Wednesday, August 31, 2016

Chris Brown Inaresto sa L.A.

Inaresto si Chris Brown ng mga pulis matapos ireklamo ng isang babae nang panunutok ng baril.

Ayon kay Baylee Curran (isang beauty queen) sa LA Times ay tinutukan daw siya sa mukha ng baril ni Brown matapos niyang tingnan at lapitan ang hinahangaang alahas ng kaibigan nito.

Nagpunta ang mga pulis sa bahay ni Brown matapos makatanggap nang tawag reklamo mula sa biktima na nakaalis na sa mga oras na yun.

Sinabi ni Ms Curran na nagpunta siya sa bahay ni Brown kasama ang kanyang business associate Lunes ng gabi.

Sinabi niya na napahanga lang siya sa diamanteng kuwintas na suot ng kaibigan ni Brown. Nilapitan niya ito pero nagalit diumano ang may-ari ng kwintas at pinalayo siya.

Agad daw nagbunot ng baril si Brown at itinutok ito sa mukha niya sabay sabing umalis siya.

"If somebody put a gun to your head, what would you do? Call the police," saad ni Curran sa instagram niya.

Pahayag naman ng abogado ni Brown ay hindi pawang kasinungalingan at walang katotohan ang mga akusasyon sa kliyente nito.

Si Brown ay napalaya matapos magpiyansa sa halagang $250,000.



Friday, August 26, 2016

Master's Sun Episode 2

 photo master02-00010.jpg

Sa sobrang antok, nakatulog si Gongshil sa balikat ni Joongwon ng nakatayo. Pinipilit siyang gisingin ni Joongwon. Gusto kung matulog kasama ka, matulog tayo, tabihan mo ako, sagot ni Gongshil. Inakala ni Joongwon ay inaakit siya nito.
Gusto mong makasama ako sa pagtulog? Tingnan mo nga ang itsura mo, sabi ni Joongwon.
Iniisip mo bang ang isang katulad ko ay tatabihan ka sa pagtulog. Nanaginip ka ata, gumising ka nga. Nadaplisan ni Joongwon ang buhok ni Gongshil at narindi siya dahal napaka oily nito. Nang amuyin niya ito ay lalo siyang narindi dahil mabaho daw ito.

Nagising si Gongshil at tinanong kung ano ang pakay ni Joongwon. Sinabi ni Joongwon kung ano ang nalalaman ni Gongshil tungkol sa kanyang nakaraan at first love na si Hee-jo.

Sabi ni Gongshil ay nakita niya itong kasama si Joongwon. Pero hindi naniniwala si Joongwon.
Patay na ba siya? Alam mo bang nakakakita ako ng mga multo, sabi ni Gongshil.

Habang naghahpunan ang mga security personnel ay napag-usapan nila ang tungkol sa nakaraan ni Joongwon. At kung paanong may sumpa na daw ito kaya hindi pa naiikakasal. Ang tawag pa nga nila dito ay ang "babaeng patay ni Joongwon.
Ito daw yung babaeng nakidnap kasama ni Joongwon pero napatay habang si Joongwon ay nakaligtas.

Sinabi ni Gongshil na nakita niya si Hee-jo nung araw sa park na pinunit ni Joongwon ang sketch. Habang paalis si Joongwon ay may nakita itong bahay ng gagamba at sinira niya. Nakita daw ni Gongshil si Hee-jo na nakatitig kay Joongwon.

 photo master02-00064.jpg

So nakakakita ka pala ng multo..Ilang beses na ba?
Itinuro ni Gongshil ang isang rocking chair at wind vane na gumagalaw magisa kahit walang hangin. Pinaglalaruan daw ito ng isang multo. Nagsimula daw kasing mabuksan ang kanyang third eye nung maaksidente siya at muntik na siyang mamatay. Lagi na daw siyang sinusundan ng mga multo at kadalasan ay humihingi ito ng pabor sa kanya.

Nakita na Gongshil ang multo sa rocking chair na palapit sa kanya at napahawak siya kay Joongwon. Aniya kapag hinahawakan daw niya si Joongwon ay biglang naglalaho ang multo. Kahit siya ay nagtataka rin.


"Kapag kasama kita, siguradong makakatulog ako ng mahimbing."


 photo master02-00106.jpg

Akala ni Joongwon na inaakit siya ni Gongshil. Kaya sabi niya "kung ikaw ang may-ari nitong building ay baka patulan pa kita. Mahal kaya ang halaga nang lupa dito. Pero hindi ganoon".

"Hindi mo lang kasi alam ang nararamdaman ko. Nakakatakot kaya", sagot ni Gongshil.


"Hindi ako natatakot, dahil hindi ko naman sila nakikita. Mas natatakot ako sayo", sabi ni Joongwon.


Nilapitan ni Joongwon ang rocking chair at wind vane, pinatigil niya ito sa paggalaw. "Tingnan mo, o wala naman di ba." So hindi dahil mayaman at gwapo kaya gusto mo ako kung hindi dahil natatakot ka sa multo?, Galing mo rin"


"Hindi ka ba naaawa sa akin, ang lungkot ko at magisa lang ako", pakiusap ni Gongshil.


Kahit na ang kilalang gold digger na si Candy, ay nag aayos rin at tinatali buhok bago humanap ng lalaki, ani Joongwon.

 photo master02-00130.jpg

Kung ganoon okay lang ba na itali ko rin ang buhok ko kagaya nang kay Candy.

 photo master02-00138.jpg

Paalis na si Joongwon pero may pahabol pa si Gongshil. "Alam mo ba na ang nickname ko ay Sun."

