Friday, August 26, 2016
Master's Sun Episode 2
Sa sobrang antok, nakatulog si Gongshil sa balikat ni Joongwon ng nakatayo. Pinipilit siyang gisingin ni Joongwon. Gusto kung matulog kasama ka, matulog tayo, tabihan mo ako, sagot ni Gongshil. Inakala ni Joongwon ay inaakit siya nito.
Gusto mong makasama ako sa pagtulog? Tingnan mo nga ang itsura mo, sabi ni Joongwon.
Iniisip mo bang ang isang katulad ko ay tatabihan ka sa pagtulog. Nanaginip ka ata, gumising ka nga. Nadaplisan ni Joongwon ang buhok ni Gongshil at narindi siya dahal napaka oily nito. Nang amuyin niya ito ay lalo siyang narindi dahil mabaho daw ito.
Nagising si Gongshil at tinanong kung ano ang pakay ni Joongwon. Sinabi ni Joongwon kung ano ang nalalaman ni Gongshil tungkol sa kanyang nakaraan at first love na si Hee-jo.
Sabi ni Gongshil ay nakita niya itong kasama si Joongwon. Pero hindi naniniwala si Joongwon.
Patay na ba siya? Alam mo bang nakakakita ako ng mga multo, sabi ni Gongshil.
Habang naghahpunan ang mga security personnel ay napag-usapan nila ang tungkol sa nakaraan ni Joongwon. At kung paanong may sumpa na daw ito kaya hindi pa naiikakasal. Ang tawag pa nga nila dito ay ang "babaeng patay ni Joongwon.
Ito daw yung babaeng nakidnap kasama ni Joongwon pero napatay habang si Joongwon ay nakaligtas.
Sinabi ni Gongshil na nakita niya si Hee-jo nung araw sa park na pinunit ni Joongwon ang sketch. Habang paalis si Joongwon ay may nakita itong bahay ng gagamba at sinira niya. Nakita daw ni Gongshil si Hee-jo na nakatitig kay Joongwon.
So nakakakita ka pala ng multo..Ilang beses na ba?
Itinuro ni Gongshil ang isang rocking chair at wind vane na gumagalaw magisa kahit walang hangin. Pinaglalaruan daw ito ng isang multo. Nagsimula daw kasing mabuksan ang kanyang third eye nung maaksidente siya at muntik na siyang mamatay. Lagi na daw siyang sinusundan ng mga multo at kadalasan ay humihingi ito ng pabor sa kanya.
Nakita na Gongshil ang multo sa rocking chair na palapit sa kanya at napahawak siya kay Joongwon. Aniya kapag hinahawakan daw niya si Joongwon ay biglang naglalaho ang multo. Kahit siya ay nagtataka rin.
"Kapag kasama kita, siguradong makakatulog ako ng mahimbing."
Akala ni Joongwon na inaakit siya ni Gongshil. Kaya sabi niya "kung ikaw ang may-ari nitong building ay baka patulan pa kita. Mahal kaya ang halaga nang lupa dito. Pero hindi ganoon".
"Hindi mo lang kasi alam ang nararamdaman ko. Nakakatakot kaya", sagot ni Gongshil.
"Hindi ako natatakot, dahil hindi ko naman sila nakikita. Mas natatakot ako sayo", sabi ni Joongwon.
Nilapitan ni Joongwon ang rocking chair at wind vane, pinatigil niya ito sa paggalaw. "Tingnan mo, o wala naman di ba." So hindi dahil mayaman at gwapo kaya gusto mo ako kung hindi dahil natatakot ka sa multo?, Galing mo rin"
"Hindi ka ba naaawa sa akin, ang lungkot ko at magisa lang ako", pakiusap ni Gongshil.
Kahit na ang kilalang gold digger na si Candy, ay nag aayos rin at tinatali buhok bago humanap ng lalaki, ani Joongwon.
Kung ganoon okay lang ba na itali ko rin ang buhok ko kagaya nang kay Candy.
Paalis na si Joongwon pero may pahabol pa si Gongshil. "Alam mo ba na ang nickname ko ay Sun."
Sagot ni Joongwon, "kung ikaw ang araw ay ayoko nang makita pang sumikat ang araw kahit kailan."
Palaging sumisikat ang araw, at sa susunod magshashampoo na ako at babalikan kita, saad ni Gongshil.
