Thursday, September 3, 2020

Oceans Eight



Ang bagong paroled na con artist na si Debbie Ocean (Sandra Bullock), ang nakababatang kapatid na babae ng yumaong Danny Ocean, ay kinumbinsi ang dating kasosyo sa krimen na si Lou (Cate Blanchett) na sumali sa kanya sa isang bagong heist. Pinagsama-sama nila ang kanilang koponan: ang baon sa utang na fashion designer na si Rose Weil (Helena Bonham-Carter); tagagawa ng alahas na si Amita (Mindy Kaling), na gusto ng bumukod sa kanyang ina; security hacker Nine Ball (Rihanna); street hustler at pickpocketer na si Constance (Awkwafina); at profiteer na si Tammy (Sarah Paulson), na nagbabakod ng mga ninakaw na kalakal sa labas ng kanyang bahay.
Plano ni Debbie na nakawin ang Toussaint, isang $150 milyong kuwintas sa Cartier, sa darating na Met Gala at gamitin ang film star na si Daphne Kluger (Anne Hathaway). Gumawa sila ng paraan para si Rose ang magdesign at mag-ayos kay Daphne sa darating na Met Gala at kinumbinsi nila na ipahiram kay Daphne ang Toussaint. Ini-scan nila ang kuwintas upang makagawa ng isang ] cubic zirconia replica. Nag-apply si Tammy ng trabaho sa Vogue upang makakuha ng access sa gala at nakuha din si Lou bilang isang nutrisyonista habang pinangunahan ni Debbie si Daphne na anyayahan ang art dealer na si Claude Becker (Richard Armitage) upang maging date sa Gala. Si Claude ang nagtraydor kay Debbie at naging dahilan nang pagkakulong niya. Kinumpronta ni Lou si Debbie para sa pagpaplano ng paghihiganti laban kay Becker, ngunit tiniyak sa kanya ni Debbie na hindi nito mapapahamak ang kanilang plano.
Ngunit nalaman ni Rose na ang Toussant ay pwede lamang mabuksan sa pamamagitan ng special magnet. Humingi ng tulong si Nine-ball sa kanyang kapatid para makagawa ng duplicate nito. Sa gala, may nilagay si Lou sa soup ni Daphne na naging dahilan ng pagpunta nito sa cr para sumuka. Sa labas ng cr ay may blind spot para sa mga security camera ng museo na gawa ni Nine-ball kaya doon lamang nila pwede nakawin ang kwintas. Kapag nalaman ni Rose na ang Toussaint ay maaari lamang mai-unclass ng isang espesyal na pang-akit na dinala ng detalye ng seguridad ni Cartier, inarkila ng Nine Ball ang tulong ng kanyang nakababatang kapatid na si Veronica sa paglikha ng isang duplicate. Sa gala, isinuksok ni Lou ang sopas ni Daphne, na dahilan upang tumakbo siya sa silid ng mga kababaihan, kung saan ang Nine Ball ay lumikha ng isang bulag na lugar para sa mga security camera ng museo. Habang naghihintay ang mga guwardiya sa labas at nagsusuka si Daphne sa isang banyo,madiskarteng tinanggal ni Constance ang kuwintas mula sa leeg ni Daphne at ibinigay ito kay Amita, na hinati ito sa mas maliliit na piraso. Nang muling nagpakita si Daphne ay wala na ang kuwintas, isang masusing paghahanap ang naganap. Muntik nang pasukin ang cr kung saan hinahati ang kwintas ng sumigaw si Tammy at nagkunwari na nakita na ang kwintas na nahulog lamang sa tubig ngunit replica na ang kwintas na ito. Ipinasa ni Constance ang mga piraso ng Toussaint sa koponan upang ipuslit, at si Debbie ay nagtanim ng isang piraso nito kay Becker. Matapos ang heist, dumalaw si Daphne sa mga kababaihan,upang sabihin na alam na niya ang tungkol sa nakawan dahil sa kanilang mga kilos. Humihingi siya ng share kapalit ng pagligtas sa kanila mula sa kulungan.
Natuklasan ang switch sa kwintas nang maibalik ito, at ang investigator ng insurance na si John Frazier (James Corden) ay naatasan upang magsiyasat. Pinaghinalaan kaagad ni Frazier si Debbie dahil sa history at mga kapamilya nito, ngunit ang mga cctv sa museum ang nagsilbing alibi ni Debbie. Sinabi niya kay Frazier na maaaring alam niya kung sino ang nagnakaw ng kuwintas. Binisita ni Daphne si Becker at pinadalhan si Frazier ng larawan ng diamond na itinanim ni Debbie. Upang higit pang mai-frame si Becker, naghire si Debbie ng mga artista na nagpapanggap bilang mga old socialites upang ibenta ang Toussaint nang paisa-isa at ideposito ang pera sa isang account sa pangalan ni Becker. Kinukulong ng pulisya si Becker.
Habang nagcecelebrate sila, ipinahayag ni Lou ang totoong target ng heist: habang ang mga tao sa gala ay inilikas, siya at ang The Amazing Yen, isang akrobat na nagtatrabaho kasama si Danny, ay pinalitan ng mga replica ang mga maharlikang hiyas sa Met na may halagang mas malaki pa kaysa sa Toussaint. Matapos magshare at maghiwahiwalay, si Amita ay nagpunta sa Paris kasama ang isang lalaking nakilala niya sa Tinder; nabayaran ni Weil ang kanyang mga utang at nagbukas ng kanyang sariling tindahan; Bumili si Constance ng isang maluwang na loft sa lungsod at naging isang YouTuber; Pinalawak ni Tammy ang kanyang negosyo sa mga ninakaw na kalakal; si Nine Ball ay nagbukas ng bilyaran; Si Daphne ay naging isang direktor ng pelikula; Nag-cross-country road trip si Lou gamit ang motorsiklo; at si Debbie ay bumisita at nagdala ng martini sa libingan ni Danny, upang sabihin na alam niyang magugustuhan ni Danny ang kanyang ginawa. 