Sagot ni Joongwon, "kung ikaw ang araw ay ayoko nang makita pang sumikat ang araw kahit kailan."

Palaging sumisikat ang araw, at sa susunod magshashampoo na ako at babalikan kita, saad ni Gongshil.

 photo master02-00161.jpg

Nakita ni Kang-woo ang pag-alis ni Joongwon. Nagulat siya at nalamang si Gongshil ang binisita ng boss nya.

Sa bahay ay napansin ni Joongwon na gumalaw ang kanyang kurtina. Kung totoo man na andito lang si Hee-jo ay sana makita niya ito.

Sa isang classroom isang grupo ng mga babae ang ngiispirit calling. Tinatawagan nila ang kaluluwa ng kaklase nilang kamamatay lang upang kausapin ito kung sino ang may kasalanan kung bakit ito naaksidente.
Naputol ang kanilang paglalaro nang biglang dumating ang kanilang guro.

Hindi nila alam na andun lang pala sa may bintana ang kaklase nila at pinagmamasdan sila.
 photo master02-00181.jpg
Tatlong babae ang nakatanggap ng picture sa cellphone. Ang sender daw ay ang daw ay ang namatay nilang kaklase. Makikita sa picture sa loob ng mall sa may fountain ang tatlong babae at sa likod nila ay may apparisyon na tila isang multo.

 photo master02-00187.jpg

Naging viral ang picture at sangkot na naman dito ang Kingdom dahil sa Kingdom mall ito naganap. Naging usap usapan na naman ang first love ni Joongwon na namatay kaya haunted daw ang mall. Pero marami rin ang nagsasabi na senyales daw ito ng paparating na swerte.

Hindi naniniwala si Jongwoon sa litrato at photoshopped lang daw ito. Kailangan matigil na ang tsismis dahil makakasama sa mall ito lalo na at malapit ng magbukas ang Giant mall sa tapat. At sinilip ni Joongwon ang bagong kakompetensya nila gamit ang telescope.

 photo master02-00200.jpg

Bumisita si Gongshil sa Kingdom at nakita niya ang ad kung saan nangangailangan sila nang part-time worker. Agad na nag-apply si Gongshil at tinanggap niya na man ito. Ibinalita niya sa kanyang ate na manager sa isang coffee shop na pag-aari ng Kingdom.

Sinabi niya rin na may alam na siyang paraan kung paano matitigil ang pag-aaligid ng mga kaluluwa sa kanya. Dalawang kape ang inorder ni Gongshil isa para sa kanya at isa para sa multo. Matagal na kasi itong hinihiling nang multo kaya pinagbigyan na ito ni Gongshil. Ito yung multo na naglalaro sa rocking chair.

 photo master02-00219.jpg

Nag-usap usap ang tatlong magkakaibigan kung sino ang nagtext sa kanila ng larawang may multo sa likod. Pinadala ba ito sa kanila dahil sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang kaklase nila. Pero wala na man daw silang kinalaman sa nangyari dahil aksidente naman daw ang ikinamatay ng kaklase.

Dismayado si Joongwon dahil malaki ang nagastos nila sa pagpapagawa ng fountain. At sa halip na hangaan ang ganda ng pagkakagawa ay ang napapabalita pang multo ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Duda nga rin ang Auntie Joo niya na baka ang ex ni Joongwon ang multong nasa litrato.

Nang siyasatin ni Joongwon ang fountain para mag imbestiga ay nakita niya si Gongshil na nagmamop sa may bahagi ng fountain.

 photo master02-00268.jpg

 photo master02-00270.jpg

Siguro ay parte ito ng plano ni Gongshil na akitin siya. Na kunwari ay isa siyang masipag na babae at mahuhulog ang loob ni Joongwon dahil palagi silang nagkakasalubong sa trabaho.

Patawang kinalabit ni Gongshil si Joongwon. Lumayo si Joongwon at sinabing alam niya kung ano ang kailangan ni Gongshil sa kanya.

"Oh sige nga sabihin mo nga sa akin kung may multo ba dito".

Siniyasat ni Gongshil ang paligid ng fountain at sinabing wala siyang nakikita.

"Talagang wala, alam mo ba kung magkano ang nagastos ko sa fountain na ito." ani Joongwon.

Tumawa si Gongshil, "buti na man at naniniwala ka na sa akin na nakakakita talaga ako ng mga kaluluwa".

"Bakit obvious naman na wala talagang multo dito, umalis ka nga sa harapan ko" ani Joongwon.

Ibinalita sa tv ang tungkol sa fountain ghost sighting sa Kingdom mall. At ang mga haka-hakang kunektado ang multong ito sa nangyaring pagkidnap kay Joongwon noon na may ransom na 10 billion won, na kung saan ay hindi nakaligtas ang kanyang kasintahan. Dagdag pa dito ay ang tsismis na haunted daw talaga ang Kingdom dahil sinusundan si Joongwon nang namatay na kasintahan. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin sa pagkidnap sa kanya.

Napanood ni Gongshil ang balita. Aniya di naman si Hee-jo ang multong nasa fountain. Kailangan malaman ni Joongwon ito. Dali-dali niyang hinanap si Joongwon para sabihin ang kanyang nalalaman. Pero hindi siya nito pinansin. Tahimik na pinagmamasdan sila ni Kang-woo.

Kinausap ni Joongwon ang detective kung bakit nagpainterview ito sa tv. Sagot ng detective na malapit na matapos ang statue of limitations ng kaso kaya mas pursigido siyang mahanap na agad ang kidnapper. Baka dahil sa interview eh muling mabuhay ang interes ng mga taong involved sa kaso.
Nagtataka nga ako sayo kung bakit parang wala lang sayo ang lahat, hindi ka ba nakokonsensya na namatay siya at ikaw ay naligtas? tanong ng detective.