Nakita ni Kang-woo ang pag-alis ni Joongwon. Nagulat siya at nalamang si Gongshil ang binisita ng boss nya.
Sa bahay ay napansin ni Joongwon na gumalaw ang kanyang kurtina. Kung totoo man na andito lang si Hee-jo ay sana makita niya ito.
Sa isang classroom isang grupo ng mga babae ang ngiispirit calling. Tinatawagan nila ang kaluluwa ng kaklase nilang kamamatay lang upang kausapin ito kung sino ang may kasalanan kung bakit ito naaksidente.
Naputol ang kanilang paglalaro nang biglang dumating ang kanilang guro.
Hindi nila alam na andun lang pala sa may bintana ang kaklase nila at pinagmamasdan sila.
Tatlong babae ang nakatanggap ng picture sa cellphone. Ang sender daw ay ang daw ay ang namatay nilang kaklase. Makikita sa picture sa loob ng mall sa may fountain ang tatlong babae at sa likod nila ay may apparisyon na tila isang multo.
Naging viral ang picture at sangkot na naman dito ang Kingdom dahil sa Kingdom mall ito naganap. Naging usap usapan na naman ang first love ni Joongwon na namatay kaya haunted daw ang mall. Pero marami rin ang nagsasabi na senyales daw ito ng paparating na swerte.
Hindi naniniwala si Jongwoon sa litrato at photoshopped lang daw ito. Kailangan matigil na ang tsismis dahil makakasama sa mall ito lalo na at malapit ng magbukas ang Giant mall sa tapat. At sinilip ni Joongwon ang bagong kakompetensya nila gamit ang telescope.
Bumisita si Gongshil sa Kingdom at nakita niya ang ad kung saan nangangailangan sila nang part-time worker. Agad na nag-apply si Gongshil at tinanggap niya na man ito. Ibinalita niya sa kanyang ate na manager sa isang coffee shop na pag-aari ng Kingdom.
Sinabi niya rin na may alam na siyang paraan kung paano matitigil ang pag-aaligid ng mga kaluluwa sa kanya. Dalawang kape ang inorder ni Gongshil isa para sa kanya at isa para sa multo. Matagal na kasi itong hinihiling nang multo kaya pinagbigyan na ito ni Gongshil. Ito yung multo na naglalaro sa rocking chair.
Nag-usap usap ang tatlong magkakaibigan kung sino ang nagtext sa kanila ng larawang may multo sa likod. Pinadala ba ito sa kanila dahil sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang kaklase nila. Pero wala na man daw silang kinalaman sa nangyari dahil aksidente naman daw ang ikinamatay ng kaklase.
Dismayado si Joongwon dahil malaki ang nagastos nila sa pagpapagawa ng fountain. At sa halip na hangaan ang ganda ng pagkakagawa ay ang napapabalita pang multo ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Duda nga rin ang Auntie Joo niya na baka ang ex ni Joongwon ang multong nasa litrato.
Nang siyasatin ni Joongwon ang fountain para mag imbestiga ay nakita niya si Gongshil na nagmamop sa may bahagi ng fountain.
Siguro ay parte ito ng plano ni Gongshil na akitin siya. Na kunwari ay isa siyang masipag na babae at mahuhulog ang loob ni Joongwon dahil palagi silang nagkakasalubong sa trabaho.
Patawang kinalabit ni Gongshil si Joongwon. Lumayo si Joongwon at sinabing alam niya kung ano ang kailangan ni Gongshil sa kanya.
"Oh sige nga sabihin mo nga sa akin kung may multo ba dito".
Siniyasat ni Gongshil ang paligid ng fountain at sinabing wala siyang nakikita.
"Talagang wala, alam mo ba kung magkano ang nagastos ko sa fountain na ito." ani Joongwon.
Tumawa si Gongshil, "buti na man at naniniwala ka na sa akin na nakakakita talaga ako ng mga kaluluwa".
"Bakit obvious naman na wala talagang multo dito, umalis ka nga sa harapan ko" ani Joongwon.
Ibinalita sa tv ang tungkol sa fountain ghost sighting sa Kingdom mall. At ang mga haka-hakang kunektado ang multong ito sa nangyaring pagkidnap kay Joongwon noon na may ransom na 10 billion won, na kung saan ay hindi nakaligtas ang kanyang kasintahan. Dagdag pa dito ay ang tsismis na haunted daw talaga ang Kingdom dahil sinusundan si Joongwon nang namatay na kasintahan. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin sa pagkidnap sa kanya.