Maganda naman ang movie at favorite actress ko si Anne Hathaway. Si Awkwafina, same lang ang role niya dito bilang magaling magnakaw sa Jumanji. Si Helena Bonham Carter naman parang lukaret pa rin ang role niya. At ang gaganda ng mga suot ni Sandra Bullock dito. Nabasa ko rin na totoong may kwintas na Toussaint pero hindi na daw ito buo ngayon at ang mga parte ng kwintas ay inilagay na sa ibang alahas. Gumawa lang daw sila ng replica at mas maliit na kwintas para gamitin sa movie. Ang totoong Toussaint daw ay ginawa para sa lalaki kaya mas malaki daw ang orihinal nito. Kung may Toussaint pa daw ngayon ay totoong aabot ang halaga sa $150000000.


Cast


Sandra Bullock ... Debbie Ocean



Cate Blanchett ... Lou




Richard Armitage ... Claude Becker




Anne Hathaway ... Daphne Kluger



Helena Bonham Carter ... Rose Weil



Mindy Kaling ... Amita



Rihanna ... Nine Ball



Awkwafina ... Constance



Sarah Paulson ... Tammy


Wednesday, September 2, 2020

Park Seo-Joon in BERLUTI Herringbone Knit


Price: PHP63000

Tuesday, September 1, 2020

The House That Never Dies



Present day - Si Xu Ruoqing isang author at ang kanyang partner na si Yitang at ang anak nilang anak na babae ay nagdecision na pumunta sa Mainland China para manirahan na doon. Sa isang malaking bahay sa No.81 Chaoyangmen Inner Street sila nakatira. Simula ng lumipat sila doon ay nakaranas si Ruoqing ng mga kakaibang pangyayari at minumulto pa siya. Tapos may hinala pa siya na may affair si Yitang sa assistant nitong si Liu Li na bestfriend ni Ruoqing.
2 bahagi ng pelikula ang ipinapakita, ang nakaraan kung ang buhay ni Lu Dieyu isang prostitute na umibig kay Huo Lianqi na galing sa isang prominente at mayamang pamilya at siya nagmamay-ari dati ng bahay sa No.81 Chaoyangmen Inner Street ang ipinapakita. Nais na ni Lianqi na magpakasal si ni Lu Dieyu pero ayaw pumayag ng pamilya nito dahil nga mababa lang ang status ni Lu Dieyu at isa pa itong prostitute.
Pero inalok pa rin ni Lianqi si Dieyu na magpakasal. Sa araw ng kanilang kasal ay nagulat na lang si Dieyu na ang iniharap sa kanya sa dambana ay isang manok. Yun pala pinipilit siya ng pamilyang Huo na ipakasal sa kamamatay lang na kapatid ni Lianqi. Sapilitan siyang ipinasok sa kabaong ng patay para pagsamahin sila sa unang gabi ng kasal. Nailigtas ni Lianqui si Deiyu at kinuha sa kabaong pagkatapos nito ay pinakasalan siya sa harap ng yumaong kapatid at nagsiping sila nung gabing iyon. Kinaumagahan ay hindi na nakita ni Dieyu si Lianqi.
Nabuntis si Dieyu at kinupkop siya ng pamilya Huo dahil sa paniniwala ni Huo Lianxiu ang eldest sa Huo na si Lianqi ang ama ng dinadala ni Dieyu. Hindi kasi magkaanak ang mag-asawa at walang magmamana at susunod sa kanilang lahi. Pinatira si Dieyu at ang anak nito sa malaking basement ng bahay.
Patuloy na nagsusulatan si Dieyu at Lianqi na sinasabing nasa ibang bansa ito. Umabot ng 7 taon ang pagsusulatan nila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Dieyu ang kapatid ni Lianqi na si Lianxiu na pala ang kasulatan niya at umiibig na pala ito sa kanya. Ramdam ng asawa ni Lianxiu at ng mga kasama sa bahay ang damdamin ni Lianxiu kay Dieyu kaya naisip nilang painumin ng marijuana araw-araw si Dieyu para mawala ito sa katinuan.