Di ba ikaw ang nagsabi na sa kabila ng trahedya ay dapat ipagpatuloy ko pa rin ang buhay, oh eh eto na ako at nabubuhay ng masagana hindi ba kayo natutuwa? sagot ni Joongwon.

Talaga nga bang okay ka na? Oh kaya mo na ba tong basahin? Sabay pakita at abot ng newspaper.

Sa tingin ko ay hindi ka pa talaga tuluyang nakakalimot gaya ng inaakala mo.

 photo master02-00335.jpg

Sa bahay, hinikayat ng mga bata si Gongshil na alamin kung sino ang multo sa fountain. Naisip ni Gongshil na baka pagnasolve niya ang kaso sa multo ay baka magustuhan na siya ni Joongwon at tuluyan na silang maging malapit sa isat-isa.

Nang nakaalis na si Gongshil ay sinabi ng nakakatandang bata na ipagpatuloy lang nila ang pagsuporta sa mga kakaibang pinagsasabi ni Gongshil para lagi silang may libreng pagkain.

 photo master02-00357.jpg

Pinuntahan ni Gongshil ang mall, at sinubukang hanapin ang multo sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kaluluwang gumgala sa mall. Bagamat takot siya ay pinilit pa rin niyang kausapin ang mga ito.

Nakita siya ni Kangwoo at nilapitan sabay tanong kung anong ginagawa niya sa loob. Depensa ni Gongshil ay dito rin siya sa mall nagtrarabaho at nagpapahinga lamang siya sandali.

"Oras pa ba ngayon ng trabaho?" tanong ni Kangwoo.
"Hindi na nga pero may hinahanap kasi akong gamit na naiwala ko kanina", pagsisinungaling ni Gongshil. Sabay tago sa litrato ng multo. Nag-offer si Kangwoo na tulungan siya sa paghahanap.

Samantala ang tatlong estudyante na involved sa picture ay nandoon din sa mall para magimbestiga.

Tinanong ni Kangwoo kung ang ang hinahanap ni Gongshil pero sabi ni Gongshil ay hindi mo rin naman makikita ito. Biglang nagulat si Gongshil dahil gumalaw ang basurahan.

"Kung natatakot ka, pwede mong hawakan ang mga kamay ko", sabi ni Kangwoo.

Masayang inabot ni Gongshil ito at sabay silang naghanap ng magkahawak kamay.

Nilapitan ng tatlong babae ang fountain. Lingid sa kaalaman nila ay nakatayo pala sa likod nila ang kaluluwa ng namatay na kaibigan.

Nakita sila ni Gongshil.

"Anong ginagawa ng apat na babae dito?" sabi ni Gongshil.
 photo master02-00423.jpg

"Tatlo lang sila" sabat ni Kangwoo.

At doon na nagets ni Gongshil kung ano ang ikaapat na babae.

Habang hinahabol ni Kangwoo ang tatlong babae, si Gongshil na man ay nilapitan ang multo at sila ay nagusap.

Pagkatapos ay ang tatlong babae naman ang kinausap ni Gongshil tungkol sa larawan.

Samantala pinuntahan ni Joongwon ang abandonadong warehouse para alalahanin ang nakaraan. Tinanong siya ni sec Kim kung hindi niya ba talaga nakita ang mukha ng kidnapper niya.
Muli ay inalala ni Jongwoon ang mga pangyayari.

 photo master02-00456.jpg

 photo master02-00458.jpg

Nakatali si Joongwon sa isang upuan habang may papalipat sa kanyang babae. Pero nang makita ito ni Joongwon ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Pero kaya ka naman nila binuhay ay dahil hindi mo alam kung sino sila", sabi ni sec Kim.

"Oo at kaya namatay si Heejo dahil alam niya kung sino sila" dagdag ni Joongwon.

Samantala kasamang nagdinner si Auntie Joo at Yi-ryung. Iniisp ni Yi-ryung kung ang pagiging brand model niya sa Kingdom ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal. Gaya ng Kingdom, nasali ba siya sa sumpa. At kung may nakakita ba sa babaeng nagbigay ng box sa kanyang fiance na siyang naging sanhi ng pagkacancel ng kasal. Sabi ni Auntie Joo ay nakita ito ng asawa niya na VP ng Kingdom.

Kinaumagahan agad na nilapitan ni Gongshil si Joongwon pagkababa nito sa sasakyan.

"Di ba sabi ko sayo ay umalis ka na dito sa kumpanya ko, bakit nandito ka na naman. Umuwi ka na tanggal ka na sa trabaho" Nasisira ang araw ko dahil sayo" sabi ni Joongwon.

Pero hindi pansin ni Gongshil ang mga sinabi ni Joongwon.

"Alam ko na kung sino ang multo sa fountain, kapag sinabi ko ba kung sino at ano ang kailangan nito ay hahayaan mo na akong mgtrabaho dito" sabi ni Gongshil.

Kaya pinuntahan nila ang eskwelahan kung saan dating pumapasok ang multo.

Kinausap nila ang tatlong dalaga na involved sa picture.

 photo master02-00502.jpg

Sabi nila palagi daw sila sinusundan ng dalaga kahit ayaw nila. Clumsy daw ito kaya palagi nalalagay sa alanganin ang projects nila kapag kasama nila ito sa grupo. Lagi daw itong sumusabay sa mga lakad nila. Kapag kumakain sila ay binibigyan daw sila ng juice kahit ayaw nila at pilit na kinakain ang pagkain nila. Nung araw na naaksidente ito ay dahil pinauwi daw nila ito dahil hindi nila gustong isama ito sa lakad nila.

