Isang Restaurant/Cafe sa Japan Gumamit ng mga Stuff Toys para mapanatili ang Social Distancing
Ang Cafe na ito ay ang Izu Shaboten Zoo na pansamantalang isinara dahil sa coronavirus pandemic ay muling nagbukas noong May 16.
Bilang paghahanda ay nilagyan nila ito ng mga stuff toys at inadjust ang table layout para mapanatili ang distancing ng mga customers.
Sinigurado rin nila na ang mga stuff toys na nilagay kabilang na ang mga mesa at upuan ay naka-disinfect.
Korean Actor Singer Ginawang Model ng Sanitary Napkin
Marami na nga ang nahuhumaling sa gwapong mukha ng Astro Member na si Cha Eun Woo at sa dami ng fans niya na babae ay ginawa na siyang model ng isang produkto na babae lamang ang gumagamit.
Bilang model ng Secret Day Napkin sa Korea si Cha Eun Woo ay inihalintulad bilang isang boyfriend material para sa mga kababaihan- mabait, gwapo at considerate at thoughtful.
Ngunit ang paggamit ng isang lalaki para iendorsyo ang isang pambabaeng produkto ay hindi nagustuhan ng ilang k-netizens.
Mas mabuti pa daw na ibaba na lang nila ang presyo ng napkin para gawing pang-engganyo sa mga kababaihan na bumili kesa gamitin ang gwapong mukha ni Cha Eun Woo.
Sana hindi na lang daw sila gumamit ng mga kahit sinong celebrity para makabawas sa expenses at pababain ang presyo.
Tama naman ang mga sinabi ng mga netizens ngunit ang paggamit ng isang model para sa produkto ay isa pa rin sa dahilan kung bakit ito napapansin at nakikilala ang brand. Ngunit kapag sikat na ang isang produkto ay dapat na siguro itong huwag na gumamit ng mga endorser upang mkatipid sa expenses at mabawasan ang presyo ng produkto.
Si Cha Eun Woo ay isa mga member ng Kpop Idol na Astro na dati na ring ginawang model ng Secret Day. Isa si Cha Eun Woo sa may pinakagwapong mukha ngayon sa hanay ng mga celebrity sa Korea. Sa tingin ko nga ay siya ang pinakagwapo ngayon sa mga baguhang aktor.