Pulbos na Johnson & Johnson Baby Powder Sanhi ng Ovarian Cancer
Isang hurado sa California noong Lunes ang nag-utos sa Johnson & Johnson na magbayad ng $417 million sa isang babae na sinasabing nagkaroon ng ovarian cancer matapos gumamit ng Johnson's Baby Powder na produkto.
Si Eva Echeverria ay nanalo sa kaso laban sa Johnson & Johnson dahil sa wala itong sapat na babala para sa mga mamimili sa panganib ng kanser na pwedeng idulot ng talc-based nilang produkto.
"Nagpapasalamat kami sa hatol ng hurado tungkol sa bagay na ito," sabi ni Mark Robinson, ang kanyang abugado.
Isa itong malaking pabigat sa kumpanya dahil 4,800 kaso pa na katulad nito ang hinarap ng Johnson & Johnson at damages na umabot sa $300 million ang kanilang kailangan din bayaran.
"Mag-apela kami sa hatol ngayon dahil kami ay ginagabayan ng agham, na sumusuporta sa kaligtasan ng Baby Powder ng Johnson," sabi ni J & J.
Ang 63-taong-gulang na si Echeverria ay sinasabing nagkadevelop ng terminal ovarian cancer matapos ang ilang dekadang paggamit ng J&J's products. Pinangatawanan ng kanyang abogado na ang Johnson & Johnson ay naghihimok sa mga kababaihan na gamitin ang mga produkto nito sa kabila ng kaalaman base sa pag-aaral na ang paggamit ng talc sa genital ay nagiging sanhi ng ovarian cancer.
Sinabi ng mga abogado ng J & J na ang mga pag-aaral at mga ahensya ng pederal ay hindi natagpuan na ang mga produkto ng talc ay carcinogenic.
Ito na ang panglima na parehong kaso na hinarap ng Johnson & Johnson na kung saan sila ay natalo sa 4 pa na kaso.