Thursday, August 27, 2020

Ang Itsura ng mga Korean Actors sa Kanilang Historical Drama

Ang Itsura ng mga Korean Actors sa Kanilang Historical Drama


Song Joong Ki - Sungkyunkwan Scandal 
Una kong nakilala ang Korean actor na si Joong Ki nang mapanood ko siya sa Sungkyunkwan Scandal. Hindi naman siya ang bida dito pero agaw pansin ito dahil sa napakagwapo nitong mukha. Bagay din sa kanya ang kanyang role at talagang nag-shine dito si Joong Ki.






Ji Chang Wook - Empress Ki 
Isang challenge transformation para kay Ji Chang Wook ang Empress Ki at ito ang nagsolidify sa kanya bilang isang trusted actor. Ibat-ibang emosyon ang pinakita ni Ji sa role niya bilang Ta Hwan at flawless ang kanyang naging performance kung saan halos mabaliw si Ta Hwan dahil sa selos at inggit. Dahil dito napanalunan ni Ji ang Excellence Award.





Lee Min Ho - Faith 
Kumikinang ang mga mata ko at laging akong napapangiti kapag ngumingiti siya sa dramang ito. Ang gwapo niya dito at very manly talaga. Isang ko lang maintindihan eh bakit may powers siya dito pati na yung mga kontrabida parang halong fantasy ang Faith The Great Doctor.





Kim Soo Hyun - Moon Embracing the Sun

Medyo may pagkaplayful pero intense bilang hari si Kim Soo Hyun dito.





Park Bo Gum - Love in the Moonlight

Sa sarili kong pananaw yung personality ng role ni Bo Gum as king dito is parang yung personality ni Kim Soo Hyun as king sa Moon Embracing the Sun. Magkatulad yung personality nila at si parehong nandito sa drama si Kim Yoo Jung. Baka ginawa itong reference kasi dito naman talaga unang nagshine si Kim Yoo Jung as child actress sa role bilang Yeon Woo.





So Ji Sub - Thousand Years of Love
Reincarnation naman ang story ng dramang ito.





Nam Joo-hyuk - The Great Battle 
Kasama ni Jo In-sung bumida si Joo-hyuk sa isang historical film tungkol epic eighty-eight day battle ng Goguryeo at Tang Dynasty.





Lee Joon Gi - The Scholar Who Walks the Night

Ang seryeng ito ay tungkol sa isang scholar na naging vampire.





Park Seo Joon - Hwarang: The Poet Warrior Youth
Gumanap si Seo Joon sa dramang ito bilang warrior. Parang dahil dito sa seryeng ito nagsimula ang pagiging friends nila ni V at ni Park Hyung-sik. Mapa-serious o comedy man magaling talaga si Seo Joon at may malakas itong appeal.





Gong Yoo - Goblin
Napaibig ako ni Gong Yoo sa Goblin. Maganda naman ang Goblin pero hindi talaga siya kabilang sa all-time favorite ko kahit gusto ko si Gong Yoo at si Lee Dong-wook. Medyo hindi ko gusto ang chemistry nila ng leading lady niya dito pero magaling naman si Go Eun. Pansin ko kay Gong Yoo mas magaling siya mag-act paggalit yung role niya okay din sa comedy,, di ko kasi mafeel pagsenti na yung eksena niya o pag-iyakan yung eksena pero okay naman acting niya. Mas magaling lang siya talaga pag serious o galit yung expression niya. Maganda ang scenery na dramang ito at mukhang expensive ang pagkagawa pero di ko alam ang budget.Tungkol ito sa isang general na naging goblin na may sword sa dibdib. Ang nakatakdang bride of goblin lang ang maaring magtanggal ng sword pero kapag natanggal na ang sword ay mamamatay naman ang goblin. Nakalimutan ko na ano yung explanation kung bakit di siya namatay. Panoorin niyo na lang.





Hyun Bin - Rampant

Ang Rampant ay isang period action zombie film. Flop daw ang movie na to pero pwede na rin panoorin kasi si Hyun Bin naman ang bida. Kasama niya dito si Seo Ji-hye yung gumanap na Dan ng Crash Landing on You.