Walang magagawa ang pagiyak ninyo. Sabihin niyo na kung sino ang may hawak ng cellphone na ngpakalat ni picture, galit na sabi ni Joongwon.

Pero sabi nila ay baka ang namatay na kaibigan daw ito at sinisisi sila sa mga nangyari.

Itinuro ni Gongshil ang may hawak ng cellphone ng namatay na dalaga. Isa ito sa mga kaklase nila.

Depensa nito, kaya daw niya ito nagawa dahil galit daw siya sa tatlong dalaga. Alam daw niya nag nangyari nung araw ng aksidente dahil nandoon din daw siya sa mall. Nakita niyang bumibili ng juice ang kaklase para ibigay sa tatlong kaibigan nito. Sinundan niya ito pero nakita niya na nang papalapit na ang kaklase ay narinig niya ang tatlong magkaibigan na buti na lang daw at umuwi na ito dahil ayaw nilang kasama ito. Hindi nga lang daw nila masabi na hindi nila gusto ang juice na ibinibigay nito. Sana ay tigilan na nito ang pagsabay sabay sa kanila. Kaya magpapapicture silang tatlo sa may fountain at iuupload ito para malaman niya na hindi siya kasama sa grupo nila.

Narinig itong lahat ng kaklase at umiiyak itong palayo habang tumatawid sa daan kaya ito nabangga ng isang malaking truck. Pinulot ng kaklase ang cellphone at ito ang nagtext ng pictures sa tatlong dalaga. Sinisisi niya ang tatlo sa pagkamatay ng kaklase nila. Nag away away sila at nagkasakitan sa loob ng classroom.

Sa labas ay umiiyak ang tatlo at iniisip nila na sila nga ba ang dahilan kung bakit naaksidente ang kaibigan. Nakatanggap sila ng text na sinsabing nakikinig ito sa kanila ngayon.

Kaya sabay silang humingi ng sorry sa namatay na kaibigan.

Sa vending machine naman ay nahulog ang tatlong juice na palaging ibinibigay ng kaibigan sa kanila. Kaya naisip nila na ito ay signal na tinanggap na ng namatay na kaibigan ang paghingi nila ng tawad.

 photo master02-00534.jpg

 photo master02-00536.jpg

Samantala habang ngpapaalam si Gongshil sa kaluluwa ng dalaga ay nagmamadaling umalis si Joongwon.

Kinausap ni Gongshil si sec Kim na pwede na ba siyang manatili sa trabaho.

 photo master02-00561.jpg
"Pumayag na siyang magtrabaho dito sa kundisyon na hindi mo siya lalapitan kahit kailan. Huwag ka nang aakyat sa 4th floor, hayaan mo siyang bumaba para sayo", sagot ni Sec Kim.

"Anong gagawin ni Joongwon sa babaeng nagpakalat ng picture" tanong ni Gongshil.

"Hindi na mahalaga pa yun dahil nagustuhan naman ni Joongwon ang outcome ng publicity" makahulugang sabi ni Sec Kim.

Yun pala ay dahil pinipilahan na ng mga tao ang fountain upang mghulog ng coin. Naging wishing fountain na ito.
"Ipakalat niyo sa mga balita na ngkakatotoo ang mga wishes dito sa fountain" utos ni Joongwon.

At bilang halimbawa ay binigyan niya ng laruan ang isang batang lalaki na ngwiwish sa fountain ng laruan.

 photo master02-00580.jpg

Kinausap ni Auntie Joo si Joongwon tungkol sa nakaraan nito.

"Kaya ka ba hindi nakakamove on sa past mo ay dahil hanggang ngayon ay naguguilty ka pa rin", tanong ni Aunt Joo.

"Paulit ulit ko na lang naririnig ang tanong na yan, at lagi kong sinasabi na dapat ay magpatuloy pa rin ang buhay ko" sabi ni Joongwon.

"Huwag kang mag alala dahil kahit kailan ay hindi ko naisip na kasalanan ko ang nangyari" dagdag ni Joongwon.

Pero hindi naniniwala si Aunt Joo at VP husband nito.

Nang mapag-isa si Joongwon ay binalikan na naman niya ang mga pangyayari.

Kung saan nakita niya si Heejo na nakatayo at nakatingin lamang sa kanya habang siya ay nakatali.

"Okay ka lang ba, ano bang nangyari" tanong ni Joongwon.
 photo master02-00617.jpg

Pero paulit ulit lang na sorry ang sagot ni Heejo.
 photo master02-00605.jpg

Paumaga na at nasabi ni Joongwon na dapat sana ay hindi namatay si Heejo.

Kausap ni Kangwoo sa cellphone nito ang secret boos. Sinabi niyang hindi link sa insidente ng multo ang insedente sa kidnapping. Pero may isa silang problema. May babaeng umaaligid ngayon kay Joongwon. Ang tinutukoy ni Kangwoo ay si Gongshil.

Pinipilit makipagkilala at makipagkaibigan ng mga kasamahan ni Gongshil sa trabaho sa kanya. Samantalang siya naman ay may kinakausap sa hangin. Sinabi ni Gongshil sa isang kasamahan kung death anniversary ba ng father in law nito na agad naman sinang ayunan ng kasama at ngmamadaling umuwi.

Nakita ni VP uncle si Gongshil at naalala niya na ito ang may dala ng box sa cancelled wedding ni Yi-ryung. Sinabihan niya si Aunt Joo tungkol dito.