Napanood ni Gongshil ang balita. Aniya di naman si Hee-jo ang multong nasa fountain. Kailangan malaman ni Joongwon ito. Dali-dali niyang hinanap si Joongwon para sabihin ang kanyang nalalaman. Pero hindi siya nito pinansin. Tahimik na pinagmamasdan sila ni Kang-woo.
Kinausap ni Joongwon ang detective kung bakit nagpainterview ito sa tv. Sagot ng detective na malapit na matapos ang statue of limitations ng kaso kaya mas pursigido siyang mahanap na agad ang kidnapper. Baka dahil sa interview eh muling mabuhay ang interes ng mga taong involved sa kaso.
Nagtataka nga ako sayo kung bakit parang wala lang sayo ang lahat, hindi ka ba nakokonsensya na namatay siya at ikaw ay naligtas? tanong ng detective.
Di ba ikaw ang nagsabi na sa kabila ng trahedya ay dapat ipagpatuloy ko pa rin ang buhay, oh eh eto na ako at nabubuhay ng masagana hindi ba kayo natutuwa? sagot ni Joongwon.
Talaga nga bang okay ka na? Oh kaya mo na ba tong basahin? Sabay pakita at abot ng newspaper.
Sa tingin ko ay hindi ka pa talaga tuluyang nakakalimot gaya ng inaakala mo.
Sa bahay, hinikayat ng mga bata si Gongshil na alamin kung sino ang multo sa fountain. Naisip ni Gongshil na baka pagnasolve niya ang kaso sa multo ay baka magustuhan na siya ni Joongwon at tuluyan na silang maging malapit sa isat-isa.
Nang nakaalis na si Gongshil ay sinabi ng nakakatandang bata na ipagpatuloy lang nila ang pagsuporta sa mga kakaibang pinagsasabi ni Gongshil para lagi silang may libreng pagkain.
Pinuntahan ni Gongshil ang mall, at sinubukang hanapin ang multo sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kaluluwang gumgala sa mall. Bagamat takot siya ay pinilit pa rin niyang kausapin ang mga ito.
Nakita siya ni Kangwoo at nilapitan sabay tanong kung anong ginagawa niya sa loob. Depensa ni Gongshil ay dito rin siya sa mall nagtrarabaho at nagpapahinga lamang siya sandali.
"Oras pa ba ngayon ng trabaho?" tanong ni Kangwoo.
"Hindi na nga pero may hinahanap kasi akong gamit na naiwala ko kanina", pagsisinungaling ni Gongshil. Sabay tago sa litrato ng multo. Nag-offer si Kangwoo na tulungan siya sa paghahanap.
Samantala ang tatlong estudyante na involved sa picture ay nandoon din sa mall para magimbestiga.
Tinanong ni Kangwoo kung ang ang hinahanap ni Gongshil pero sabi ni Gongshil ay hindi mo rin naman makikita ito. Biglang nagulat si Gongshil dahil gumalaw ang basurahan.
"Kung natatakot ka, pwede mong hawakan ang mga kamay ko", sabi ni Kangwoo.
Masayang inabot ni Gongshil ito at sabay silang naghanap ng magkahawak kamay.
Nilapitan ng tatlong babae ang fountain. Lingid sa kaalaman nila ay nakatayo pala sa likod nila ang kaluluwa ng namatay na kaibigan.
Nakita sila ni Gongshil.
"Anong ginagawa ng apat na babae dito?" sabi ni Gongshil.
"Tatlo lang sila" sabat ni Kangwoo.
At doon na nagets ni Gongshil kung ano ang ikaapat na babae.
Habang hinahabol ni Kangwoo ang tatlong babae, si Gongshil na man ay nilapitan ang multo at sila ay nagusap.
Pagkatapos ay ang tatlong babae naman ang kinausap ni Gongshil tungkol sa larawan.
Samantala pinuntahan ni Joongwon ang abandonadong warehouse para alalahanin ang nakaraan. Tinanong siya ni sec Kim kung hindi niya ba talaga nakita ang mukha ng kidnapper niya.
Muli ay inalala ni Jongwoon ang mga pangyayari.