Di nagtagal ay kinumpisal ni Lianxiu kay Dieyu na siya talaga ang kasulatan nito at matagal ng patay si Lianqi. Alam daw niya ang nangyari noong araw ng kasal kung saan sinugod siya ni Lianqi at pinakiusapan na tanggapin si Dieyu ng kanilang pamilya. Nang araw na iyon umuwi si Lianqi sa bahay nito para maghanda sa paglipat ni Dieyu ng matanggap ang sulat na nagrerequest na isama siya sa giyera. Namatay daw sa giyera si Lianqi. Hindi matanggap ni Dieyu ang pangyayari at dahil naghahallucinate na siy gawa ng pinapainom na marijuana ay nagpakamatay ito sa pamamagitang nang pagtalon sa mataas na hagdanan.
Present day - Kinompronta ni Ruoqing si Liu Liu ngunit pinabulaanan ni Liu Liu na may relasyon sila ni Yitang. Ang totoo nito ay may financial problems daw ang company ni Yitang at naghahanap sila ng investors kaya lagi silang magkasama. Mahal na mahal daw ni Yitang si Ruoqing at dahil dito tinanggihan daw ni Yitang ang tulong ng kanyang asawa para sa company. Tutulungan daw ng dating asawa si Yitang kung hindi niya ipagpapatuloy ang divorce nila. Sa bahay nakita ni Ruoqing ang mga nakatagong sulat at pictures ni Dieyu. Doon niya nakita na magkamukha sila ni Dieyu.
Kinausap ni Ruoqing ang katiwala ng bahay at doon niya nalaman ang lahat tungkol kay Dieyu. Bata pa lang daw noon ang katiwala at siya daw ang mismong naghahatid ng mga sulat ni Lanxiu para kay Dieyu. Matapos mamatay ni Dieyu ay namatay din ang mga tao sa bahay kabilang ang asawa ni Lanxiu. Nagdesisyon si Lanxiu na ibenta ang lahat ng properties nito kabilang ang bahay at manirahan sa Taiwan kasama ng anak ni Deiyu. Ang babaeng anak daw ni Deiyu ay ang mismong lola ni Ruoqing.
Nalaman din Yitang mula sa asawa niya na pinalitan niya sa tulong ng katiwala ang gamot ni Ruoqing para ito ay mabaliw. Tumulong daw ang katiwala dahil sa sabing mapapasakanya ang bahay kung mapapaalis niya si Ruoqing. Ang anak daw nila ay pinagsuot niya ng pula at pinapunta sa bahay para akalain ni Ruoqing na ito ay multo at ng matakot at mabaliw. Yun pala totoong tao pala ang bata na inakala natin na multo. Anak pala ito ni Yitang sa dating asawa niya at nagpunta doon dahil sabi ng mama niya pagpumunta siya doon ay babalik ang papa niya, Naabutan ni Yitang si Ruoqing kasama ang 2 anak niya na babae. Sa huli ay ipinakita ng katiwala ang isang naaagnas ng bangkay sa wheelchair kina Ruoqing. Ito daw si Lianqi, nag-survive daw si Lianqi sa giyera at ng makauwi ay hindi na matagpuan si Dieyu. Ilang taon daw na naghintay si Lianqi kay Dieyu at ngayon ay magkikita na nga sila. Si Lianqi daw ang dapat mag-mayari ng bahay at hindi si Ruoqing na panggulo lang daw sa pamilya. Habang tinitingnan ni Ruoqing ang naagnas na katawan ay unti-unti itong naging abo at naglaho sa hangin. Nakita na nga ulit ni Lianqi si Dieyu at handa na itong magpaalam.
Sa huli ay umalis si Ruoqing sa bahay kasama ni Yitang at ng mga anak nito.



Mga Cast


Ruby Lin




Tony Yang



Francis Ng