Habang nakikipagusap si Gongshil sa mga kasama ay nilapitan siya ni Kangwoo at sana daw ay sabay na silang umuwi dahil nasa iisang building lang naman sila. Agad na pumayag si Gongshil.

 photo master02-00654.jpg

 photo master02-00680.jpg
Nakita ni Joongwon ang mga pangyayari. At kitang kita niya kung paano inayos ayos ni Gongshil ang sarili sa salamin. Nilapitan siya ni Joongwon at kinausap tungkol sa mga multo. Nang kinausap siya ni Gongshil ay agad namang bumaliktad si Joongwoon at sabing "gumagawa ka na nama ng dahilan para kausapin ako ano".

"Gusto ko sanang humingi ng pasensya, hindi ko alam ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Heejo. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na binanggit pa si Heejo sayo. Pero hindi mo kasalanan ang lahat at okay lang na maging masaya at magmove on ka. Kaya wag ka nang magguilty." sabi ni Gonshil.

Ikinagalit ni Joongwon ang mga sinabi ni Gongshil. "Kapag nakita mo ang kaluluwa ni Heejo ay sabihin mo na sinabi ko na Maldita Ka...".

 photo master02-00702.jpg





























Wednesday, August 24, 2016

Master's Sun Episode 1

 photo master1-00013.jpg
 photo master1-00067.jpgGabi na at masama ang panahon na tila may bagyo. Tinawag may-ari ng landlady ang dalagang tagalinis na nagngangalang TAE GONG-SHIL (Gong Hyo-jin). Inutusan siya nito na linisin ang room 404 na nabakante na naman at iniwan ng tenant. Nagtataka ang may-ari kung bakit walang ngtatagal sa kwartong yun. Mangiyak-ngiyak na umakyat si Gong-Shil papunta sa kuwarto at mukhang takot na takot. Binuksan niya ng bahagya ang pintuan sa 404. Nakita niya na may kung anong ilaw na parang kidlat sa loob at ng binuksan niya ang ilaw at agad naman itong nawala. Sinimulan niyang linisin ang paligid nang biglang namatay ang ilaw at sumarado ang pinto. Napasigaw siya at biglang may lumitaw na matandang babaeng multo sa harapang niya.  photo master1-00048.jpg  photo master1-00054.jpg Nagmadaling lumabas si Gong-shil pero sinundan siya ng matandang multo. Lahat ng ilaw na madaanan niya ay namamatay bigla kaya lalong dumilim ang paligid. Pumasok siya sa kanyang kwarto kung saan may bawang at cross na nakapulupot sa door knob. Sabay sigaw sa multo na iwan siya. Pero sinundan pa rin siya ng matandang multo sa loob.  photo master1-00062.jpg Walang nagawa si Gong-shil kundi sundin ang pakiusap ng matandang multo. Pinuntahan niya ang lugar kung saan nakaburol ang matanda. Ibingay ni Gong-shil ang isang sobre na naglalaman ng 10 million won sa anak na lalaki ng multo para magamit nila sa pagpapalibing at pambayad ng utang. Sinabihan niya rin ang lalaki na tumigil na sa pagsusugal. Na kapag nagsugal uli ito ay babalik ang ina at puputulin ang kanyang mga kamay. Iniwan ni Gong-shil ang magkakapatid na nagtatalo dahil sa pera. At tuluyan narin umalis ang matandang multo.  photo master1-00086.jpg  photo master1-00083.jpg

Sa kabilang eksena
Makikita natin si JOO JOONG-WON (So Ji-sub) na kinakausap ang isang matandang lalaki na pumayag na bilhin ang kanilang bahay at lupa. Ngunit nagmamatigas ang matanda sa kadahilanang hindi nais ng namayapa niyang asawa na ibenta ang kanilang bahay.
Nais ni Joong-won, Presidente ng Kingdom Group na gawing golf course ang lugar. Ang ginawa niya pinilit niyang kausapin ang isang puting rose na paboritong tanim ng namayapa na tumango ito kung ayaw niyang ibenta ang bahay at paghindi ay puputulin niya ang bulaklak. Hindi gumalaw ang bulaklak kaya pinutol niya ito.

 photo master1-00092.jpg



Sinabihan ni Joong-won ang may-ari na pirmahan na ang kontrata gaya ng napagusapan nila. At kung bakit ito naniniwala sa mga bagay na hindi naman nakikita. Ang mga patay ay hindi na dapat isali pa dahil sila ay patay na at tayo ay buhay pa. Kahit kailan man ay hindi siya maniniwala sa mga paranormal dahil siya ay makapangyarihan at Presidente ng napakalaking kompanya.

 photo master1-00105.jpg

Lumabas siya ng bahay at niyakap ang ulan sabay sigaw na nakatingin sa taas na kung may mali siya ay tamaan sana siya ng kidlat. Walng nangyari kaya tuluyan na siyang umalis. Sinigawan siya ng may-ari. "kung talagang ma multo siguradong babalikan ka".

 photo master1-00103.jpg

Sa loob ng sasakyan pinili ni Joong-won basahin ang kontrata pero pagtingin niya ay gumagalaw ang mga letra at hindi niya mabasa ang nilalaman nito.

Habang nagdadrive ang kanyang secretary na c Kim nakita niya si Gong-shil na pinapara ang kanilang sasakyan. Malakas kasi ang ulan at mukhang gusto nitong makisakay sa kanila. Sabi ni Joong-won na ipagpatuloy ang pagtakbo at wag pansinin ang babae. Biglang may nakitang parang lumilipad si sec Kim kaya bigla itong napahinto. Agad agad pumasok c Gong-shil at tumabi ky Joong-won.

 photo master1-00121.jpg

 photo master1-00120.jpg

Inis na inis si Joong-won sa nangyari. Sinabi ni Gong-shil na isang babae ang nagsabi sa kanya na na maghintay doon at may magpapasakay sa kanya. "Kung naiwasan mo ang kidlat ay tiyak kung ako ay hindi mo maiiwasan, yun ang sabi ng matanda.