Nakatali si Joongwon sa isang upuan habang may papalipat sa kanyang babae. Pero nang makita ito ni Joongwon ay nanlaki ang kanyang mga mata.
"Pero kaya ka naman nila binuhay ay dahil hindi mo alam kung sino sila", sabi ni sec Kim.
"Oo at kaya namatay si Heejo dahil alam niya kung sino sila" dagdag ni Joongwon.
Samantala kasamang nagdinner si Auntie Joo at Yi-ryung. Iniisp ni Yi-ryung kung ang pagiging brand model niya sa Kingdom ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal. Gaya ng Kingdom, nasali ba siya sa sumpa. At kung may nakakita ba sa babaeng nagbigay ng box sa kanyang fiance na siyang naging sanhi ng pagkacancel ng kasal. Sabi ni Auntie Joo ay nakita ito ng asawa niya na VP ng Kingdom.
Kinaumagahan agad na nilapitan ni Gongshil si Joongwon pagkababa nito sa sasakyan.
"Di ba sabi ko sayo ay umalis ka na dito sa kumpanya ko, bakit nandito ka na naman. Umuwi ka na tanggal ka na sa trabaho" Nasisira ang araw ko dahil sayo" sabi ni Joongwon.
Pero hindi pansin ni Gongshil ang mga sinabi ni Joongwon.
"Alam ko na kung sino ang multo sa fountain, kapag sinabi ko ba kung sino at ano ang kailangan nito ay hahayaan mo na akong mgtrabaho dito" sabi ni Gongshil.
Kaya pinuntahan nila ang eskwelahan kung saan dating pumapasok ang multo.
Kinausap nila ang tatlong dalaga na involved sa picture.
Sabi nila palagi daw sila sinusundan ng dalaga kahit ayaw nila. Clumsy daw ito kaya palagi nalalagay sa alanganin ang projects nila kapag kasama nila ito sa grupo. Lagi daw itong sumusabay sa mga lakad nila. Kapag kumakain sila ay binibigyan daw sila ng juice kahit ayaw nila at pilit na kinakain ang pagkain nila. Nung araw na naaksidente ito ay dahil pinauwi daw nila ito dahil hindi nila gustong isama ito sa lakad nila.
Walang magagawa ang pagiyak ninyo. Sabihin niyo na kung sino ang may hawak ng cellphone na ngpakalat ni picture, galit na sabi ni Joongwon.
Pero sabi nila ay baka ang namatay na kaibigan daw ito at sinisisi sila sa mga nangyari.
Itinuro ni Gongshil ang may hawak ng cellphone ng namatay na dalaga. Isa ito sa mga kaklase nila.
Depensa nito, kaya daw niya ito nagawa dahil galit daw siya sa tatlong dalaga. Alam daw niya nag nangyari nung araw ng aksidente dahil nandoon din daw siya sa mall. Nakita niyang bumibili ng juice ang kaklase para ibigay sa tatlong kaibigan nito. Sinundan niya ito pero nakita niya na nang papalapit na ang kaklase ay narinig niya ang tatlong magkaibigan na buti na lang daw at umuwi na ito dahil ayaw nilang kasama ito. Hindi nga lang daw nila masabi na hindi nila gusto ang juice na ibinibigay nito. Sana ay tigilan na nito ang pagsabay sabay sa kanila. Kaya magpapapicture silang tatlo sa may fountain at iuupload ito para malaman niya na hindi siya kasama sa grupo nila.
Narinig itong lahat ng kaklase at umiiyak itong palayo habang tumatawid sa daan kaya ito nabangga ng isang malaking truck. Pinulot ng kaklase ang cellphone at ito ang nagtext ng pictures sa tatlong dalaga. Sinisisi niya ang tatlo sa pagkamatay ng kaklase nila. Nag away away sila at nagkasakitan sa loob ng classroom.
Sa labas ay umiiyak ang tatlo at iniisip nila na sila nga ba ang dahilan kung bakit naaksidente ang kaibigan. Nakatanggap sila ng text na sinsabing nakikinig ito sa kanila ngayon.
Kaya sabay silang humingi ng sorry sa namatay na kaibigan.
Sa vending machine naman ay nahulog ang tatlong juice na palaging ibinibigay ng kaibigan sa kanila. Kaya naisip nila na ito ay signal na tinanggap na ng namatay na kaibigan ang paghingi nila ng tawad.