Lee Seung-gi - The Princess and the Matchmaker
Isang fortune teller ang role ni Lee Seung-gi dito. Syempre may princess kasi yun ang nasa title. Ang fortune teller ang maghahanap ng dapat at bagay mapangasawa ng princess.





Yoo Ah-in - Six Flying Dragons

Isang fictional drama sa panahon ng korean dynasty at gumanap na prince-king dito si Yoo Ah-in.





Jo In-sung - The Great Battle

Ito yung pelikul nila ni Nam Joo-Hyuk tungkol sa eighty-eight day battle ni Yang Manchun na ginampanan ni Jo In-sung at ng Gogoryeo laban sa Tang dynasty.

Shopee Delivery Guy Huli sa CCTV na Inihagis ang mga Package sa Bahay ng Customer



Si Edmund Hoh ay nag-post sa Facebook na nagsasabing ang kanyang mga item sa Shopee ay itinapon sa kanyang tahanan at ang pangyayari ay naitala sa pamamagitan ng CCTV. Ibinahagi niya na hindi siya nakatanggap ng anumang mga tawag sa telepono bago ang paghahatid at sinabi na ito pala ang dahilan kung bakit palaging nasisira ang kanyang mga recent purchase mula sa shopee ay laging may damage. Ang video ay naitala noong ika-19 ng Agosto 2020 ng tanghali.
Humingi na nang paumanhin ang shopee at iimbestigahan ang mga pangyayari.

Truth or Dare Movie


Katatapos ko lang manood nito ngayong gabi. Tungkol ito sa mga magkaibigan na nagbakasyon sa Mexico. Nakilala ni Olivia si Carter at dinala sila sa isang abandoned na simbahan kung saan pinaglaro sila ng truth or dare. Kinumpisal ni Carter na ginawa niya ito dahil iyon ang dare sa kanya at ngayon kasali na sila sa laro at kahit saan sila magpunta ay susundan sila ng laro. Kapag truth at di ka nagsabi ng totoo mamamatay ka at kapag dare at di mo ginawa, mamamatay ka din. Nang makabalik na sila sa kanilang school ay doon na nagsimula ang lahat at nasundan nga sila ng laro.

First time ko makita si Tyler Posey sa ibang role at magkasama pa sila ni Tom Choi dito yung father ni Arden Cho sa Teen Wolf. Parang nakulangan ako sa akting niya o nanibago lang siguro dahil ilang taon ko rin siyang nakita sa role na Scott sa Teen Wolf.
Nalaman nila na isang demon pala ang tinawag ng madre para iligtas ito sa pang-aabuso ng pari at ikinulong nito ang demon sa pamamagitan ng pag-alay ng kanyang dila. Ngunit sinira ito ni Sam/Carter at siya lamang ang makakapagkulong uli sa demon. Ngunit pinatay ito ng demon at pati na si Lucas. Sa huli ay nag-upload si Olivia ng video sa youtube para mas dumami ang players para tumagal pa ang turn nila ni Markie.
Ang mali sa eksena eh yung naoverpower siya Lucas ni Markie at Olivia para maipagpatuloy ni Sam ang ritual pero bigla na lang nila itong binitawan at napatay tuloy si Sam at di natuloy ang ritual na puputulin na lang sana ni Sam ang dila para matapos ang lahat.
 

Cast
Lucy Hale as Olivia May gusto kay Lucas na boyfriend ng kanyang bestfriend na si Markie. Muntik na siyang ma-rape ng papa ni Markie kaya sinabihan niya ito na mamatay na sana at nagpakamatay nga ang papa ni Markie.
Tyler Posey as Lucas Sinabi niya na may gusto siya kay Olivia pero in-love siya kay Markie. Namatay siya dahil hindi niya ginawa ang dare na barilin si Olivia o si Markie.
Violett Beane as Markie Laging nagche-cheat kay Lucas pero siya pa rin ang pinili ni Lucas.