Inutusan ni Joong-won na pababain si Gong-shil agad agad.

Biglang napasigawsi Gong-shil ng may makita na multo sa daan at ng dinaanan ito ng sasakyan ay biglang napunta sa front seat ang multo. Agad napahawak si Gong-shil sa balikat ni Joong-won pero itinulak siya nito palayo.

 photo master1-00134.jpg

Nawala agad ang multo pero sinundan pa rin siya nito ng makababa na sila. Naisip na Gong-shil na hindi talaga siya lulubayan nito hanggat hindi niyo sinusunod ang kahilingan nito.

Nakita siya ni Joong-won na nagsasalitang mag-isa habang nilalagyan na soju ang baso niya at baso na para sa isa pero wala naman. Tumatawa pa itong si Gong-shil. Napailing na lang si Joong-won sa baliw na babaeng ito.

Nang makita siya ni Gong-shil na paalis ay agad niya itong tinawag pero may multo na humabol sa kanya kaya napahawak na naman siya kay Joong-won.

Inis na inis na naman si Joon-won at sabi niya na pinakaayaw niya sa lahat ay mga taong gustong magnakaw sa kanyang pera at pangalawa ay ang mga taong gustong hawakan siya sa katawan.

 photo master1-00157.jpg

Agad na humingi si Gong-shil ng paumanhin. Pero nadiscover niya na kapag hinahawakan niya ang gwapong lalaki ay nawawala ang mga multo na gumugulo sa kanya. Tuwang tuwa siya na may solusyon na pala sa kanyang problema at isang gwapo at hot na lalaki pa. Agad niyang pinisil pisil si Joong-won.

Sinabi ni Joong-won na kung gusto niyang mawala ang humahabol sa kanya ay tumalikod siya at maghintay. Nang nakatalikod na si Gong-shil ay dali-dali si Joong-won na sumakay at pinaharurot ang sasakyan.Naiwan si Gong-shil doon.

Sa loob ng sasakyan ay nakita ni Joong-won ang bulaklak na pinutol niya sa raincoat ni Gong-shil. Agad siyang napaisip kung may koneksyon ba ang sinabi kanina ni Gong-shil tungkol sa kidlat, sa bulaklak at sa namayapang may-ari ng bahay na nabili niya.

Sa kabilang eksena isang lalaki (Jin Yi-han) ang nagpapala ng lupa malapit sa isang malaking puno.

 photo master1-00177.jpg

Nasaan na, sigaw ng lalaki. At sa ibabaw ng lalaki ay may nakalutang na isang multo.

Nang sumunod na araw nabalitaan ni Joong-won ang announcement ng kasal ng isa sa kanilang brand model na si Tae Yi-Ryung (Kim Yuri) at ng isang soccer star na si Yoo Hye-sung.
 photo master1-00198.jpg
Siya ang lalaking may hinahanap na nakalibing sa lupa. Hindi nagustuhan ni Joon-won ang announcement dahil hindi pa daw umeere and advertisement ng model nila. Mas mabuti daw sana na umeere muna ang advertisement bago ang announcement para mas mapag-usapan ang Kingdom.

Ipinakita ni sec Kim kay Joong-won ang isang litrato na kung saan si Hye-sung ay may kasamang ibang babae pero nakascratch ang mukha ng babae kaya hindi ito makilala. Nakasuot sila pareho ng damit pangkasal, kaya iniisip nila na binablackmail si Hye-sung gamit ang litratong ito.

Samantala si Yi-ryung naman ay hinahanap ang mga dating kaiban sa kanyang yearbook nakita niya si Gong-shil at naisip niya na imbitahan ito kahit hindi naman sila magkaibigan.

Pauwi na si Gong-shil at nakasalubong niya sa apartment and dalawang batang lalaki. Pinapasok niya ito sa kwarto at binigyan ng pagkain. Sinabi ng mga bata na sinabi daw ng landlady na weird si Gong-shil. Paliwanag ni Gong-shil hindi siy baliw, nasangkot lang siya sa isang malaking aksidente at doon nagsimula ang lahat. bigla siyang nagbago. Pinilit niyang maging normal pero hindi niya magawa dahil lagi niyang nakikita ang mga multo. Pati trabaho niya ay naapektuhan na din. Kahit sa lovelife niya ay umeeksena ang mga multo kaya wala siyang nagtatagal na nobyo. Takot na takot siya na baka akala niya ay tao yun pala ay isang multo.

 photo master1-00219.jpg

Sinabi ng bata na bakit hindi siya maghanap ng boyfriend. Ganoon ang ginawa ng mama niya para hindi ito malungkot. Naisip ni Gong-shil si Joong-woon sabay sabi" Papansinin kaya niya ako".

Kinausap ni Joong-won ang groom tungkol sa litrato. Paliwanag nito na ex-girlfriend niya ang babae sa litrato. Iniwan siya nito bago pa man siya sumikat. Kaya ito ang nagsilbing inspirasyon niya para maabot ang kasikatan na meron siya ngayon. Sa katunayan ay sinusuot pa rin niya ang bigay na bracelet nito bilang tanda na dapat siyang magsumikap.