Samantala habang ngpapaalam si Gongshil sa kaluluwa ng dalaga ay nagmamadaling umalis si Joongwon.
Kinausap ni Gongshil si sec Kim na pwede na ba siyang manatili sa trabaho.
"Pumayag na siyang magtrabaho dito sa kundisyon na hindi mo siya lalapitan kahit kailan. Huwag ka nang aakyat sa 4th floor, hayaan mo siyang bumaba para sayo", sagot ni Sec Kim.
"Anong gagawin ni Joongwon sa babaeng nagpakalat ng picture" tanong ni Gongshil.
"Hindi na mahalaga pa yun dahil nagustuhan naman ni Joongwon ang outcome ng publicity" makahulugang sabi ni Sec Kim.
Yun pala ay dahil pinipilahan na ng mga tao ang fountain upang mghulog ng coin. Naging wishing fountain na ito.
"Ipakalat niyo sa mga balita na ngkakatotoo ang mga wishes dito sa fountain" utos ni Joongwon.
At bilang halimbawa ay binigyan niya ng laruan ang isang batang lalaki na ngwiwish sa fountain ng laruan.
Kinausap ni Auntie Joo si Joongwon tungkol sa nakaraan nito.
"Kaya ka ba hindi nakakamove on sa past mo ay dahil hanggang ngayon ay naguguilty ka pa rin", tanong ni Aunt Joo.
"Paulit ulit ko na lang naririnig ang tanong na yan, at lagi kong sinasabi na dapat ay magpatuloy pa rin ang buhay ko" sabi ni Joongwon.
"Huwag kang mag alala dahil kahit kailan ay hindi ko naisip na kasalanan ko ang nangyari" dagdag ni Joongwon.
Pero hindi naniniwala si Aunt Joo at VP husband nito.
Nang mapag-isa si Joongwon ay binalikan na naman niya ang mga pangyayari.
Kung saan nakita niya si Heejo na nakatayo at nakatingin lamang sa kanya habang siya ay nakatali.
"Okay ka lang ba, ano bang nangyari" tanong ni Joongwon.
Pero paulit ulit lang na sorry ang sagot ni Heejo.
Paumaga na at nasabi ni Joongwon na dapat sana ay hindi namatay si Heejo.
Kausap ni Kangwoo sa cellphone nito ang secret boos. Sinabi niyang hindi link sa insidente ng multo ang insedente sa kidnapping. Pero may isa silang problema. May babaeng umaaligid ngayon kay Joongwon. Ang tinutukoy ni Kangwoo ay si Gongshil.
Pinipilit makipagkilala at makipagkaibigan ng mga kasamahan ni Gongshil sa trabaho sa kanya. Samantalang siya naman ay may kinakausap sa hangin. Sinabi ni Gongshil sa isang kasamahan kung death anniversary ba ng father in law nito na agad naman sinang ayunan ng kasama at ngmamadaling umuwi.
Nakita ni VP uncle si Gongshil at naalala niya na ito ang may dala ng box sa cancelled wedding ni Yi-ryung. Sinabihan niya si Aunt Joo tungkol dito.
Habang nakikipagusap si Gongshil sa mga kasama ay nilapitan siya ni Kangwoo at sana daw ay sabay na silang umuwi dahil nasa iisang building lang naman sila. Agad na pumayag si Gongshil.
Nakita ni Joongwon ang mga pangyayari. At kitang kita niya kung paano inayos ayos ni Gongshil ang sarili sa salamin. Nilapitan siya ni Joongwon at kinausap tungkol sa mga multo. Nang kinausap siya ni Gongshil ay agad namang bumaliktad si Joongwoon at sabing "gumagawa ka na nama ng dahilan para kausapin ako ano".
"Gusto ko sanang humingi ng pasensya, hindi ko alam ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Heejo. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na binanggit pa si Heejo sayo. Pero hindi mo kasalanan ang lahat at okay lang na maging masaya at magmove on ka. Kaya wag ka nang magguilty." sabi ni Gonshil.
Ikinagalit ni Joongwon ang mga sinabi ni Gongshil. "Kapag nakita mo ang kaluluwa ni Heejo ay sabihin mo na sinabi ko na Maldita Ka...".
Labels:
Master's Sun
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment