

Thursday, September 28, 2017

Panoorin ang Natutulog na si Matteo Guidicelli

Panoorin ang Natutulog na si Matteo Guidicelli



Pinagtripan ni Luis Manzano ang natutulog na si Matteo. Kahit anong biro ni Luis ay hindi na talaga malabanan ni Matteo ang antok. Nyahaha...

Wednesday, September 27, 2017

Yaya Moi Bien grabe ang pacute sa cellphone ni Piolo Pascual

Yaya Moi Bien grabe ang pacute sa cellphone ni Piolo Pascual




Ang bait talaga ni Piolo sa kanyang assistant na si Moi. Talagang kapamilya na ang turing niya dito. Para lang silang magjowa na nag-lilive sa instagram. Nakakatuwa naman.

John Lloyd Cruz Nakiki-threadmill na rin sa bahay ni Ellen Adarna

John Lloyd Nakiki-threadmill na rin sa bahay ni Ellen Adarna




Mukhang in a special relationship na nga si John Lloyd at Ellen Adarna. Sa dami ng post at sweet moments nila sa ig ay sino pa ang makakapagsabi na friends lang sila. Makikita sa video na ito ang sexy back (huh) ni John Lloyd habang nagti-threadmill sa bahay ni Ellen. Mukhang naging fitness buff na rin si John Lloyd dahil siguro sa impluwensiya ni Ellen. Ano naman kaya ang susunod yoga o sexy dancing...

Tuesday, September 26, 2017

Erich Gonzales Nagcelebrate ng 27th Birthday Kasama si Julia Barretto

Erich Gonzales Nagcelebrate ng 27th Birthday Kasama ni Julia Barretto






Si Julia Barretto nga ang masasabing BFF ni Erich Gonzales sa showbiz. Nagsimulang maging visible ang friendship nila sa public mula noong naging single si Erich. Simula noon ay kanya kanya nang post ang magkaibigan sa mga trips and moments nilang dalawa. At ngayon ay nagcelebrate nga si Erich ng kanyang ika-27th birthday kasama si Julia at ang mommy nito na si Marjorie.





Maraming intriga ang pinagdaanan ni Erich nitong taon. Matapos makipagbreak kay Daniel Matsunaga ay nalink naman siya sa isang businessman na si Xian Gaza. Binatikos ng netizens ang businessman na ito dahil tila umano ay ginagamit lang si Erich sa promotion ng kanyang business. Hindi tinanggap ni Erich ang imbitasyon ni Xian at nagmove-on na ang dalawa. Ngayon ay balik na naman ang tambalang Enrich (Erich at Enchong Dee) na malapit nang mapanood ng mga Kapamilya.







Happy Birthday Erich....