Nagdesisyon si Gong-shil na hanapin si Joong-won. Pinuntahan niya ang headquarters nito at ng sumilip siya sa pinto ay nakita niya ang multo ng isang babaeng nakadamit pangkasal. Agad siyang tumakbo pero sinundan siya nito.

 photo master1-00241.jpg

Kinausap niya na lang ito at sinabihan siya na kailang niyang kausapin si Hye-sung tunkol sa bagay na nakalibing sa may puno. Papasok na sana siya sa elevator ng bigla siyang hinablot sa buhok ni Joong-won. Tumawag ito ng security pero sinabi ni Gong-shil na nagkakilala na sila dati. Base sa pagkakasabi ni Gong-shil tila may iba itong kahulugan sa pandinig ng ibang nandoon. Na kesyo umuulan pa nga ng magkakilala sila at ngkahawakan pa daw sila at naiwan pa nga daw ang damit niya sa loob ng sasakyan ni Joong-won.

"Mamili ka ipadadampot kita sa pulis o sa ambulansya ng mga baliw.
 photo master1-00250.jpg

 photo master1-00254.jpg

Sumagot si Gong-shil na pareho na siyang nakasakay sa mga ito at naaintindihan niya si Joong-won kung bakit ayaw nito ng sinusundan siya dahil iyon din ang nararamdaman niya. Sabay alis ni Gong-shil.

Sa kabilang eksena ay naguusap ang auntie at uncle ni Joon-won tungkol sa lovelife nito. Kaya daw wala itong lovelife dahil may sumusunod na multo dito at kailangan pang ipaexorcise ito. Sabi ni uncle na mahihirapan ka talagang makahanap ng babaeng irereto sa kanya ang tsismis ay isinumpa si Joong-won ng kanyang first love na namatay. Walang gustong magpakasal sa kanya dahil yung ibang nakipag ugnayan sa kanya ay nagkamalas malas ang buhay.

Totoo ba talaga ang sumpa? tanong ni Aunti Joo.

Tumawa lang si Uncle sabay sabi na sa tingin ko ay hindi masama lang talaga ang ugali nitong si Joong-won.

May bagong security guard (Seo In-gook) ang Kingdom at sa room 404 ng apartment na pinagtrarabahoan ni Gong-shil ito titira.

 photo master1-00286.jpg

Agad na inexplore ni Kang woo ang lugar umakyat ito sa rooftop at doon nakita niya si Gong-shil na natutulog. Mainit ang sikat ng araw kaya naisipan niyang hatakin ang kumot na nakabilad sa araw para hindi mainitan si Gong-shil. Dahil dito nagising si Gong-shil. Paggising niya nakita niya ang isang anino sa likod ng kumot takot na takot na naman siya at tinatanong kung tao ba daw ito o hindi. Agad nagpakilala si Kang-woo at tinawag pa siyang pusa. Nagkwentuhan at nagkakiligan sila sandali.

Pero bumalik ang multo at kinausap siya na hanapin si Hye-sung

Sa kabilang eksena kumukuha ng prenuptial photos ang couple. Sabi ni Hye-sung gusto niyang pumirma ng bagong kontrata at maglaro uli. Ngunit ayaw it ni Yi-ryung, sa edad at sa mga injuries niya ay wala na raw kukuha kay Hye-sung. Gusto niyang dito na lang sa Korea manatili si Hye-sung at maging celebrity couple. Total ay sila na man daw ang korean version ni Beckham at Posh spice. Baka masira pa daw ito kapag naglaro uli siya at maging loser.

Hindi man nila makita ay andun ang multo sa salamin at nakikinig sa kanila.

 photo master1-00307.jpg

Nakatanggap na naman ng litrato si Hye-sung at may nakasulat sa likod na "alam ko ang lahat ng sikreto mo". Naisip niya ang box na inilibing nila sa may puno ng ex-girlfriend niya. Naalala pa niya na pabiro itong nagsabi na blackmail material daw ang laman ng box. Ang susi nito ay nasa bracelet na suot ni Hye-sung.

Paniwala ni Hye-sung ay binablackmail siya nito dahil ito lang naman ang may alam tungkol sa mga mahirap at madilim na pinagdaanan niya.

Samantala kinausap ni Gong-shil si sec Kim na ibigay ang isang papael kay Hye-sung. Tiyak si Gong-shil na pupunta si Hye-sung kapag nabasa niya ang mensahe.

Naghintay si Gong-shil sa lugar doon sa may puno kung saan may nakalibing pero si Joong-won ang dumating.

Ipinakita ni Joongwon sa kanya ang sketch ng babae sa papel na pinabibigay ni Gong-shil at inakusahan siya na siya ang blackmailer. Sinabi ni Gong-shil na patay na ang babae at nandito siya para iparating ang mensahe nito. Andito lang daw ang ex-girlfriend ni Hyesung para magbantay sa kanya.

Pinunit ni Joongwon ang papel na may sketch. Pagpatay na ang isang tao ay tapos na rin ang storya nito. Hindi na ito dapat makialam pa sa mga taong nabubuhay pa.

Pauwi na si Gong-shil nang makasalubong niya ang anak ng lolang multo. Nakita niya itong papasok sa pasugalan kaya kinompronta niya ito pero nagmatigas ito at sinabing wag siyang makialam.

Ano pa ba ang silbi kung susundin ko ang kahilingan ng isang patay..Wala namang nakikinig.

Sinundan siya ng multong ex-girlfriend at sinigawan niya ito.. Dahil sa iyo at sa mga katulad mo kaya iniisip ng ibang tao na baliw ako.

 photo master1-00367.jpg

 photo master1-00368.jpg

Kinausap ni Joong-won si Hyesung tungkol sa nambablackmail sa kanya. Ang manager daw ni Hyesung ang nagsabi na ang ex-girlfriend niya ang salarin. Pero hindi maintindihan ni Hyesung kung bakit ito gagawin ni ex dahil minahal naman nila ang isat isa at naging masaya naman sila. Ang ex naman daw niya ang nang-iwan sa kanya. Hidin sinabi ni Joong-won na patay na ang ex niya, at pinangakuan lang siya na tutulungan niyang maayos ang problema.

 photo master1-00402.jpg

May kausap sa cellphone ang bagong sekyu na si Kang-woo. Tungkol ito sa pagmamanman niya kay Joongwon at regular daw niyang iuupdate ang mga pangyayari sa Kingdom.

Nakatanggap si Gongshil ng invitation sa kasal. Dahil dito magkakaroon siya ng chance na makausap si Hye-sung. Bago ito kinuha muna niya ang box sa loob ng memorial vault ni multong ex-girlfirend.

 photo master1-00392.jpg

Excited naman si Joongwon sa kasal dahil sa dami ng Kingdom banners na nakalagay sa wedding area at reception hall. Sinigurado niya na mapapansin daw ito ng mga audience at viewers.

Nakita niya si Gong-shil at pinasundan ito para hulihin. Nakilala ni Kangwoo si Gongshil.

Sa bridal room hinanap ni Yi-ryung si Gongshil. Napagusapan nila ng mga dating kaklase na dati si Gongshil daw ang mas sikat kay sa kay Yi-ryung pero ngayon ay nagiba na daw. Nag-iba daw kasi ang personality ni Gongshil at naging weird.

Hinarang si Gong-shil nang security pero pinakita niya ang invitation card kaya napilitan sila na papasukin ito.

Hinanap niya at nakita si Hyesung. Nakita ni Hyesung ang box na hawak niya at inakala niyang si Gongshil ang blackmailer kasabwat ni ex.

 photo master1-00428.jpg

Galit siya at sinabing pera lang ba ang kailangan nito at ibibigay niya. Naitabig niya ang box at bumukas ito na naglalaman ng old soccer shoes.

Sinabi ni Gong-shil na patay na si ex. Kaya daw siya iniwan nito ay dahil may sakit ito at hindi na ipinaalam sa kanya. Nagpunta ako dito para malaman mo ang totoo.

Naalala ni Hyesung ang pangyayari sa picture. Magpapakasal na sana sila pero bigla siyang iniwan ni ex. Naalala rin niya na ng minsan nahuli siya ng mga pulis ay pinuntahan siya ni ex at sinabihan na ayusin ang buhay niya at patuloy na maglaro sabay bigay ng sapatos na nilalaman ng box.

Nagkakagulo sa wedding area dahil nawawala daw ang groom.

Sa may puno kasama ni Gongshil si ex na hinihintay si Hyesung.

 photo master1-00439.jpg

Dumating si Hyesung suot ang sapatos.

 photo master1-00480.jpg

 photo master1-00485.jpg

Napaluha si Hyesung na itinaas ang kamay sa ere. Hindi niya alam na inabot pala ni ex ito. Sinabi niyang namimis niya ang ex. At nang hinawakan siya sa likod ay naramdaman ito ni Hyesung paglingon niya ay nakita niya ito.

Napaluha si Gongshil sa eksena ngunit dumating ang galit na si Joogwon.

Bumalik si Hyesung sa wedding hall suot pa rin ang soccer shoes. Bago ito pumasok ay sinuntok muna ang kanyang manager dahil ito pala ang blackmailer.

Kinausap ni Hyesung si Yi-ryung. Gusto niyang magpatuloy sa paglalaro dahil yun ang nais ng babaeng nagmamay-ari ng kanyang puso. Dahil dito sinampal siya ni Yi-ryung alam niya na hindi siya ang babaeng tinutukoy nito.

 photo master1-00507.jpg

 photo master1-00503.jpg

Sinabi ni Hyesung kay Joongwon na babayaran niya nag damages na nagawa ng cancelled wedding nila. Sinabi ni Joongwon na dahil isinasali mo pa ang patay sa buhay mo kaya nagkakagulo ngayon. Pero sinabi ni Hyesung na okay lang dahil ang totoong kasal niya ay yung kasal na nasa picture.

 photo master1-00525.jpg

Matanda ka na at injured pa. Pagsisihan mo lang ang lahat ng mga bagay na ito. Binigyan man siya ng inspirasyon ng patay pero hind ito makapagbibigay ng talento at galing sa paglalaro. Ikakatuwa kong makita at mabalitaan ang bawat pagkatalo mo sa laro..sabi ni Joongwon.

Sinabi ni Hyesung na may mensahe rin si Gongshil para sa kanya tungkol sa multo na umaaligid sa kanya. Wala man daw kapangyarihan ang patay pero nanatili pa rin ang kanilang damdamin. Gaya ng kay Joongwon.
May flashback sa binatilyong si Joongwon na tumitingin sa babaeng nasa sa sasakyan pinilit niya itong tulungan ngunit biglang sumabog at nasunog ang sasakyan kasama ng babae.

Kaya ngmadaling pumunta si Joongwon sa rooftop ni Gongshil.

Nakita niya si Gongshil doon na nakikiusap sa hangin na sana ay patulugin na siya. Nakaupo ito sa may labahin at nakapikit ang mga mata.

 photo master1-00549.jpg

Itinayo siya ni Joongwon at sinabihan na sabihin ang nalalaman niya tungkol sa kanyang nakaraan.

"Pagod na pagod na ako. Gusto kung matulog sa tabi mo." sagot ni Gongshil.

At yumakap ito kay Joongwon at natulog sa kanyang mga balikat.

 photo master1-00563.jpg